Malakas na tawanan ang nangibabaw sa sala nina Kay nang magbalik si Vince doon. Kita nya ang masayang mukha ng nobya dahil siguro sa mga kalokohang kwento ng barkada nya. Ang barkada nyang akala nya ay puro kalokohan at kabwisitan lang ang alam gawin, pero kailangan na nyang aminin na malaki ang naitulong ng mga ito sa kanilang magkasintahan. Napasulyap sa kanya ang mga ito nang pumasok sya sa sala nila Kay. Presko ang istilo ng bahay ng pamilya ng kasintahan. Semento ang ding ding at kawayan ang sahig na may silong kung kaya't preskong presko ang pumapasok na hangin. Naisip ni Vince na ngayong nagdadalang tao ang kanyang nobya ay maganda ang lugar na ito para dito. Ngunit malayo ito sa kanya kaya't isina-isantabi nya ang isiping iyon. "Oh buhay ka pa?", lokong tanong ni Simon. Tinaasan n

