"Anong hayaan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? E mas pabor ka pa sa kanila kaysa sa ate mo a?" bulyaw ni Dolores nang sabihin ni Daisy na hayaan na ang mga ito. "Sa tingin mo ba e magugustuhan ka ni Kuya Blaier kung ganiyan ang gagawin mo? Mas kamumuhian ka niya!" ganting sigaw naman ni Daisy kaya naman agad siyang sinugod ni Dolores at dumapo ang palad nito sa pisngi niya. Halos mamanhid ang pisngi niya sa sampal na natamo niya sa kanyang ate. "Baliw ka na!" hindi napigilan na sigaw ni Daisy. "Matagal na! I'm crazy. I'm crazy for him!" parang baliw itong humalakhak matapos sabihin ang salitang iyon. "So ngayon..." tumikhim muna ito bago muling magsalita. "Sino ang una kong papatayin?" tiningnan niyang isa-isa ang mga ito pagkatapos ay huminto ang baril. "No. Let's play a game." sab

