KABANATA 7
Kumuha ako ng isang pirasong piatos na hawak-hawak ko habang pabalik kami sa baryo. Madilim ba rin ang paligid, at naririnig na namin ang mga huni ng hayop sa gabi.
"Kailan ba tayo makakaalis dito sa lugar na ito?" tanong ni Red.
Napabaling ako sa kinaroroonan niya. Nginuya ko ang piatos na kinuha ko muli sa supot na hawak ko. Naoabaling muli ako sa mga kasamahan ko na nasa unahan.
Hindi ko rin alam kung kailan kami makakaalis dito ni hindi nga namin alam kung maayos pa ba ang sasakyan na ginamit namin. We weill try to fix it tomorrow at kung hindi naman namin maayos ito no choice kundi ang mamalagi muna kay Lola.
Kapag lalakarin naman namin, dito mula sa kabilang baryo ay aabutin ka ng syam-syam dahil ang mga madadaanan mo lang ay mga palayan at puro puno, hindi mo nga alam kung makakasurvive ka sa ganun eh.
"Kung maglakad kaya tayo papunta sa kabilang baryo?" tanong ko at nginuya muli ang piatos. Awtomatikong napalingon sila sa akin.
"Seryoso ka, Belle? Ang layo kaya." usal ni Heena sa akin. I know. I'm just making suggestions here baka punayag silang maglakad.
"Oo nga. Ang layo-layo kaya baka abutin tayo ng isang linggo o higit pa. Saan na kang tayo matutulog kung ganun? Sa tabi ng kalye? sa mga puno? Ano ang kakainin natin? Hindi sapat ang mga ito." nahabang litanya ni Joy.
Humaglpak ako sa tawa. Nagsusuggest lang naman ako pero sineseryoso na nila. Well, mukhang gustong-gusto na nga nilang maka-alis sa lugar na ito katulad ko dahil hindi maganda ang pakiramdam ko sa bayan na ito.
Yung pakiramdam na parang may nakamasid sa bawat galaw mo. Yung parang inoobserbahan ka nila at kung may magawa ka mang pagkakamali may hindi magandang mangyayari sa'yo. Ganun yung feeling ko.
"Bilisan na lang natin ang paglalakad. Malayo pa tayo." ani Tyrone.
Hindi na kami umimik at maslalo pa naming binilisan ang paglalakad.
Halos mapasubsob ako ng maapakan ko ang kurdon n aking sapatos, mabuti na lang at nabalanse ko ang aking katawan para hindi bumagsak.
Lumuhod ako at itinali ang isa kung sapatos ng naramdaman ko ang mabilis na pagtakbo sa aking likuran. Agad akong napalingon doon pero wala akong nakita. Napailing ako at muling inayos ang aking kurdon.
Pagkatapos kung ayusin iyon ay agad akong tumayo at hinabol sila sa paglalakad. Mabuti na lang at hindi pa sila gaanong nakakalayo kung hindu baka napag-iwanan na ako dito.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ko.
"Malapit na." si Kyle ang sumagot.
Tahimik kang kaming naglakad haban bitbit ang gamit na kinuha namin sa sasakyan.
Bumungad sa amin ang baryong walang kailaw-ilaw tulad nung una kaming dumating dito. Ganito ba talaga ito? Wala man kang talagang street light o ilaw man kang sa mga bahat nila o di kaya ilaw sa labas ng bahay? Paano na lang kung may hindi magandang mangyayari dito?
Habang naglalakad kami papunta sa bahay ni Lola ay hindi ko maiwasang tumingin-tingin sa amin kapaligiran at nagsisi ako dahil lumingon pa ako sa may kapunuan.
Bigla ko na lang kasing nakita ang mga pulang mga mata. Nangilabot ako at kumalat ang takot sa buong sistema ko.
Hinila ko ang damit ng isa naming kaibigan. Paglingon ko si Tyrone iyon. Napalingon naman siya sa akin at nagtaka. Nakita niya ata ang tinitignan ko kaya tinignan niya rin ito.
Maslalong humigpit ang hawak ko sa damit niya dahil sa takot na nakikita ko ngayon. Siningkitan ko pa ang aking mga mata para tignan kung ano iyon.
Pakiramdam ko unti-unti silang naglalakad papunta sa amin. Hindinga ako nagkamali, habang papalapit ang mga pulang mata ay maslalo kung nakikita kung ano iyon.
Ang tatlong aso! Ang tatlong aso na nakita ko sa Falls.
Napalingon na rin ang nga kaibigan ko sa mga asong iyon. Nagulat sila sa nakita nila at alam kung natatakot rin ang mga ito tulad ko.
Maslalong nangilabot ang buong pagkatao ko ng biglang ngumanga ito. Tumulo ang lawa nila na nagmumula sa kanilang mga bibig at nakita namin ang mga matatalas na ngipin na hindi pangkaraniwan sa mga aso.
"A-ano iyan?" kinakabahang tanong ni Kyle.
Naramdaman ko na papunta sila sa amin. Hindumi na ako nagdalawang isip na hablutin ang damit ni Tyrone para sensyasan na tumakbo na kami.
"s**t! Takbo na!" sigaw ni Tyrone.
Agad kamin nasitakbuhan ng mabilis. Nasa likod lang namin ang mga aso. Mabibilis silang tumatakbo paounta sa amin pero hindi naman namin hahayaan na may mangyari sa aming hindi maganda.
Ang mga gamit na kinuha namin sa sasakyan ay ibinato na namin kung saan-saan. Wala na kaming pakealam kung wala man kaming makain ang gusto lang namin ay mailigtas ang mga buhay namin ngayon.
Nilingon ko muli ang mga asing naglalaway sa likod namin. Malapit na nila kaming maabutan ng biglang naging dalawa ang ulo ng mga ito.
Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita kung paano naging dalawa ang nga ulo nila. Posible ba na ang mga aso ay maging dalawa ang ulo? o aso ba talaga ang mga ito?!
Nilingon ko ang mga kapunuan na nasa gilid.
"Magtago tayo sa mga puno na nasa tabi. Madilim at tyak hindi nila tayo makikita." pahayag ko sa kanilang lahat.
Nagsitanaguhan ang mga ito kaya wala naman kaming inaksayang oras kaya nagtungi kami sa mga kapunuan.
Kasama ko si Tyrone na nagtago sa isang malapad na puno. Umupo ako sa gilid at sinandal ang aking ulo para makasilip.
Sinilip ng isa kung mga mata ang kalsada. Nakita kung tumigil ang mga ito. Naglalaway silang tumungo sa kinaroroonan namin kaya agad muli akong nagtago.
Nang may nakita akong isang malapad at matabang kahoy sa tabi ko ay kinuha ko iyon. Napalingon si Tyrone sa akin at kinuha rin ang isang kahoy na naroroonan. Tinanunguhan niya ako kaya naman mas hinigpitan ko ang pagkakahawak.
Sinilip ko muli ang mga aso. Muli akong napasandal sa pinagtataguan namin dahil malapit na malapit na sila.
Maslalong napahigpit ang hawak ko sa kahoy ng biglang umungol ang mga ito. Niyanig ng ungol ang kaluluwa ko. Namamanhid ang aking mga tuhod pero pinilit ko paring tumayo ng dahan-dahan para makapagjanda kung anuman ang mangyayari sa akin.
Tumulo ang luha na nangaling sa aking mga mata dahil sa takot. Takot na mamatay, takot na baka may mangyaring masama sa amin ng mga kasamahan ko.
Gusto kung sisihin ang sarili ko. Sana hindi na lang ako pumayag na magbakasyon sana hindi na lang kami nagbakasyon. Kung sana hindi kami nagbakasyon wala sanang mangyayaring ganito.
Maslalong bumuhos ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. Napapikit ako ng mariin ng may naramdaman akong humawak sa pisngi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nagaalalang mga mata ni Tyrone sa akin.
Hinaplos niya ito at tyaka ngumiti sa akin.
"Sssshhhh. Wag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama sayo hangga't nasa tabi mo lang ako. Ipagtatanggol kita." mariing pahayag niya.
Maslalong bumuhos ang luha ko sa kanyang sinabi. Guston kumawala ang hikbi sa aking bibig pero pinigilan ko ito gamit ng aking mga kamay.
Naramdaman ko na kang ang pabalot ng bisig niya sa akin. Maslalo akong umiyak ng tahimik sa kanyang balikat. Ito lang ang pwede kung gawin sa ngayon, ang umiyak ng umiyak.
"Tama na. Ok lang yan. Wag ka ng umiyak. Nasa tabi mo lang ako. Malapit na sila kaiangan na nating maghanda." aniya.
Agad akong kumalas sa yajao niya at tinanguhan siya. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang aking mga kamay tyaka kinuha ang kahoy.
Umapak ako ng patalikod at sa pag-apak kung iyon ay biglang gumawa ng tunog dahil isang sanga ang aking naapakan.
Nanlaki ang nga mata ko kasabay ang pag-ungol nila papunta sa amin. Napalingon ako sa mga ito habang tumatakbo ng mabilis papunta sa amin at handa na kaming atakihin.
***