LUMIPAS ang isang linggo na walang Quieno ang nagparamdam sa opisina at kahit sa bahay ni Angel. Nabalitaan niya rin na naka-leave si Marielle. Nang tawagan niya ito ay nagsabi ito na naospital ang lola niya kaya biglaan ang pag-leave niya. "Ang sama ko ba kung iisipin ko na magkasama sila?" hindi niya mapigilang ibulalas ang kanina pa nasa isip niyang mga bagay-bagay. "Dapat bang puntahan ko si Marielle? Pero ang sama ko naman kung hindi ko siya pagkakatiwalaan. Kay Mr. Alfonso wala akong tiwala. Pero may Marielle? Parang kapatid ko na 'yon e." nagtatalo ang isip niya kung ano ang dapat niyang gawin. "Hija, anak. Hindi ko yata nakikita si Quieno. Ilang linggo na. May nangyari ba?" napaisip naman si Angel kung bakit ganoon ang tanong nito. At hindi ba dapat ay si Marielle ang itinatanon

