------------ Nandito sila nakaupo sa cockpit ng yate, tila nagpipicnic habang sabay na pinagmamasdan ang marahang paglubog ng araw. Ang mapusyaw na kulay ng langit ay nagsasayaw sa ibabaw ng dagat, nag-iiwan ng mahanging katahimikan na tila nagpapalambot sa anumang bigat ng damdamin. Maya-maya, tumayo si Aki at lumapit sa steering wheel. Sinundan lang siya ni Haylee ng tingin, may bahagyang pagkukunot ng noo. Wala itong sinasabi, ngunit kitang-kita niya ang determinasyon sa mga mata nito habang inaayos ang posisyon ng yate upang mas lalong gumanda ang tanawin sa kanilang harapan. Ilang saglit pa, kinuha nito ang cellphone mula sa kung saan. "What are you doing?" tanong niya, hindi maitago ang pagkalito sa kilos nito. Napangiti si Aki bago ito sumagot. "You’re so beautiful in that view,

