“This is the moment I’ve been waiting for—ang maikasal sa pinakamamahal ko…” sambit ni Quieno nang marinig ang hudyat na dumating na ang bride. Inaamin niyang nagkamali siya noon at iba ang naging priority niya—ang best friend niyang si Wayne. Ngunit ngayon ay sinisigurado niya na hinding-hindi na mangyayari ang pagkakamaling iyon—ang iwan sa altar ang minamahal niya. Halos nanlalabo na ang mga mata niya at alam niyang babagsak na ang luha niya ano mang oras. Marahang naglalakad si Angel—iyan ang tanging nakikita niya ngayon. Wala siyang ibang naririnig kung hindi ay ang solemnang tugtog habang papalapit ang kaniyang magiging kabiyak. Ito na nga ang araw na iyon. Ang kanilang pag-iisang dibdib. “I swear… Whatever happens, sa’yo lang nakatuon ang atensiyon ko,” muling bulong niya. Mahala
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


