BTY TWO

1730 Words
BACK TO YOU (TWO) LOUISE's POV "Pack up na. Malayo ang bahay mo dito. Sa condo ka na lang magpalipas ng gabi?" alok ni Yassy. Bestfriend ko sa showbiz. Sabay kaming pumasok sa pag-aartista magfa-five years na rin. "Mukhang hindi ka na naman susunduin ng boyfriend mo e." Hay. Mayroon pa ba ako nun? Parang hindi ko na nga ramdam ang presensya ni Jasper bilang boyfriend e. Five years. Sinasabihan na nga kami ng mga magulang niya na pwede nang magpakasal pero hanggang ngayon wala siyang nababanggit. Wala yata siyang planong pakasalan ako. "Uy... lalim ng iniisip mo. So ano? Sa condo ko na lang?" "Huh hindi na. wala akong schedule naman bukas gusto ko sa bahay lang muna. May driver naman e." "Sige. Kita tayo next taping." I've been calling my boyfriend non-stop since this afternoon. Pero wala man lang sinagot ni isa. Pati text. Ano naman kaya ang inaatupag niya? 2:00 Am na ako nakauwi. Tahimik na sa bahay. Uminom lang ako ng tea bago naglinis ng katawan. Rest day bukas. Since walang tawag o kahit text galing kay Jasper. I'm starting to worry. Hindi na ako nagna-nag dahil baka pag-awayan pa namin. Patulog na ako. I am staring at my phone. Nicnic Love "Hi Lou! Kumusta ka na? Nandito na kami sa Pinas. Pero sa Pampanga kami deretso. Bonding tayo kapag may free time kami ha? Or sama ka sa Boracay. If hindi ka busy. Miss na kita Gracia!" Nagtatype ako ng irereply nang magmessage ulit siya. Nicnic Love: Bakit gising ka pa? Katatapos ng taping? Me: Patulog na rin ako. kumusta ka? Kumusta sila? Nicnic Love: okay naman ako. Si Prey, broken hearted. Si Nikee, inlove na inlove. Si Jassy, the usual. Kelan ka namin makakabonding naman? Sama ka sa Bora. Me: I can't. May mga tapings and shows pa. Nicnic Love: sayang naman. two weeks lang kasi kami dito. Sige pagbalik namin ha? I miss you Gracia! Me: I miss you too ate Nicnic Love! :) Nicnic Love: Scratch the ate. Four months lang tanda ko sayo ha! Good night. -- -- Nag-aagahan ang mga magulang ko nang bumaba ako. Isang linggo rin yata na hindi kami nagkita dahil sa busy schedule ko. sa iisang bahay lang kami ha? Maaga kasi akong umaalis, late akong umuuwi. "Good morning hija..." bati sa akin ni daddy. Senior inspector sa PNP si daddy. Katrabaho niya ang daddy ni Jasper at ang namayapang ama ni ate Nicnic. Sa kwento ni daddy magkakasabay silang nakapasok sa serbisyo. Bestfriends daw silang tatlo. Pero hindi sinwerte ang daddy ni ate Nicnic sa isang mission. Tumayo naman ako nang maayos at sumaludo sa kanya. "Good morning Senior Inspector Dela Riva." "Carry on..."sagot naman niya. Bumaling ako kay Mommy. "Good morning mom. What's for breakfast? Kumusta ang clinic?" Veterenarian si mommy. "Okay naman. " "good morning ate!" kiniss ako ni Avril Love. Ang nag-iisa kong kapatid. Late na naman siguro to. hindi pa nakakapagsuklay e. 18 years old pero pa-baby pa rin. Sumaludo din siya kay daddy. Haha! nakasanayan na. "Anong oras ka na umuwi kagabi ate?" "2:00 am na. Anong oras ang uwian mo mamaya? Sunduin kita?" "5:00 pero huwag mo na akong sunduin. Pagod ka nun sigurado." " Wala kang schedule ngayon?" Naupo na ako sa tapat ni mommy. "Wala po. Pahinga. May mga lakad kayo? Pwede tayong lumabas?" "Duty ako anak. Si mommy mo samahan mo sa clinic." "Pwede mommy?" "Sigurado ka ba? Ayaw mong magpahinga lang muna?" Umiling ako. "Pero sa clinic na lang ako matutulog." Napailing si daddy. "Pupunta ka sa clinic para matulog. Dito ka na lang sa bahay. Baka atakehin ka na naman ng hika mo." "Healthy na ako daddy. Don't worry." -- Papunta na kami ni mommy sa clinic. She's going 50 pero active pa rin sa profession niya. "Kumusta na kayo ni Jasper?" "okay lang." mabilis kong sagot. "Bukod sa okay lang? Hindi na siya napapasyal sa bahay. May problema ba kayo?" "Wala mom. Busy lang kami pareho. He's busy with their business." Pagtatakip ko sa kanya. Nabalot na ulit kami ng katahimikan. Pumikit nga ako para hindi na siya magtanong e. Nagvibrate naman ang phone ko. Number ni Yassy. HIndi ko na sinagot. Tinatamad akong magsalita e. Nararamdaman ko kasi yung antok. Hay! Nagriring pa rin! Pagcheck ko number ni Jasper. Finally nakaalala! >>>hmmm. Hello... (Hello babe. San ka? Pwede tayong mag-date mamaya?) >>>Papunta ako sa clinic ni Mom. Okay. Sige. Sunduin mo ako? (Yes... 7:00...See you later?) >>>Okay...sige... see you... He cut the call. Walang I love you. walang I miss you. Dumadaan siguro talaga ang relasyon sa ganito. Yung pakiramdam na nagiging routine na lang ang lahat. Ang dates, monthsaries. Everything becomes plain or am I just a boring girlfriend? Binalik ko na sa bag ang phone ko. "Was that Jasper?" "Yes. May date kami mamaya." "Baka magpropose na ng kasal yan baby." Excited na sabi ni mommy. "Matagal na rin kayo. Siguradong magiging masaya ang daddy mo niyan." "Don't expect mom. Hindi pa namin napag-uusapan yan." -- Kavideo call ko si Nicole. Nagpapractice sila for the Speed Prix. "Oh hindi mo ba to namimiss?" sabi niya. "Wala na akong time. Sinong makikipagrace ba? Kayong apat ulit?" Umiling siya. "Si Nikee. All for love. Mukhang malungkot ka. May problema?" Umiling ako. "Pagod lang siguro. Hectic kasi schedule ko ng ilang weeks na e." "Nicnic love! Tara na! Yung gago ilalampaso pa natin!" I heard Jasmine calling her. "Sige ha? Pakamusta kay Tita. Byebye!" "Bye..." Pumasok si Mommy. With our lunch. "Sino yung kausap mo?" "Si Nicole mom. Nasa Pampanga sila." "Namimiss ko na rin ang batang yon. Imbitahan mo nga sila minsan hija. Nagkatampuhan ba kayong lima? Kayo ni Jasmine. Kailan na yung huling pasyal niya sa bahay." "Uhm. Busy lang po siguro. Diba umalis na siya sa puder ng pamilya niya?" Bumuntong hininga si mommy. "Namimiss ko na yung batang yun. Anglambing e. Yakap nang yakap. Daig ka pa e. Naalala mo anak nung bagong gising siya tapos wala ka sa tabi niya? Bitbit niya yung teddy bear mo tapos nagpayakap sa akin sa kusina." Baka nagkakataon lang mommy na may period siya kaya yumakayap sayo. "Baka nagkatampuhan kayo anak ha? Future sister-in-law mo si Jasmine." "Hindi. Wala. Busy lang talaga." Bandang 5:00. Paalis na kami ni mommy. Nagtext naman si Jasper. Isang text lang to cancel our date! Walang tawag. Just a text?! Nakakainis! Nireply ko lang ng ok. Bahala siya! Hndi na lang niya ako hiwalayan nang maayos para matapos na to. Ilang beses ko na ba siyang sinubukang hiwalayan pero nagbebeg siya na huwag. Pero heto na naman siya. - Sa inis ko tinext ko si Yassy. Wala naman na daw siya schedule bukas so pwede lumabas muna kami. Kailangan ko mag-unwind. Sa Railey's Cradle na lang kami. Sa VIP area naman kami. It's safe here. "Mahal ka ba talaga ng boyfriend mo?" Ngumiti ako. "Siguro. Pero hindi ko na maramdaman." "Bakit hindi mo na siya hiwalayan?" Lumagok ako ng alak. "I can't. I just can't." "Mahal mo? yung gagong yon? binabalewala ka e." "Huwag na nating pag-usapan si Jasper. Let's enjoy the night." "Hey girls. Kumusta?" si ate Railey. "How are you Louise? Long time no see..." Si ate Railey ang may-ari ng bar. Pinsan ni Prey ang girlfriend niya. Si ate Zcia. Nagbeso kami ni ate. "I'm good. Si Yassy nga pala ate. Kaibigan ko." Nakipagkamay si Ate sa kanya. "Magsisimula na ang real party. Oh ito, para hindi kayo pagkaguluhan sa baba." Inabot sa akin ni Ate ang dalawang maskara. "Enjoy the night you two." Naghintay lang kami ng ilang sandali. Nagpatugtog na ang dj. Kailan na ba yung huling punta ko dito? Nakita ko pa si Prey nun e. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya dahil tinawagan na ako ni Jasper. "Tara sa baba?" yaya ko kay Yassy. "Don't worry. Safe dito." Inubos ko pa ang alak sa baso ko bago isinuot ang maskara. Tiningnan ko ang dance floor. May apat na babaeng sumasayaw sa gitna. "Kapag hindi tayo nagkitaan sa dance floor mamaya. Sa parking lot na lang ha? Sure ako siksikan mamaya."Paalala ko sa kanya. "Parang may mga celebrity e." "Sure ka safe dito?" Tumango ako. "Tara." Nakisayaw na rin kami. Namiss ko rin ito! Dati sina Nicole ang nakakasama kong magparty dito e. Masaya! Masaya sa pakiramdam ang matakasan ang mundo na nagbibigay ng lungkot sa akin. Walang jasper na iisipin. Walang trabaho na magpapagod sa akin. Walang problema! "hooohhhh!" sigaw namin nang magpalit ng kanya. Nakaakbay ako kay Yassy. "Masaya diba?!!" "Sobra!!!' "Masaya ang may secret life! Hooohhhh!" Sabay sa tugtog ulit. Nakikitalong na rin kami. pero biglang may humatak sa akin. Oh my god! Sino to? Hiyawan pa! anglakas ng kaba ko! Parang alam ko na kung saan ito mapupunta e. NP: Miss Independent Remix. Nagwild pa ang crowd! Nakahawak siyas a beywang ko habang sinasayawan ako. paano ako magrereact? Bakit ganito? Bakit parang anghot niya? Tapos pinadaan sa braso ko ang bote na hawak niya. Kiss her! kiss her! Kiss her! Chant nila. Yan ang chant na rito. Itinaas pa niya ang hawak-hawak niyang alak saka niya ako hinapit sa beywang. Inilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "This is just for fun love..." Kinilabutan ako sa ginagawa niya! Pamilyar! Sobrang pamilyar! Diyos ko! Bakit parang gustong kumawala ng puso ko! Naglapat ang mga labi namin! Sa isang iglap parang wala na akong marinig na musika! Walang hiwayan! Ang paghahalikan namin ang umukopa sa isip ko. Her kiss taste like cherry mixed with alcohol. Namatay ang ilaw! Kumapit ako sa batok niya. Bakit parang automatic ang reaction ng katawan ko?!I responded to her kisses with the same intensity. "uhmmm..." Shocks! Did I just moaned? Nabalik ako sa diwa ko. s**t! Mali! Mali ang ginawa ko! May boyfriend ko! Bumitaw ako sa kanya. Madali akong bumaba ng sa back stage. Deretso ako sa parking lot! Ayoko na dito! I nervously called Yassy. That kiss! Hindi dapat ako nagrespond! Pero bakit ganun? God! Sorry jasper! Sorry talaga. (Where are you?) >>>Car.... Punta ka na dito. Uuwi na tayo... Para akong nahimasmasan sa halikan namin. Heto at ako pa ang nagmamaneho. Nakatulog na si Yassy. Sa bahay ko na silang siya patutuluyin. -- Nagbibihis na si Yassy. Nakatitig ako sa salamin dito sa bathroom. Sino kaya yon? Her lips. "This is just for fun love..." Parang nararamdaman ko pa rin na nakalapat ang labi niya sa labi ko. It was intense kiss turned passionate when I responded. Parang siya. Parang siya yung nakahalikan ko. Was it you? Pero impossible. Palabas na ako ng bathroom nang makaramdam ako ng pagkahilo. s**t. Ano ba to? hindi naman ako lasing. Napahawak ako sa may pinto. Nanlalambot ang binti ko. "Yassy...!! Help!!" Naagapan naman niya akong tulungang humiga sa kama. "Gusto mo dalhin ka na namin sa hospital?" "Hindi na. huwag mo nang istorbohin sina Daddy." "Are you sure?" Tumango ako. "Matulog ka na rin. Hindi na ako nahihilo. Baka dala lang ng pagod to." Pero ang totoo niyan kinakabahan ako dahil ilang beses ko nang naramdaman ang pagkahilo at three weeks na akong delayed. Paano ko sasabihin sa kanya e nilinaw niya sa akin na hindi pa siya ready na magkapamilya.#  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD