"Oh tabe!! Kung ayaw nyong mamuti ng wala sa oras!", sigaw ni Lira sa mga taong pasalubong sa kanya habang dala ang isang mangkok ng mainit na sabaw. Malapit lamang ang puwesto ng lamesa nila sa counter ng cafeteria kaya agad din itong nakabalik. "Maganda pala kapag masaya si Sir Vince eh, nakakalibre ng pagkain ang lahat ng empleyado.", sabi ni Louie na ngayon ay kumakain nadin. Magkatabi ang inuupuan nila ni Kay, sa kanilang tapat ay si Lira at isa pang bakanteng upuan. Beef steak ang napiling orderin ni Louie. Si Lira ay tortang dilis at sabaw, habang si Kay ay pritong tilapia at chopsuey ang naibigan. Libre daw ang mga pagkain ngayon araw. Hindi nila alam ang tunay na dahilan, basta iyon daw ang utos ng may-ari, si Vince Delas Nueres. "Pasayahin mo si Sir Vince araw araw girl, para t

