SHHS 43 Michael's Point of View Umupo ako sa sofa sa salas namin habang hawak-hawak ang naninikip kong dibdib. Eto na naman siya, sumusumpong na naman. At talagang ngayong araw pa na ito ah. It's already Friday at ito ang araw na pinaka-hinihintay ng lahat, ang Acquaintance Party. Sabi ni Chrisnah, eto raw ang pinaka-malaki at pinaka-engrandeng event ng school nila dahil dito nagti-tipon-tipon ang lahat ng estudyante sa SCU, from high school to college. Kaya wala rin kaming pasok today para makapag-prepare kami sa nasabing party. But to my case right now, mukhang hindi ako makaka-punta. Naninikip na naman kasi yung dibdib ko eh. Hindi ko alam kung ilang oras ang itatagal ng pag-sumpong nitong kondisyon ko. Ayoko namang abutan pa ako sa mismong party. Masisira ko lang yung moment ni

