"Ako dapat ang fiancé niya. Ako dapat ang kasama niya. Nagsinungaling ka sa kanya. Alam kong mahal mo siya pero mahal ko rin siya." hindi maiiwasan na hindi mabunyag ang katotohanan. Sa tuwing naaalala niyang inisahan siya ng kaibigan ay hindi niya maiwasang gumawa ng ikagagalit nito. "Doc, ready na po ang operating room." sambit ng nurse na si Ariane. Mabilis na nagtungo sa operating room si Alejandro kasunod si Ariane. Napapaisip pa ito kung sino ang kausap ng doctor sa opisina nito kanina. Sa bahay naman ng mga Sarmiento ay naroon ang mga pulis na nag-imbestiga sa pagkasunog ng shop. Naroon din si Quieno. Ayon sa imbestigasyon ay hindi iyon aksidente. Sinadyang sunugin ang shop at siguradong kasama sa plano ang pagkasunog ni Angel. Mabuti na lamang at dumating si Edric. "Sinong kausa

