Kabanata 13

969 Words
*** Para akong tuod sa aking kinalalagyan ngayon. Hindi makagalaw at hindi alam kung ano ang gagawin ko. Pare-pareho lang kaming nakatingin lahat sa himapapawid at sa paligid namin.  "Ang dami nila." dinig kung bulong ni Maria kay Tyrone.  Malamang madami sila duh! Tinitignan mo na nga. Gusto kung sabihin iyon sa kanya ngunit tinikom ko na lang ang aking bibig. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito dahil sa babae na yan.  "Ano ng gagawin natin?" tanong ko sa ama ni Maria. Nilingon niya ang paligid at parang may tinitignan kaya nilingon ko rin ito. Huminto ang paningin niya sa mga kahoy na nakalatag sa kanilang bahagi. Hindi ko alam kung bakit niya tinitignan iyon. "Alam niyo ba ang kahinaan ng nga aswang at manananggal ay ilaw o apoy." sambit nito sa akin.  Pagkasabi niya yun ay nakuha ko na kaagad ang gustong ipagiwatig nito. Dinukot niya ang bulaa niya na naaa likuran at kinalbit ang aking nga daliri. Napatingin ako sa binibigay niya sa akin. Isang lighter. Kahit wala siyang sinabi ay alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Nilingon ko si Tyrone ngunit hindi siya nakatingin sa akin kaya si Kyle na lng ang sinabihan ko ng aming gagawin total busy naman ang walang hiya g tyrone na yan. Tumango naman ito at nakuna ang aking plano na sinabi. Humugot ako ng bala ng palaso sa aking likuran at nilagay sa aking pana. Tinutok ko ito aa mga mananggal para maging alerto. "Pagkatira ko sa isang aswang dito ay dapat agad na kayong tumakbo papunta sa kabilang dako." anito. Palihim akong tumango at sinusuri ang distansya ng aminv tatakbuhin. "Nakikita niyo ba ang kulay pulang galon doon? Mga gasolina iyon dapat niyong ibuhos sa mga kahoy para agad na lumagablab ang apoy doon." aniya. Tango lang ang naisagot ko sa kanya. Kinakabahan ako sa aking gagawin sana naman malagpasan namin ang suliraning ito. Lumapit siya sa isang aswang na handa ng lumapa aa amin at bago pa tumama ang sibak niya sa ulo ng aswang ay tumakbo na kami ni Kyle papunta aa mga kahoy. Umungol ang nga aswang kaya hindi na kami nagaksaya pa ng oras at agad na inihagis kay Kyle ang lighter at tyak ko binuhat ng mabilis ang isang galon ng gasolina. Ibinuhos ko sa mga kahoy na nakahilera na andun. Ibinato ko sa paligid ang lalagyan ng gasolina. Nilingon ko si Kyle at sinenyasang ok na.  Paglingon ko sa mga kasamahan ko ay isang manananggal na ang nakitang kung lumilipad papunta sa akin habang nakalabas ang mababangis na ngipin at mga kulo at handa na akong kagatin. Napapikit na lang ako at hinintay ang katapusan ko. Bago pa dumaplis ang mga malalapad na kuko ng mananaggal na susugod s akin ay narinig ko na ang pagsigaw ng nga aswang at mga mananaggal kasabay nun ang pag-ilaw ng buong paligid dahil sa mga nakahilerang kahoy na lumalagablab na ngayon. Parang napapaso ang mga io. Unti-unti silang naging abo at nawal na parang bola sa aming harapan. Doon na lang ako nakahinga ng maluwag. Nanginginig ang aking mga tuhod at bagopa ako bumagsak sa simento ay nasalo na ako ni Kyle pa-upo. "Ok ka lang ba?" tanong nito sa akin ngunit tango lang ang ginawa kung sagot dahil wala akong lakas pa na magsalita. Agad na lumapit ang amingmga kasamahan. Napatingin ako kay Tyrone at hahagkan na niya sana ako pero pinilit kung tumayo at mabuti na nga lang adito si Kyle na sumuporta sa akin. Nilingon ko siya muli at nakita ko ang pagkunot niya ng noo. "Kaya mo ba?" nagaalalang tanong ni Kyle. Tinanguhan ko lang siya at mas hinigpitan pa ang kapit sa kanyabg balikat. Kahit papaano ay kaya ko pang tumayo kahit nanginginig ang aking mga tuhod.  "Magmadali na tayo para makarating na tayo sa ating paroroonan bago pa tayo mahuli." ani Joy. Sumang-ayon naman kami. Agad kaming nakarating sa bahay ni Lola. Pagbukas pa lang namin ng pintuan ay ang madilim na loob ang bumungad sa amin. Pumasok kami para tignan kung andun pa ang nga kasama namin. "Heena? Red?" tawag ko ngunit walang sumagot ni isa sa kanila.  Doon nanaman ako nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Nanginginig ang aking labi habang binabanggit an kanilang pangalan pero ni isa sa kanila ay walang sumagot. Nanginig ang aking buong sistema dahil sa posibleng mangyari sa kanilang lahat. Napalingon kaming lahat ng may narinig kaming ingay sa bandang kusina. Agad akong nagtungo doon at halos lumuwa ang aking mga mata ng nakita ki si Red na nahihirapang makahinga. "Tyrone! Ang lunas!" sigaw ko dito agad naman siyang nagtungo sa akin pati narin ang mga kasamahan ko. Agad niyang pinainom si Red ng tubig na galing sa talon. Ilang minuto rin ang tinagal ng paghihirap ni Red bago bumuti ang paghinga nito. Iginala ko muli ang mga mata ko nagbabakasakaling makita ko sila Heena at Lola ngunit wala akong makita na bakas kung nasaan sila. Pinahiga na nila si Red sa may lapag. Kinapa ni Joy ang noo ni Red kung may sakit pa ba pero wala na bumuti na ang pakiramdam nito. Napagpasyahan namin na hintayin si Red na magising. Hihintayin ko siyang magising at tatanungin ko kung nasaan sila Heena. Ilang oras rin akong nakatingin kay Red at alam kung papasikat na ang araw at wala pa aong tulog. Nakatulog na rin ang mga kasamahan ko. "B-belle." nanlaki ang mga mat ko ng biglang hawakan ni Red ang aking palad. "S-sila Heena nakuha." pahayag nito kasabay nun ang pag-alab ng galit sa buong sistema ko. Someone's Pov Napatingin ako sa mukha ni Belle. Umusbong ang galit sa kanyang mga mukha. Napangisi ako ng palihim. Ganyan nga magalit ka nga sa mga aswang para kapag namatay sila kami naman ang susunod na maghahari ng mga pamilya ko.  Tumatawa ako sa aking isip dahil sa aking plano. Umaayon ang plano sa aking kagustuhan. Alam kung magtatagumpay ako dahil hindi nila alam na ginagamit ko sila para mapabagsak ang walang kwentang mga aswang. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD