Dimple Erycka Alonzo Nagising akong halos umiikot ang paligid. Napakasakit ng ulo ko. Pilit akong bumangon mula sa pagkakahiga. Bukas naman ilaw, gamit ang naniningkit kong mga mata ay sinulyapan ko ang wall clock. 2:35 pa lamang ng madaling araw. Bumalik ako sa pagkakahiga, napakasakit talaga ng ulo ko. Mukhang kailangan ko ng kape ngayon, baka sakaling mawala ang hang over ko. Lumabas ako ng kwarto ngunit halos mapatalon sa gulat nang madatnan ang isang napakalaking bulas na nakahiga sa sofa. Lampas lampas ang katawan nito sa naturang upuan. Ang alak alakan nito ay nakasampay sa arm rest ng sofa, mula doon hanggang sa paa ay nakalaylay na lamang. Unti unti ang ginawa kong paglapit sa lalaki. Alam ko naman kung sino ito, hindi ko lang akalain na hindi pala sya umuwi matapos akong maihati

