CHAPTER 1

2035 Words
Chapter 1 : Kiel's POV. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school habang nakapasok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng pants ko. Tambay lang ako ngayon dahil oras na ng break namin. Hindi naman ako makuntento sa pagtambay lang sa room dahil masyadong tahimik. Masyado kasing abala sa pag-aaral ang mga classmates ko. Edi sila na ang matalino! Matalino naman ako and actually, kilala nga ako rito sa school bilang Kiel Alvarez na matalino, mayaman at masipag sa pag-aaral, maganda ang image ko sa school dahil bilang isang leader ng isang dance group ng school ay hindi ko maaring hayaan na masira ang image ko para sa mga susunod pang henerasyon ng school. Sometimes people are asking me, 'bakit daw ako ang naging leader ng grupo namin samantalang ang daming mas matanda sa akin doon, but of course as usual, what happening now is the caused of what happened before, and what happening now will be the hint for the future. Ikinabit ko na lang ang headphone ko, para maibsan naman ang katahimikan na tinatakasan ko. Walang practice ngayon ang Warriors, masyadong abala si Danny na choreographer namin, at si Soy naman na tumatayong manager namin ay mas gusto nyang magpahinga na muna kami. Ewan ko, lagi na lang nyang gustong magpahinga kami, e, hindi naman kami pagod. Ayoko naman mag-social media kahit alam ko ang password ng WiFi sa school. Syempre, alam ko ang password. Para saan pa ang pagiging best buddy namin ni Danny aka Nathaniel or Nathan or Nate, whatever kung hindi nya sasabihin sa akin ang password, pinsan nya naman ang may-ari ng school. Anyway, ayokong magbukas ng SocMed dahil puro pang ba-bash lang naman ang nababasa ko roon. Puro fans ng kalaban namin as Warriors. May mga haters ang Warriors. And for all those people who still don't know what's Warriors I'm talking about, Warriors is a school dance group and it has a huge numbers of members, but for us, as a members of Warriors, we are not just a simple group, we are more than that... A family, that is exactly what we're calling ourselves as a part of Warriors. And speaking of haters! Pinuno ko ng hangin ang pisngi ko nang may makita akong babaeng nakatayo sa tapat ng poster ng Warriors. May mga nagkalat nangng mga posters ng Warriors, nangangampanya na kasi sila dahil sa lalaban ang Warriors sa isang Battle of the dance group. At nagkalat na sila ng posters just for many students here in GM Academy, for them to support us and the school of course. Ang guwapo ko nga dyan- ah no, I'm not handsome anymore, I am no other than awesome. Nawala ang kalokohan sa pag-iisip ko ng mga bagay na nag-uubos sa oras ko, nang makita ko siyang kinakausap ang posters at may binuburara sa isang part niyon. Hindi ko makita kung anong exactly na ginagawa nya mula sa kinatatayuan ko. Malapitan nga! Nanghihinayang na tinanggal ko ang headphone ko, ang ganda pa naman ng pinakikinggan ko. Lumapit ako sa kanya nang nakakunot ang noo. Ano ba itong babaeng ito? May sayad yata ito e, akalain mo nga naman na kausapin ang poster? Parang sasagot naman iyan. "Hey Miss, can I know 'what are you doing in that poster?" simple kong tanong. Nag-English talaga ako, blonde kasi ang buhok nya, mukha syang foreigner at English din ang pakikipag-usap nya sa pobreng poster. Ang gwapo ko pa naman doon. "You don't care, and its none of your business," mataray nyang sabi. Tingnan mo ito, wala raw ito sa business ko? Grupo po ko po iyan ah. Tumingin ako sa poster na nasa harapan nya at nasa gilid ko. Hindi nya ako hinaharap at nanatili lang sya sa pagguhit ng tatlong pahaba sa pisngi ni Serenity, one of Warriors. Uh, ginagawa nya yatang pusa si Serenity? "Miss, this is my business, so will you please stop that... You are ruining it," nauubusan ko ng pasensyang sabi. Hinarap nya ako ng nakapamaywang at may nanlilisik na mga mata at mukhang hindi nakokonsensya. Woah! May bloody dead glared sya at parang nakakabato, white lady yata ito, e... Na blonde. Pero dahil sa poster ng Warriors at mukha ni serenity ang binababoy nya, hindi ako magpapatinag. Siguradong kapag nakita ito ng warriors at especially ni Serenity ay malulungkot sila. Grabe naman kasi, pati ba naman dito sa loob ng Glaze Millers Academy ay may mga bashers pa rin. "Ano ba ang pakialam mo? Bagay naman sa kanya ah! Isa pa, kalalaki-lalaki mong tao, tsismoso ka." Tumawa ako ng sarcastic at pinaningkitan ko sya ng mga mata ko. Marunong pala siyang magtagalog "Bagay?" tinuro ko ang magandang mukha ni Serenity na burara na ngayon. "Hindi bagay kay Serenity ang ginawa mo sa kanya. Hindi sya pusa, mas mukha pang pusa ang mga kulay ng mga mata mo," pagtatanggol ko kay Serenity. "At ikaw? Anong klase ng mata ang meron ka? Mata ng aso? Kulay itim lang? ASKAL!" "I'm not askal. Tao ako, at gwapo." "Saang banda? Isa pa, bagay kay Serenity iyan dahil malandi sya." "Hindi sya malandi! Sino ka para husgahan sya? Malandi? Hindi sya ganoon, you're just you and you don't have any rights to insult Serenity or anyone." "Eh, sa malandi sya sa paningin ko, e, at wala ka nang magagawa, ikaw ang hindi pa nakakakilala sa kanya, at uulitin ko lang! Bakla ka ba? Tsismomo ka! Alam mo, hindi mo na dapat ako pinapakialaman pa, bakla!" "You know what? You're making me sick," napapangisi kong sabi. "Hindi ako tsismoso, Miss, nakikialam ako because that is my business." "Your business? Really? How? because your a fan? Are they your idol or you have a crush on one of them, who? Serenity? Wow!" nag-cross arms sya nang hindi pa rin bumababa ang kilay nya. Ha! Fan lang daw ako? Hindi nya ako kilala? Pero 'di ba kapag haters dapat kilala nya ang pinaka, you know. Ako ang leader, why she doesn't notice that? "I'm not just a fan, and seriously? You didn't notice that I am one of them?" hindi makapaniwala kong sabi. Tinuro ko ang part ng poster kung saan ako nakapwesto, and as usual, sa harap. "Here, this is my business because I am the leader of the group that you hate, the Warriors, so you should stop that some stupid thoughts about them and about me. I know them better than you do, so I know if you're just telling a false accusations or not." Bigla naman syang kumurap-kurap at pinagpabalik-balik ang tingin sa poster at sa akin. "Ah, talaga, hindi ko nahalata, mukha ka kasing tao kahit papaano diyan, sa personal hindi," sabi nya at dahan-dahang umatras. Nawala na ang tapang sa mukha nya at ang kilay nya ay bumaba na rin, ang confidence niya ay mababa na rin. Looks like kay Serenity lang sya galit. But wait, sinabihan ba nya akong hindi mukhang tao? "Oy! Sandali, mukha akong tao ha, ikaw ang hindi mukhang tao," sabi ko nang tumakbo sya palayo sa akin. Susundan ko sana sya nang hagisan nya ako ng sapatos nya sa tuhod. Shit! Ang sakit. Black shoes pa naman kaya mabigat. Sino ba ang babaeng iyon? Ang lakas ng sayad. Pasalamat na lang sya dahil sa walang tao sa paligid namin, at least sa akin lang sya napahiya. Pilit akong tumayo nang tuwid sa kabila ng sakit ng tuhod ko. Tinanggal ko ang poster na nakakabit na sinira na ng may sayad na babae. Kagaya ng inaalala ko kanina, alam kong masasaktan ang mga members ng Warriors kapag nakita nila ang tungkol dito. Syempre hindi sila papaapekto, pero hindi natin maitatanggi na kapag alam nating may nagagalit sa atin kahit wala naman tayong kasalanan ay masasaktan at masasaktan pa rin tayo. Mabigat sa loob. Tinupi ko iyon ng maayos at pinasok sa backpack ko. Pinulot ko rin ang sapatos na hinagis sa akin ng babaeng stranger na may sayad na iyon. "Mayaman siguro iyon, hindi nanghihinayang sa sapatos," bulong ko habang tinitingnan ang sapatos na mamahaling brand. Binalik ko na lang ang headphone kong hinayaan ko lang kaninang suot ko sa leeg ko at naglakad na papunta sa studio. Sino kayang nandoon ngayon? Tumingin ako sa wristwatch ko. Dalawang oras pa ang break namin. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ang ring tone ko. Napangiti ako nang tingnan ko kung sino ang caller. Si Kayla. Si Kayla ang matagal ko nang nililigawan na babae. Sinagot ko iyon nang may ngiti. "Yes, hello." "Hello, Kiel, pwede ba tayong mag-usap? Mamayang lunch. Wala akong kasabay, pwede ka ba?" Napaisip naman ako. "Ah, oo, sige ba, saan?'" "Sa rooftop na lang, ok lang?" Tumango ako kahit na alam kong hindi nya ko makikita. "Oo, sige." "Sige nandito na ang prof namin, see you later." Binaba na nya ang tawag. Sa totoo lang, ayokong pumayag, minsan kasi iniisip ko, masyado lang akong hopeless dahil napakatagal ko nang nanliligaw, pero hindi nya pa rin ako sinasagot. Magkababata kami ni Kayla, pero hindi naman talaga kami magkaibigan, for me oo, but honestly magkakilala lang kami dahil sa magkapareho kami ng village, at nakilala namin ang isa't isa, then after several years ay ngayon na lang kami naging magkaibigan ng college na kami pareho, second year sya at ako third year na sa college. Pumasok ako sa studio at naabutan ko doon si Nathan na nakaupo sa isang silya habang nagta-type sa laptop nya. "Yow!" bati ko sa kanya. Tiningnan nya lang ako saglit at muling binalik ang tingin sa laptop nya. "Ba't ka nandito sa ganitong oras? Mamaya pa ang pasok mo ah." Binaba ko ang backpack ko at ang sapatos ng may sayad na Miss Stranger na iyon sa may gilid, at humila ng silya at umupo sa harapan ni Nathan. Pabaliktad ang puwesto ko sa upuan, nakaharap ako sa backrest ng silya at nakapatong ang dalawa kong braso sa tuktok ng backrest ng silya, ang baba ko naman ay nakapatong sa braso ko. "Hindi ako umuwi, gumawa ako ng thesis ko," sagot nya nang hindi sa akin tumitingin. "Danny, dito ka natulog? Bakit hindi mo na lang sa bahay mo iyan ginawa?" pang-uusisa ko. Siya si Nathaniel Dannyeight Millers, sya ang best buddy ko. Everyone is calling him as Nathan, pero may isang taong matyaga syang tinatawag ng Nathaniel, none other than Charly, ang sunshine ng Warriors, at ako lang ang tumatawag kay Nathan ng Danny. "Ayoko sa bahay, alam mo naman ang mga tao doon, hindi alam ang salitang 'privacy' at ang salitang 'busy, manggugulo lang sila sa akin doon, dito tahimik, buti nga kinumpleto ni Ethan ang gamit dito." Nagkibit na lang ako ng balikat ko. Siya lang at ang abnormal na si Lex ang tumatawag kay Soy ng Ethan, sa totoo nitong pangalan. "Kaya pala hinahanap ka sa akin ni Kuya Nike." "Talaga? Tinawagan ko si Mom kagabi na hindi ako uuwi, baka nakalimutan lang niya na sabihin." Nagkibit-balikat lang uli ako sa kanya. "Ah, oo nga pala, inanyayahan ako ni Kayla na mag-lunch mamaya." "Pumayag ka na naman? Akala ko ba titigilan mo na ang pagpapakatanga kay Kayla?" "Pagpapakatanga talaga?" Tumingin sya sa akin nang seryoso na para bang walang kahit ano sa sasabihin at sinasabi nya ang joke. "Oo, katangahan, sa tingin mo ba hindi? Kasi sa tingin ko oo, at kahit pagandahin ko pa ang term ay iyon pa rin ang labas niyon, nagpapakatanga ka." "Oo na, oo na, sinubukan ko naman pero hindi ko mapigilan, saka lunch lang naman, e. Ikaw na lang kaya ang humawak ng phone ko, ikaw na bahalang sumagot pagtumawag sya, tapos tanggihan mo." "Sa iyo ang cellphone mo, sasagutin mo kung sasagutin mo, hindi kita pipigilan." "Bakit si SpongeBob? Siya personal bank accountant ni Mr. Crab?" "Hindi ako si SpongeBob, Kiel. Dahil una, hindi ako kasing lakas ng sayad ni SpongeBob. Pangalawa, hindi ko balak agawan ng papel si Martin bilang SpongeBob. Pangatlo, mas bagay ka roon." Sumimangot ako. "Oo, si Squidword ka, moody, masungit at-" Siya na ang nagduktong ng sasabihin ko. "Tapos may dalawang abnormal na laging kasama at ikaw iyon." "Isa lang ako," reklamo ko. "Dalawang sakit ng ulo ang katumbas mo, Kiel." Sumimangot uli ako sa kanya. "Ewan ko sa 'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD