Episode 16

1454 Words
----- “Hindi ka lang ba magpapasalamat sa akin?” tanong ni Aki sa kanya, nasa loob sila ng kotse nito. “Bakit ka ba nangingialam? Kayang- kaya ko naman ang mga iyon. Hindi ko kailangan ang tulong mo.” Pagsisinunggaling nya. Naiinis sya sa tuwing maalala nya ang nakita nya kanina. Talaga bang masyado itong horny at hindi na makapaghihintay ito na madala man lamang ang babae nito sa isang hotel. “Nahahalata ko nga na kayang- kaya mo ang mga lalaking iyon.” Napangiwi ito. “Ungrateful!” pagalit na sabi nito. “Gusto ko lang ipaalala sayo na magaling ako sa taekwondo Aki. Kayang- kaya kong patumbahin ang mga lalaking iyon. At saka, bakit ako magpapasalamat sayo. Obligasyon mo na pangalagaan ang kaligtasan ang mga taong nasa loob ng MCI, dahil kompanya nyo yan. Kaya hindi ako magpapasalamat sayo.” Pataray na sabi nya dito. Inirapan pa nya ito. “Tssk…” anito. “Pero kung hindi ka naman dumating, wala pa rin mangyayaring masama sa akin. Sa galing ko pa naman sa taekwondo, isang sipa ko lang ang mga iyon.” Tumitig ito sa kanya sandali, pero napatawa ito kalaunan. Ang bilis talagang magbago ng mood nito. May split personality yata ito. “Intruder na nga, ungrateful pa. And now, liar!” “Hindi ako nagsisinunggaling, okay?” tinigasan nya ang tono ng boses nya. “Well then, ano nga yong kulay ng belt mo?” “Belt?” kunot- noo sya. “Yong belt mo sa taekwondo.” Napaurong sya. Ano nga yong kulay ng belt nya? Ano nga yong kulay na sinasabi ni Aki? At talagang nakalimutan pa nya. “Bakit ko naman sasagutin yan?” tinaasan nya ito ng kilay. Hindi pwedeng mahalata nito na nakalimutan talaga nya. “Bakit ayaw mong sabihin sa akin? Dahil ba sa nakalimutan mo?” Bweset! Napunto nito ang totoo. Umirap s’ya para itago ang totoo. “Diba purple ang kulay ng belt mo?” Napaisip sya. Purple ba yon? “Alam mo naman pala.” Pataray na sabi nya dito. “Paano kung sabihin ko sayo na walang kulay purple sa belt ng taekwondo?” Kinakabahan sya. Ang lakas ng t*bok ng puso nya. “Nagsisinunggaling ka lang.” Ang nasabi nya. Kung bakit ba hindi sya napa- search pagkatapos? Imbes na sumagot, kinuha nito ang cellphone nito, tila may ginagawa saka iniabot sa kanya ang cellphone nito. “Anong gagawin ko nito?” nakanganga nyang tanong. “Basahin mo.” - White Belt (10th Gup): Purity and a fresh start. Yellow Belt (8th Gup): Foundation of learning, like the earth. Green Belt (6th Gup): Growth and development. Blue Belt (4th Gup): Progress, like reaching toward the sky. Red Belt (2nd Gup): Caution and control of skills. Black Belt (1st Dan+): Mastery and deeper learning, progressing through various Dan levels. - Basa nya sa nakasulat na napalunok sa kanya. “Ano naman ngayon?” taas kilay na sabi nya dito. Itinago ang tunay na naramdaman. “Sinadya kong magkamali para hindi ka matakot sa akin. “Fine. Ayaw mo pa rin umamin. Okay. Hahayaan kita sa mga kasinunggalingan mo.” Napataas ang kilay nya. “Intruder na nga. Sinunggaling pa.” Kainis na Aki ito, hindi nya sinasadya ang nangyari kanina. Kung bakit naman kasi naisipan pa nitong itapon sa labas ng kotse ang panty ng babae nito. Kasalanan nito at hindi sa kanya. “Fine. But, I didn’t interrupt the supposed to be--- with you having s*x kanina with your girlfriend. Sa yaman mo, hindi ka na lang naglaan ng budget para sa isang hotel.” ‘S*x, huh! So, alam mo na ang salitang iyan.” “Ano sa tingin mo? “Of course. Hindi ka naman bata habang buhay. At para itama ka, hindi ko girlfriend ang babaeng kasama ko kanina.” Pinatakbo na nito ang kotse. “Okay. Wala naman akong pakialam. Talagang hindi mo mga girlfriend ang mga babae mo.” Hindi na ito tumugon sa sinabi nya. Hindi na rin naman nya namalayan na napatitig na pala sya dito. "May crush ka pa ba sa akin hanggang ngayon?” walang pag- alinlangan na tanong nito sa kanya. Saka pa lang nya napagtanto ang pagkakamali nya na titigan ito. “Crush? Nagpapatawa ka ba? Kailan ako ng magkaroon ng crush sayo?" Tanggi nya agad sa tanong nito. Tumawa pa sya. “Fine. Ikaw lang naman ang nakakaalam sa totoo. Kuryoso lang naman ako kung bakit nakatitig ka sa akin." Naramdaman pala nito na nakatitig s'ya dito. Bakit nga ba sya nakatitig dito? Dahil siguro sa guapo ito sa paningin nya. “Fine. Nakatitig nga siguro ako sayo pero hindi dahil sa may gusto ako sayo. I am just so curious of something." Hindi naman sya nagsisinunggaling dito. Kuryoso talaga sya sa isang bagay. “And what is that?" "I was just curious. Baka iba na naman ang iisipin mo sa sasabihin ko. Baka isipin mo na may gusto ako sayo. Wala akong gusto sayo-- may iba akong nagugustuhan." Pagsisinunggaling nya, dapat depensahan muna nya ang sarili bago nya sabihin dito ang pumapasok sa isip n'ya. "So-- may mahal ka ngayon?" "Oo." Hindi na nya pinag- isipan na sagot. Wala naman syang nakuhang tugon mula dito. "Pwede ba sabihin mo na kung saan ka naging kuryoso. Malapit na tayong nakarating sa villa." Humugot muna sya ng hangin para lakasan ang loob. "Sa dami mo nang babae, kuryoso lang talaga ako kung na naranasan mo nang ma- inlove. I mean-- baka hindi ko na tinatablan ng pana ni Kopido. Gets mo naman ang ibig kong sabihin diba?" "Bakit kuryoso ka? Gusto mo bang malaman kung may chance ba na ma- inlove ako sayo?" Sandali sya tila natameme sa sa tanong nito. Pero mabilis din nyang hinamig ang sarili. Ang kapal din naman ng face nito. "Ano? Hoy Aki, magkaintindihan nga tayong dalawa. For your information, wala akong gusto sayo. Isang kapatid, isang kuya lang ang tingin ko sa'yo. Okay?" Agad nyang depensa sa sarili. Naiinis nga sya dito dahil hindi naman lamang ito nagpakita sa kanya kahit isang beses sa loob ng sampung taon. Akala ba nya na mahalaga sya dito. Umasa pa naman sya. Kaya inis na inis sya dito. "Bakit ba napaka- defensive mo?" "Ano!" Nanliit ang kanyang mga mata. Inis na inis syang nakatingin dito. "Ewan. Wag mo nang sagutin ang tanong ko. Ang labo mo talagang tao." "Ako pa ang malabo. Sa ating dalawa, ikaw yong malabo." At talagang sya pa ang malabo. Ito lang naman ang nagpaparamdam sa kanya na may gusto sa kanya pero hindi man lamang s'ya naalala. Ni hindi nga sya namukhaan nito sa unang araw na nagkita sila muli. Puno ng irritasyon ang titig ko nya dito. Inihinto nito ang kotse at nakipagtitigan ito sa kanya. "Fine. Sasagutin kita ng maayos. Baka hindi ka pa makatulog at pasukin mo pa ako sa kwarto ko dahil sa kuryoso ka lang na masagot ang gumugulo sa isip mo. Pag mangyari yan, talagang wasak ka nang lumabas." Napanganga sya. Anong ibig sabihin nito? "Paano kung sabihin ko sayo that one think that I can't do is to fall inlove--- again." Nabura bigla ang inis nya dito At napalitan iyon ng kakaibang damdamin. At mas lalo syang naging kuryoso. "So, you already falling in love with someone else." Tumango ito. "S- Saan na sya?" Hindi talaga nya mapigilan ang mapatanong. "Nandyan lang, sabi nya wala syang gusto sa akin." Kawawa pala ang Aki na ito, may nagugustuhan pala itong babae. Kawawa naman at walang gusto ang nagugustuhan nito dito. "S-Sino?" Dala ng kuryusidad nya. Gusto nyang malaman kung ano ang tipong babae ni Aki. "Gusto mong malaman?" Tumango sya."Welcome ka sa kwarto ko. Don't worry, hindi naman ako maglo- lock ng pinto baka kung sakaling maisipan mong pasukin ako." Nakangising sabi nito na mas lalo n'yang ikinainis. Ang bastos talaga ng gagong ito. Deserve nito na hindi nagugustuhan ng gusto nitong babae. Hindi sya dapat naawa dito. ----- ----- Note: Sa simula pa lang sinasabi ko na pampagoodvibes lang ang kwentong ito. Ibig sabihin guys, pampatawa lang ito at sinubukan kong magpakilig dito. Parang pambata? Libre naman umalis. Ang daming story, kung hindi gusto, wag nang magpatuloy. Don't worry later, magpa- nursery rhyme ako. Baka ma- shock kayo sa dami ng SPG nito later, kaya wag mapanghusga. Nasa chapter 17 pa lang ito. Kaya tinatamad akong mag- update dahil masakit din ma- bash sa mga free stories ko. Gusto ng libre pero masyado naman choosy pagdating sa story. Anyway, salamat sa mga nagbabasa at patuloy basahin. Sa hindi nagustuhan ang story, ewan nyo na lang guys. Wala naman kayong nagasto sa coins. Masakit din ma- bash lalo pa't libre lang naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD