Episode 18

1727 Words
-------- Nasa simbahan sila ni Jorge, dinala talaga sya nito dito dahil daw nandito ngayon si Vincent sa simbahan. Tutulong daw ito sa susunod na misa. Sa buong buhay nya, ngayon pa lang sya pumupunta sa simbahan hindi dahil sa magsimba kundi dahil sa isang lalaki. Ewan ba nya dito kay Jorge. Ito siguro ang may crush kay Vincent. “Ano ba yong pinagsasabi mo kanina? Wala akong gusto kay Vincent.” Kompronta nya agad kay Jorge. Baka ano pa ang iisipin ni Aki sa sinabi nito kanina. Ano naman ang pakialam nya? “Hayaan mo na kasi ako. Ang sarap kayang inisin ni Aki. Pustahan tayo, susunod yon dito.” Sagot nito. “Ewan ko sayo.” Kunot- noo nyang sabi dito. Mayamaya, nagpaalam muna sya dito para pumunta ng restroom. --- Parang tanga at sinundan pa talaga n’ya sina Haylee at Jorge dito sa simbahan. Gusto lang nyang makita kung sino ang Vincent na sinasabi ni Jorge na crush ni Haylee. Gusto lang n’yang malaman kung mas guapo ito sa kanya at kung bakit may crush si Haylee dito. “Hi fafa Aki, anong ginagawa mo dito sa simbahan?” tanong ni Jorge sa kanya, ito lang ang lumapit sa kanya, hindi kasama nito si Haylee. At hindi nya mapigilan isipin na kaya hindi kasama nito si Haylee dahil sa kasama ni Haylee ang sinasabing Vincent ng baklang ito. “Ano pa ba ang ginagawa dito sa simbahan? Pwede bang mag- swimming dito?” pilosopo nyang sagot dahil dahil sa pagka- bad trip nya. “Ang funny mo talaga my loves Aki.” Kunting- kunti na lang at talagang sasakalin na n’ya ang baklang ito. Pero hindi n’ya pwedeng gawin ito dahil close na ito kay Haylee at baka mas lalong magalit sa kanya si Haylee. “Saan si Haylee?” “Bakit ba sya ang hinahanap mo? Nandito naman ako.” Napakalma s’ya sa sarili. Nakakabanas talaga ng sobra ang Jorge na ito. Bakit ba ito nagiging kaibigan ni Haylee? Kung hindi sana sya nagpapadala sa maling akala nya sa kuya ni Haylee na si Mike, baka sila ngayong dalawa ni Haylee ng close. “Bakit kita hahanapin kung nasa harapan kita?” “Oo nga pala. Ang talino mo talaga honey Aki.” “Ngayong, sabihin mo sa akin kung nasaan si Haylee.” Pero imbes sagutin sya nito, may ibang nakikita ito. “Aki, tignan mo si Father, nahihirapan sa dala nya, tulungan mo.” Utos nito sa kanya. Nakita nga nya si Father Sebastian na naglalakad at maraming dala. Malapit ang pamilya nya sa simbahan kaya kilala nya ang pari. Pero ang pamilya lang nya ang malapit sa pari hindi sya. “Bakit ako ang inuutusan mo? Bakit hindi ikaw ang tumulong?” “Dahil lalaki ka at babae ako. Na stranded nga lang ako sa katawan ng isang lalaki. Pero maniwala ka na isa talaga akong beauty queen nung hindi pa ako isinumpa ng isang witch.” “Pinagloloko mo ba ako? Papagurin mo pa ako sa pagtulong kay Father.” “Pinapatawa lang kita. Ang init kasi ng ulo mo. Sige na, tulungan mo na si Father.” “No way. And there’s nothing you can do to make me---” “Okay. Palapit naman si Vincent kay Father. Sigurado ako---- isa pa naman sa mga ideal man ni Haylee ay yong magalang at matulungin. Ang per----” Hindi na nya pinatapos pa si Jorge sa sinabi nito, nakita kasi nya na palapit sa kanila si Haylee, kaya mabilis din syang humakbang palapit sa pari para tulungan ito. - Napakunot naman ang noo ni Haylee habang nasundan si Aki. Lumapit ito sa pari para tulungan ito. Napaawang ang labi nya habang nakatingin kay Aki at sa pari. Kailan pa ito naging matulungin sa kapwa? Awang labi din ang pari na halatang gulat na gulat sa ginawa ni Aki. Pati ito ay hindi makapaniwala na magawa itong tulungan ni Aki. Mayamaya, lumapit sa kanilang dalawa muli ni Jorge si Aki. “Darling Aki, anong nangyari sayo? Akala ko ba----" “Tumigil ka! Banas na banas na ako sayo. Kung ayaw mong gugulpihin kita ng tuluyan, isara mo yang bibig mo.” “Pati ba naman dito sa simbahan ay ang hilig mo parin magbanta, Aki.” Pagalit na sabi n’ya kay Aki. Pagkatapos nitong tumulong sa pari, heto na naman ito at masama na naman ang mood. “Ang mabuti pa, ikumpisal mo yang mga kasalanan mo.” Hindi seryosong suggestion nya dito. Napasimangot naman ito sa sinabi nya. Matalim ang titig nito sa kanilang dalawa ni Jorge. - Lihim na napatawa si Haylee, hindi naman nya lubos akalain na talagang mangungumpisal si Aki. Ano kaya ang ikinukumpisal nito? At dahil sa kay Aki sya nakapokus, hindi tuloy na napansin ang paglapit ni Vincent sa kanya. At talagang iniwan sya ni Jorge nang lumapit si Vincent sa kanya. “Hi Haylee!” nakangiting bati nito sa kanya. Ngumiti din naman sya dito, baka isipin pa nito na suplada sya. Niyaya sya ni Vincent na lumabas ng simbahan, at pumunta sa park para makipagkwentuhan sa kanya. Pumayag naman sya. Wala naman masama kung makipag- kwentuhan sya dito. Mabuti na rin ito para magkaroon sya ng bagong kaibigan. Marami silang napagkwentuhan ni Vincent hanggang sa nasabi nito sa kanya ang isang sekreto nito na sa kanya lang nagawang sabihin nito. At napangiti sya sa sekreto nito. Hindi nya ito hinuhusgahan. Wala na syang magagawa, talagang lapitin sya ng mga katulad nito. ------- Nang papauwi na sila ni Jorge, bigla na naman syang hinila ni Aki at sa kotse sya nito napasakay. Hindi man lamang sya tinulungan ni Jorge para makawala mula kay Aki. Hindi daw kaya nito kaya ang lakas ni Aki kaya hinayaan sya nito na tangayin ni Aki. “At sa simbahan pa talaga kayo nagliligawan ng Vincent na yon.” Si Aki, puno ng irritasyon ang tinig, busy ito sa pagmamaneho nito. “Ano naman sayo? Bakit ka ba nangingialam? Aminin mo nga sa akin. May split personality ka ba? Kanina, medyo mabait ka pa. Ngayon, galit ka naman na walang dahilan.” “Dahil ginagalit mo ako.” “What’s new? Lagi ka naman galit sa akin, eh!” taas kilay na sabi nya dito. “Na wala naman dahilan.” “Buong akala ko pag umabot ka na sa ganitong edad, maintindihan mo na ako. Pero hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako naintindihan, Haylee.” “Ewan ko sayo Aki. Kung may gusto kang intindihin ko, sabihin mo. Hindi ako manghuhula.” Aminado sya na pakiramdam nya nagseselos ito. Pero ayaw nyang mag-assume na may gusto ito sa kanya. Wala naman kasi itong sinasabi. Malay ba nya kung wrong signal lang ang ipinapakita nito sa kanya. Ilang beses na rin nyang naranasan ang ganito. Buong akala nya may gusto sa kanya ang isang lalaki pero dahil sa lapitin sya ng mga lalaking membro ng federasyon, ang mga ito ay mga kauri lang din pala kay Jorge. Napatitig sya kay Aki. Parang gusto na n’yang magdadalawang isip sa kasarian nito. “So, boyfriend mo na ang pangit na Vincent na yon?” napataas na naman ang kilay nya. Ang lakas ng loob nitong sabihan pangit si Vincent. Okay naman ang hitsura ni Vincent. Pwede nang pang- display. “Anong boyfriend ang pinagsasabi mo dyan?” “Diba, nagliligawan na kayo? Tama wag mong sagutin ang lalaking iyon.” “Ano naman ang sasagutin ko kung wala yong planong mangligaw. Bakla kaya si Vincent. “Natuptop nya ang bibig. Nasabi pa talaga nya ang sekreto ni Vincent. Nangako pa naman sya dito na sekreto lang nila ito. “What did you say?” naihinto nito ang kotse at napatingin sa kanya. “Hindi ka naman siguro tsismoso. Bakla si Vincent, okay?” Mahina lang ang boses nya. “Seriously?” nakatawang tanong nito. Marahang syang tumango, mas lalong napatawa ito ng malakas. “Paano kung sasabihin ko sayo na tsismoso ako at plano kung ipagkalat ang sinabi mo.” may pagbabanta ang boses nito. “You can’t do that.” May halong galit ang boses nya. Naipangako pa naman nya kay Vincent na walang ibang makakaalam kahit na si Jorge. Sa malas, sa Aki pa na ‘to nadulas ang bibig nya. “Bakit may magagawa ka ba kung plano kung ipagkalat ang sekretong iyan?” “Fine. Ano bang gusto mo?” naiirita nyang sabi nito. Kainis talaga ang Aki na ito. Bina- blackmail na naman sya. “Anong gusto ko? Bakit kaya mo bang ibigay?” tila may paniniguro ang boses nito. “Anything. Basta kaya ko lang. And please, don’t ask money dahil mas mayaman ka pa kaysa sa akin.” Maloko itong ngumiti. Napasubo yata sya. Ano kayang nasa isip nito? “Anything?” he grinned. “Anything nga. Sabihin mo na.” Maloko na naman itong ngumiti. Kaysa sumagot ito, unting- unti inilapit nito ang mukha sa mukha nya. Napalunok sya ng napatingin ito sa labi nya. Are he going to kiss her? Oh God! Hindi pwedeng malapat ang labi nito sa labi nya. Pero, hindi sya makakilos, hinihintay nya ang labi nito na malapat sa labi nya. God, someone help her. Ayaw nyang mahalikan sya nito. At tinulungan nga sya ng panginoon dahil bago pa malapat ang labi ni Aki sa kanya, isang malakas na busina ng sasakyan ang narinig nila. “Sh*t!” galit na sabi ni Aki. Inayos nito ang pagkakaupo, saka binuksan ang pinto ng kotse, at padabog na lumabas mula dito na tila handa pang makipag-away. Dahil sa takot na baka makipag-away nga ito, lumabas rin sya mula sa kotse. “Bro Aki, hindi ko alam na kotse mo pala yan.” Ani ng lalaki na kilala pala si Aki. “Ngayon na alam mo na. May problema ka ba?” halata talaga na bad trip si Aki. “Dadaan sana ako, Bro.” mahinahon na sabi ng lalaki. “Hindi mo ba nakita? Ang laki ng daan.” Oo nga naman. Malaki naman ang daan. Pero okay na rin. At least, hindi natuloy ang maitim na plano ni Aki sa kanya. “Aki, tayo na. Wag ka nang makipag-away.” Saway nya kay Aki. Napatingin ang lalaki sa kanya. Ganun din naman sya. “Haylee?” tila hindi makapaniwalang sambit nito. “Felix?” Sambit din nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD