Tila natuod siya at hindi makakilos. Hindi niya alam kung gaganti ba siya ng halik dito o hindi. Ngunit naalala niya ang nakaraan. Hindi pa siya lubusang nakalalampas o nakatatakas sa nakaraan kaya naman marahan niyang itinulak ang binata at nanakbo palabas ng venue ng tuluyan. "Angel!" tawag ni Quieno rito ngunit walang lingon-lingon ang dalaga. Hinabol niya ito at naabutan na lamang niya ito sa elevator. "I'm sorry, Gel..." sambit niya. "I'm okay," sabi lang nito. "I'm really sorry. I want to know kung may pag-aasa pa ako sa'yo." nabigla si Angel sa tanong nito. At kasabay niyon ay ang pag-stuck up ng elevator. Pinagpipindot ng dalaga ang button ngunit hindi ito nagbubukas. Agad na pinindot nila ang emergency button. "Is there anyone there?" agad na tanong ni Quieno at sumingit nama

