SHHS 42 Clive's Point of View "Handa na ba ang lahat?" Tanong ko kay Chrisnah habang sinusuri ko ang mga gagamitin namin sa supresang inihanda ko para kay Allison. Simple lang naman ang gagawin ko, balak ko lang naman haranahin si Allison sa kanila. Oo, sa mismong sa harap ng bahay nila. Sa harapan mismo nila Tito Stephen at Tita Gab. Gusto ko kasing patunayan sa kanila, lalo na kay Allison na totoo yung nararamdaman ko para sa kaniya. Kahit alam kong nakaka-hiya itong gagawin ko, okay lang, basta lahat gagawin ko para lang maniwala sa'kin si Allison. Handa akong hamakin lahat makuha lang ang kaniyang matamis na oo. Naks Clive Jace! Kailan ka pa naging makata? Aish naba-baliw na ata ako sa kaba ah! Nagagawa ko nang kausapin ang sarili ko dahil sa lintek na kaba na 'to. Wala pa nga

