"Hindi ka maniniwala, ielle." hindi alam ni Angel ngunit tila na-excite siyang ikuwento kay Marielle ang mga nangyari. Matapos niyang ihatid ang binata sa gate at agad siyang nagmamadaling pumasok sa bahay ay nagkulong sa kuwarto para i-chika sa bff niya ang nangyari. "Why? What happened?" mabilis na tanong ni Marielle na may halong pag-aalala. "Si Mr. Alfonso." pabitin na sambit niya. "Si Blaier? Bakit? Ano bang nangyari?" sa bagal magkuwento ni Angel ay naiinip si Marielle. Kauuwi rin lang nila ng mama niya galing sa lung saan. "Yup. Si Mr. Quieno Blaier Alfonso. Nakita ko sa supermarket. And nakasama kong mag-dinner." rinig sa kabilang linya ang excitement ng boses ni Angel. "Talaga? Wow ha. Parang last time sabi mo ayaw mo sa kanya kasi babaero. Ngayon ka-date mo pa." pang-aalaska

