-------- Masaya naman ang kanilang sinasabing honeymoon. Sa loob ng isang linggo, lagi silang nagtatawanan, naghahabulan sa dalampasigan, at magkasamang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Paminsan-minsan ay kinakantahan siya nito. Ang madalas nilang ginagawa sa gabi ay ang manood ng mga bituin. When they made love, puno ito ng init at damdamin. Bawat halik nila ay nauuwi sa isang matamis na pagniniig. Kahit na may pagkakataong iba ang pangalan na nasasambit nito habang sila’y magkasama, hindi na niya iyon alintana. Kung mahal niya ito noon, mas mahal na niya ito ngayon. Mas nakilala na niya ang tunay na pagkatao nito—romantiko pala ito, sa kabila ng pagiging isang kilalang playboy. Ngayon, sa kanya na ito habang buhay, dahil mag-asawa na sila, kahit pa lihim ang kanilang kasal. Umaasa

