---------- Kasalukuyang syang nakaupo sa isang high chair sa may counter, habang sinusundan ng tingin si Jasper, nakikipag-usap ito sa mga executive ng ilang malalaking kompanya. Pinili na lang ni Haylee ang manatili dito dahil sa wala siya sa mood para makipag- usap sa kung sino- sino. Si Aki ang sinisisi niya kaya nawala ang mood niya. “Please, tell me that is one of your half-brother.” Barintonong boses ng isang tao na tumayo sa gilid nya. Napatingin sya dito at sumalubong sa paningin nya ang matalim na tingin ni Aki sa kanya. Binawi nya ang tingin dito. “He’s not my brother; he is really my date.” Kaswal na sabi nya dito. Hindi nya binigyan ng kahit anong ekspresyong ang mukha. “Date? At sinong nagbigay sayo ng karapatan na makipag-date sa iba?” tila galit nga ito, pero pinigilan l

