"Ready ka na?" nang makalabas ng opisina niyang tanong kay Beth. "Yez, mem. Wait. Saan ba tayo pupunta?" hindi naman siya sinagot ni Angel kung saan. "Basta. Wait and see. Magugustuhan mo ro'n." napatango na lang si Beth sa dalaga. "Manong, see you tom po." paalam nila sa driver ng Angel's Blossoms. "Sige po, Ma'am Angel. Ma'am Beth. Ingat po." nang makasakay sila ng kotse ay agad na nagmaneho si Angel. "Hindi ko yata naramdaman si Suki ngayon." basag ni Beth za katahimikan. Paano ay wala ang binatang mahilig umorder ng bulaklak sa kanila. "Baka naman wala ng reason para bumili siya ng flowers ngayon." hindi naman din sa lahat ng araw ay may okasyon sa isip ni Angel. "Kung sabagay. Pero kung kilala mo lang siya ay iisipin ko na kilala ka niya." nalito naman si Angel sa sinabi ni Bet

