"Sinong hindi mo na-kiss?" agad na napalingon si Angel sa likuran niya. Para siyang lumaklak ng suka sa pagkaputla niya nang makita ang binata. "Nandiyan ka pala." pilit na ngiti ang ibinato niya rito. "Just arrived. Sinong pinag-uusapan niyo?" hindi nakaimik si Angel. "Ikaw." diretsahang sabi ni Marielle kaya naman pinandilatan siya ng mga mata ni Angel. "I mean, ikaw, anong ginagawa mo rito?" pag-iiba niya sa totoong tanong. "Dinadalaw si Angel." napatango si Marielle. "At si Wayne." dahilan pa ni Quieno pero ang totoo ay si Angel lang naman talaga ang dinadalaw nito. Tumango naman si Marielle muli at nanahimik na. Nang makarating sa pantry ay kinuha ni Angel ang baon nila at ininit sa microwave. Para sa kanilang dalawa ito ni Marielle. "Seryoso, anong ginagawa mo rito?" si Angel

