Episode 1

1877 Words
---------- (Please basahin mo na ang Author's note at laging tandaan....) Note: Hello guys, kung hindi kayo readers ng Del Fuengo Clan ko, gusto ko lang ipaalam sa inyo na may plotting akong pina- follow sa series na ito, lahat ng stories sa Del Fuengo Clan ko ay nagsisimula mga bata pa sila. Ibig sabihin, the story started in their childhood years, again--- started, na bata pa lang ang mga bida. I have 38 completed stories in my Del Fuengo Clan, ang iba sa kanila ay na- published na, ang iba ay hindi pa. Sa ngayon-- ito ang mga Del Fuengo Clan ko (When it comes to love-- may 15 stories ito, pero dagdagan ko pa ito ng isa. 15- 25 chapters lang ang bawat stories dito at hindi komplikado). Ang iba ay: The Neglected Wife (PTR ito) and nasa iisang book lang ang dalawang ito, free and completed (My Irresistible Seductor and Suddenly Married to my kuya). All my love is for you (on- hold muna ito) story ito ng parents ng ML sa story na ito. Hindi lang edited ang mga iyan kaya madami talagang errors pero maintindihan nyo naman ang kwento. Hindi ko na din masyadong e- edit ito kaya pasensya na sa mga errors. Anyway, Cebuano ako kaya hindi perfect ang tagalog ko. Third Person's POV ang gamit ko sa story. Free nyo itong mabasa hanggang sa completion. FREE! Kaya subaybayan ang bawat update, meron lang itong 40+ chapters. Hindi komplikado ang story at pampagoodvibes lang. Wag kayong mag- expect na iiyak kayo ng sobra kung may nakakaiyak man na scene. Kung gusto nyong story na mainis kayo at medyo maiyak, Montreal Property series ko nalang ang basahin nyo, kaya lang PTR ang mga iyan. Okay? Respect lang tayo sa isa't- isa dito dahil wala akong makukuha dito kundi eyebags lang. Sa magtatanong kung bakit ma- update ito at ang iba ay hindi kahit may SNR ako? Kasi nga completed na ito at kunting revision lang ang gagawin ko. Yang mga naka- kontrata kong story, 90% revision ang gagawin ko sa mga iyan kaya hindi talaga ma- update agad kung may SNR ako. Thanks, and Godbless. Nag- iipon pa ako ng readers at followers sa ngayon, mas madalas ang update pag medyo madami na. Mag- comment naman kayo kung may time kayo, inspiration lang sa pag- update. Again: FREE ito. ------------------- Episode One: - Malayang ipinalinga ng 12 years old na si Haylee ang kanyang mga mata sa napakalaking bahay ng kanyang ninong at ninang. Napakalaki talaga ng Villa ng mga ito, parang palasyo ang bahay, may hardin at may malawak na swimming pool. Huling punta nya dito is just two years ago, kasama nya noon ang mama Camella nyang bumisita dito. At mula noon, pinangarap na nyang makabalik dito, hindi dahil sa napakaganda ng lugar na ito kundi dahil sa isang tao. “You will be happy here, Haylee.” Nakangiting sabi sa kanya ng ninang Ysabelle nya. Ito ang sumundo sa kanila ng lola nya, may business meeting daw kasi ang ninong nya. Just 3 months ago, dumating ang napakalaking trahedya sa buhay nya. Nabangga ng isang malaking sasakyan ang sasakyan nila, her mother, father and two brothers died, and she is the only survivor. After for almost 2 weeks in coma, isang himala na nagising sya. Masakit sa kanya na paggising nya, wala na ang masayang pamilya na kinagisnan nya. But she has to be strong and move on, kahit alam nyang hindi madali maghilom ang sugat. Nagpapasalamat parin sya sa pangalawang buhay na ibinigay sa kanya ng panginoon. Just a month ago, pinuntahan sya ng ninong at ninang nya sa bahay ng maternal grandparents nya, hiningi ng mga ito sa lolo't lola nya na dadalhin sya ng mga ito dito sa Villa at dito na sya papaaralin sa San Bartolome. Sa susunod na school year sya mag- aaral muli, nahinto kasi sya sa taon ito dahil sa trahedya. Parehong matanda na ang maternal grandparents nya, at nakikitira lang ang mga ito sa bahay ng kuya ng mama nya, hindi naman nila mahingan ng tulong ang mayaman pamilya ng daddy nya, pangalawang asawa lang kasi ang mama nya, at hindi sila tanggap ng pamilya ng daddy nya, lalo na sya. Kaya napagpasyahan ng ninong at ninang nya na sila na ang mag-alaga sa kanya sa ngayon na hindi pa nya kayang tumayo sa sarili nya. “This is your room.” Nakangiting sabi ng ninang nya, sabay bukas sa pinto ng kwarto, napakaganda nito at maaliwalas, kulay blue lahat ng gamit. Halos dalawang beses ito na malaki sa kwarto nya noon, at may aircon pa. Ngayon lang sya makakaranas ng kwarto na may aircon. May malambot din na kama, parang ang sarap higaan. “I heard kasi from your lola na favorite mo ang kulay blue. Nagustuhan mo ba?” Marahan syang tumango. Favorite nga nya ang kulay blue, napaka- peaceful kasi tignan. Nakaramdam parin sya ng pagka-ilang. Pag pupunta ang ninong at ninang nya sa Manila, lagi kasi syang binisita ng mga ito, at laging may regalo para sa kanya ang mga ito. Pero nahihiya sya dito ngayon. Ito na kasi ang mag- aalaga sa kanya. May tatlong anak ang ninong Daniel at ninang Ysabelle nya. Panganay si Karl, at ang bunsong kambal naman na sina Yumi at Aki. Si Aki. Pag maalala nya si Aki, hindi talaga nya mapigilan ang mapangiti. “Kung may gusto kang ipabago sa kwarto mo, Haylee. Wag kang mahiyang magsabi sa akin o sa mga katulong. Isipin mo na pamamahay mo rin ito.” lagi lang itong nakangiti, sadya itong mabait. “By the way, yang kwarto na katabi mo ay kay Yumi, yon nasa bahagi naman na yon ay kay Karl, at yon isa naman ay kay Aki." Namilog ang mga mata nya ng narinig ang pangalan Aki, excited na syang makita ito. Naalala kaya sya nito? Iniligtas sya nito noon. ----- Hindi din naman nagtagal ang lola nya, nagpaalam din agad ito, may pupuntahan pa kasi ito, inihatid lang ito ng driver ng pamilya. Puno pa rin ng luha ang mga mata nya habang tinatanaw ang papalayong kotse kung saan nakasakay ang lola nya, mami-miss nya ito ng sobra. Nangako naman ang ninang nya na bibisitahin nila ito. “Gusto mo bang mamasyal?" Nakangiti tanong ng ninang nya. Umiling sya. Araw kasi ito ngayon ng bernes, at nasa paaralan ang mga anak nito. Alam nyang pareho ng nasa unang baitang ng kolehiyo ang kambal nito, at ang panganay nito ay nasa Manila nag-aaral. Gragradwet na daw ito sa taong ito. “Doon lang muna ako sa kwarto, ninang.” Nakangiting paalam nya. Ngumiti lang ito. Ngunit napatigil sya sandali sa may hagdanan dahil sumalubong sa paningin nya ang family portrait ng pamilya ng ninang nya. Nice genes, iyon agad na naisip nya pero ang mga mata nya ay nakatuon lang kay Aki. Ito talaga ang pinakaguapong lalaki sa paningin nya, makakapal ang kilay nito, matangos ang ilong, matalim tumitig ang mga mata, at kissable ang lips. Maloko itong nakangiti, habang ang mga kapatid nito at mga magulang ay maaliwalas kung makangiti. " Aki, my Aki. Mapansin mo kaya ang kagandahan ko. Naalala ko pa noon kung paano mo ako iniligtas, para ka talagang knight in a shining armor ko. Maalala mo kaya na ako ang batang yon." sa isip lang nya. Pero, bakit nga ba, crush na crush nya ito? 10 years old sya nung nang bumisita sila dito ng mama nya sa Villa, at dahil masyado syang nagandahan sa lugar, kaya hindi nya napigilan ang mamasyal hanggang sa narating nya ang isang batis. Akmang lalapit sya dito nang may isang malaking ahas na nakaharap sa kanya. Mangiyak- ngiyak na sya sa takot, hindi kasi nya alam kung ano ang gagawin, hanggang may isang binatilyo na dumating, nakasakay ito sa kabayo. Nang nakita nito ang nangyari sa kanya. Agad itong bumaba mula sa kabayo at lumapit sa kanya, hinarap nito ang ahas, ang lakas nito habang pinapaalis ang ahas. Pero dahil takot na takot sya kaya napatakbo sya na hindi man lamang nagpapasalamat sa lalaki. Pero hindi nya makakalimutan ang guapong pagmumukha nito. Nakasakay na sila noon sa kotse paalis ng Villa, ihahatid sila ng driver ng mga Del Fuengo nang bigla dumating ang isang pamilyar na mukha at hindi sya nagkamali. Ito nga ang lalaking nagligtas sa kanya, bababa sana sya mula sa kotse para pasalamatan ito, pero pinaandar na ng driver ang sasakyan, kaya lihim nalang syang nakatingin dito habang papalayo ang kotseng sinasakyan nya. Napag-alaman nya na anak pala ito ng ninang nya, Zachary ang totoong pangalan pero Aki ang tawag nila dito, limang taon ang tanda nito sa kanya. “Excuse me, who are you?” natigil sya sa pag-reminisce sa nangyari nang may nagsalita sa likuran nya, napalingon sya bigla at napatulala sya ng nasa harapan na nya ang lalaking kanina pa nya pinagmamasdan sa portrait. "Oh my God, mas guapo sya sa personal." Matiim itong nakatitig sa kanya na tila parang nakikita pati kaluluwa nya. “I repeat, who are you?” “H-Ha?” she can’t find her words. “Are you an intruder?” napatulala sya nang nakita nyang papalapit ito sa kanya. Para kasi itong lion. “Why are you, here? Answer----“ “Aki.” Boses iyon ng ninang nya. Napalingon naman ito sa ninang nya. “Sya si Haylee…yon sinasabi ko sa inyo na dito na titira sa atin. Anak sya ng namayapang tita Camella at tito Danny mo.”malumanay na sabi ng ninang nya. “Oh. I see.” He grinned. “Haylee.” Tumitig ito sa kanya. Napalunok tuloy sya. “Alam mo bang mahilig ako sa mga mapuputi at makikinis, pero hindi ako mahilig sa mga bata.” Nakangisi ito. Pinamulahan yata sya ng mukha. “Tigil tigilan mo si Haylee, Aki. Mahiya ka sa tita Camella mo. Off limit mula sayo si Haylee, bata pa sya.” Tumawa lang si Aki ng napakalakas. “Okay mom. Hindi naman ako pumapatol sa mga bulilit.” Huling sinabi nito saka umalis. Napalanghap sya ng maraming hangin. Nagwawala kasi ang puso nya sa mga titig ni Aki sa kanya. “Wag mo nang pansinin si Aki, ija. Talagang maloko lang ang anak ko na yon.” Tumango lang sya. Nang nakapasok na sya sa kwarto nya, ay hindi nya napigilan ang lumundag sa saya, ibig sabihin napapansin ni Aki ang kagandahan nya. "Aki, my Aki, hindi ako forever na bata. Magiging magandang dalaga ako someday. Pangarap ko talaga maging asawa mo balang araw. Ikaw kaya ang knight in a shining armor ko." kinikilig na sambit ng isip nya. ---- Halos isang linggo ng nanalagi sa Villa si Haylee, medyo hindi na sya naiilang, nakasanayan na nya. Mabait sa kanya si Yumi, madalas syang kinausap nito. Habang si Aki naman ay hindi naman sya kinakausap, pero hindi din naman sya inaaway nito. Kambal sina Yumi at Aki. Minsan mapapansin nya na tila nakatitig sa kanya si Aki, saka loko syang nginitian nito. At pag gagawin nito iyon, magwawala talaga ang puso nya. Agad- agad tuloy syang mapakanta ng Mr. kopido. "Aki, I love it when I catch you looking at me, and then you smile and look away."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD