Kabanata 4

1194 Words
*** KABANATA 4 Halos mapatalon jami sa gulat nung nakita namin ang isang matanda sa aning harapan habang may hawak na lampara.  Nung sinabi niyang sumunod kami sa kanya ay sumunod na kami agad-agad at hindi na kami nagdalawang isip pa. Aangal ka pa ba at mag-iinarte kung may nagkukusang loob na ngang magbigay ng tulong sa'yo? at isa pa mas gugustuhin na lang naming sumama sa kanya kaysa bumalik sa sasakyan na ganun kadilim ang paligid. Nakakatakot. Hinawakan ng matanda ang kahot na bintuan nito at agad niyang hinila. Tumambad sa amin ang isang madilim na loob ng bahay.  Nang itinapat lang niya ang lampara sa bahay ay doon lang namin naaninag ang kabuuan ng kanyang pamamahay.  Hindi siya malaki tulad ng mga kabahayan sa Maynila ngunit ok na ito basta makatulog lang kami ngayong gabi at bukas na bukas magaabang kami ng sasakyan sa may arko. Meron naman atang mga sasakyan na dumadaan doon.  Pinapasok na niya kaming lahat at agad na sinarado ang pintuan at kinandado ito. Napatingin kami sa kanya at ganun na kang ang gulat namin ng sumesenyas siyang tumahimik kami kaya tinikom na namin ang aming mga bibig.  "Wag kayong mag-iingay. Maririnig nila tayo." bulong niya sa amin at nilapag ang lamoara sa isang kahoy na lamesa.  Tanging lampara lang ang ilaw namon sa loob ng bahay. Sakop naman niya ito ang sala niyang maliit.  Nilagay na namin ang aming mga dalang gamit sa gilid. Nilabas ko muli ang cellphone at tinignan kung may signal at nung nabuksan ko ito ay halos ibato ko ang cellphone ko dahil ni isang signal wala. Kahit isa man kang sana! Ano bang lugar ito at walang kasignal-signal dito?! "Wala pa ba?" tanong ni Joy sa akin. Umiling lang ako at nilagay muli sa bulsa ang cellphone.  Iginala ko ang aking paningin at nakita ko ang mga bawang na nakasabit sa bintana at pati narin ang  pintuan. Napansin ko rin kanina sa labas ng bahay na may nakapalibot na asin doon.  Nilingon ko si iying matanda para sana magtanong ngunit nasa kusina na siya. Nagtungo naman ako doon at nadatnan ko siyang naghahain ng makakain. Napatingin siya sa akin at ngumiti at tinuloy muli ang ginagawa. "Kumain na ba kayo? Alam kung di oa kayo kumakain. Tawagin mo na ang mga kasama mo para makakain na kayo at makatulog." bilin niya. Umu'Oo naman ako at nagtungo sa mga kasamahan kun naka-upo sa sahig na kahoy. "Kain daw muna tayo." sabi ko sa kanila. Agad naman silang nagsitayuan at nagtungo sa kusina.  Hindi kami kasya sa lamesa kaya naman iyong tatlong lalaki ang nakatayo habang kumakain kami. Tanging toyo at isang priton isda lang na tig-iisa kami ang aming kinakain kasama narin ang ulam. Tahimik kang ang hapag at tanging tunog lang ng kubyertos o ang pagnguya namin sa kinakain namin ang ingay na maririnig mo. Wala ni isang nagtangakang mag-open ng isang topic sa amin.  "Paano ba kayo nakapunta dito?" tanong sa amin ng Matanda na hindi pa namin alam ang pangalan.  Nilunok ko ang aking kinakain at agad namang uminom ng tubig na nasa harapan ko. Napatingin ako sa kanya na nasa lababo na naghihugas ng kaldero.  "Nabangga po ang sasakyan namin aa isa puno." sagot ko at muling sumubo ng pagkain  "Nabangga? Paano?" naguguluhan niyang tanong.  "Kasalanan ko po kasi dahil inaantok ako sa daanan." sagot ni Tyrone. Napalingon ako sa kanya at agad namang nagtama ang aming mga mata. Agad akong umiwas ng tingin.  Tumayo na ako at kinuha ang platong ginamit ko para mahugasan. Hinawakan ni Heena ang aking kamay bago ako makapunta sa lababo. Napalingon naman ako dito at nakota ko siyang umiinon ng tubig.  "Pasama na rin. Pakihugas narin. " sabi ni Heena.  Hindi na ako umapila pa at agad na nagmartsa papunta sa lababo. Nilingon naman ako ng matanda. "Ako na jan, Ineng." aniya. Umiling lang ako.  Malaki na ang naitulong niya sa amin. Ang pagpatulog dito sa kanyang bahay ng isang gabi man kang at ang pagpapakain niya sa amin ay malaki ng tulong iyon sa amin.  Kung sana kinuha namin iyonh binili namin sa suermarket na mga pagkain ay sana nakapagluto kami ng kahit noodles man lang o numng potahe ng pagkain kaso nga kang ay naiwan sa sasakyan.  "Ako na po, Lola...."  "Ako pala si Lita." aniya.  "Ako na po, Lola Lita. Kahit ito lang ang magawa namin dito. Malaki na po ang naitulong niyo sa amin dahil sa pagpapatulog niyo sa amin ngayong gabi at pagpapakain niyo sa aming nga magkakaibigan. Hindi nga namin kung paano namin kayo mababayaran" mahabang litanya ko at nilapag ang plato sa lababo. Binuksan ko an isang tubo na nagmumula ang tubig.  "Naku, wag niyong isipin iyon. Walang kaso sa akin iyon baata ang importante ngayon ay ligtas kaying lahat kung hindi lang sana ako nagising sa mga tili ninyo kanina ay may nangyari na sanang masama sa inyon lahat." pahayag nito. Napalingon ako sa kanya.  "Po? Ano naman po anganguayaring masama sa amin?" tanong ko.  Hindi siya umimik at pinagpatuloy lang niya ang pag-aayos ng mga pinggan at kubyertos sa kanilang lalagyan.  "Nga pala Lola. Nasaan po ba kaming lugar?" tanong kung muli.  Napalingon naman siya sa akin. Pinagpatuloy ko muli ang paghuhugas habang hinihintay ang kanyang sagot pero ni isang salita ay wala akong nakuha.  Pagkatapos naming kumain at maghugas ay nagtipon-tipon na kaming lahat sa sala. Naglatag ng karton si Lola para sa amin.  Alam kung hindu kami sanay sa ganiti ngunit wala kaming choice. Hindi pwede ang maarte ngayon dito, kung magiinarte ang isa man sa amin ay doon na lang siya sa labas matutulog at isa pa buti nga may matulugan pa kami ngayon na mas komportable.  Walang silid ang bahay na ito. Tanging ang kusina, sala at ang maliit na banyo lamang ang pasilidad ng bahay.  Kasya naman kaming lahat doon. Anim kami na magkakasama at pang-pito si Lola Lita kaya kasya naman kaming lahat doon.  Yung nga ibang kasamahan ko ay nakahiga na sa mga karton na nakalatag. Hindi na ata nila kinaya ang antok dahil kanina oa kami naglalakad at dulot narin ata sa mga emosyon na nararamdaman namin kanina.  Nilingon ko si Lola na ngayin ay nakatingin siya sa akin. Nginitian ko siya at nilapitan para kausapin.  "Lola salamat sa pagpapatulog sa amin kahit ngayong gabi lang. Salamat rin po sa pagpapakain samin. Babawi po kami sa inyo dadalaw po kami dito sa inyo para bigyan ng mga pagkain. Bukas na bukas rin po magaabang kami ng sasakyan sa may arko. Salamat po talaga." litanya ko.  Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking malamig na mga kamay kaya naman napaangat ako ng tingin sa mukha nito.  "Aalis kayo bukas? Paano iyan? Wala ni isang sasakyan ang dumaraan dito o sa may arko man. Nung una pa lang sana hindi na kayo nagpunta pa dito, sana nanatili na lang kayo sa sasakyan pero kahit manatili man kayo doon ay malalaman rin nila at baka ngayon na nalaman na nilang lahat na may baging dating dito sa baryo." pahayag niya sa akin.  Kumunot ang noo ko at naguluhan sa kanyang sinabi. Imbis na sagutin niya ako ay bigla na lang naming narinig ang mga asong nauungulan sa labas. Nagkatinginan kani ng matanda.  "Alam na nila kaya dapat maging alerto kayo sa bawat galaw niyo." aniya.  Muli nanaman silang umungol na ikinagimbal ng aking kaluluwa sa takot. Nasaan ba talaga kami? Ano bang lugar ang pinasok namin? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD