"This is Erika, from Alfonso Hospital. Mr. Quieno Blaier Alfonso had an accident. Is this the Sarmiento Residence?" hindi agad nakapagsalita si Lyka sa narinig. Sa halip ay natuod siya. Kanina lang ay naroon ang binata sa bahay niya habang hinihintay na umuwi si Angel. Iniwan pa nito ang alaga nitong si Candice para sunduin ang kanyang anak. Ngunit ano ang nangyari at bigla na lang itong nasa ospital. "Why, mom? What happened?" tanong ni Angel nang eksaktong maabutan niya ang kanyang ina na tulala at naibagsak pa ang teleponong hawak nito. Hindi na hinintay pa ni Angel na magbalik ang ulirat ng kanyang ina na si Lyka. Agad nitong dinampot ang telepono. "Hello, who's this." tanong niya sa tao sa kabilang linya. "Hi, Angel? This is Erika." nabosesan kaagad ni Erika ang dalaga. Nakilala

