Dimple Erycka Alonzo "Talaga po? Nice yan. Ang galing naman ng ate.", labis ang aking kaligayahan nang malaman ko mula kay Nanay na gagraduate na si ate bilang c*m Laude. Hindi naman ako nainform na masyado nya palang ginalingan. Pero ang saya ko talaga. "Oo anak, kaya sana wag kang mawawala sa araw na yon. Sana ay kumpleto tayo sa graduation ng ate mo. " "Opo naman Nay. Uuwi po ako dyan." masiglang sagot ko kay Nanay. "O sya, nasa trabaho ka nga pala. Nakakistorbo na ako masyado. Mag iingat ka palagi dyan anak, ikumusta mo ako sa nobyo mo ha.", "Opo Nanay, mag iingat din po kayo palagi ha. Ang mga maintenance na gamot nyo wag nyong kakalimutang inumin." habilin ko kay Nanay at tuluyang nang tinapos ang tawag. Matapos nuon ay nagpokus ako sa aking ginagawa. "Kay, pa-receive naman n

