"Oh?" Bungad ko sa telepono ng makalayo na ako.
"San ka? Pumunta ako sa bahay niyo wala ka daw. Akala ko ba bibili tayo ng mga gamit para sa resto mo?" Salubong naman ni Dom sakin.
"Ah, wala kasi ako sa bahay. San ka na ba?"
"Nandito na ako sa mall. San ka ba? Puntahan na lang kita."
"Wag na, diyan ka lang. E text mo nalang kung saang mall ka nakatunganga ngayon." Binaba ko ang telepono matapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Nakuha ko naman din ang text niya.
"Tita mauna na po ako." Sabi ko nang makabalik na sa mesa.
"Why so soon?"
"May gagawin pa po kasi ako. Muntik ko na ngang makalimutan. Maraming salamat po talaga sa pag imbita niyo sa akin tita. I hope you can make it to my opening." Binalingan ko silang lahat.
"It would be my pleasure hija. Sinong susundo sayo? Ipapahatid nalang kita kay Kai.'' Aniya. Umiling ako at mahigpit na tinggihan ang alok niya.
"No, I insist hija. Take it as a sign of gratitude." Dagdag pa niya. Nakatingin na din silang lahat sa akin. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya. Napaka intense pa naman ng paninitig sa akin ni Kai.
"Uh, sige po." Nag aalinlangan kong sagot.
"Great! Kai, e hatid mo na itong si Amara." Sabi niya at sumulyap muli sa akin. "I really enjoyed your company today, hija. Thank you so much for the food. Sana makadalaw ka muli." Ngumiti naman ako at tumango sa kanya.
Agad namang lumitaw sa gilid ko ang haliparot.
"Lets go." Aniya sa isang malamig na tono. Tumingin ako sa kanya. Ang kanyang kayumanging mga mata na umiitim na. Ganun ba ang epekto ng galit sa kanya. Umiitim ang mga mata at mas nagmumukha pang Adonis. Tinangal ko ang paninitig sa kanya nang sumagip sa isipan ko na hindi lang kami ang naroon.
"Tita, tito, mauuna na po ako." Sinulyapan ko si Pat at tinanguan siya. Umalis na din kami pagkatapos ng pagpapaalam ko.
Matahimik ang loob ng sasakyan nang nakapasok na kami. Binalingan ko si Kai na seryosong nakatitig sa daan. Kaninina pa siya hindi makatingin sa akin. Nababagok na ako sa katahimikan.
"May speaker ba tong sasakyan mo?" Pagbasag ko sa katahimikan. Tumango naman siya. Wala paring imik.
"Pahiram ng telepono mo."
"Bakit?" Sa wakas ay may ingay na ding lumabas sa kanya. Akala ko talaga nagging pipi na siya.
"Pa music tayo." Sabi ko. Inilahad naman niya ang kulay itim na iphone niya.
Sana ol rich kid. O rich old?
Matanda naman siya kaya old. Mas matanda pa nga siya sakin.
Nang ma turn on ko ang telepono niya ay naka default lang ang wallpaper niya. Hindi ko kaagad ma buksan ang cellphone niya. May password kasi ito.
"Anong password mo?" Tanong ko.
"twelve, thirteen." Aniya.
"Teka, birthdate ko yun ah." Nagkibit balikat lamang siya.
I stared suspiciously at him. Hindi parin makatingin ang haliparot sa akin. Coincidence lang ba o sinadya niya talaga. Ang assuming mo naman sa point na inakala mong sinadya niya, pero malay mo.
Nag scroll ako sa mga kantang naka download sa cellphone niya. Nang makapili ay pinatugtog ko iyon. Sumasabay ako sa kanta. Hindi naman maganda ang bosses ko kaya mahina lang pagsasabay ko sa kanta.
I have loved you only in my mind
But I know that there will come a time
You'll feel this feelin' I have inside
Panimula ng kanta habang sinasabayan ko. Sa gilid ng aking mga mata pansin ko ang saglit pagsilip ni Kai sa akin habang kumakanta ako. Bahagya akong napangiti.
You're a hopeless romantic is what they say
Fallin' in and out of love just like a play
Memorizin' each line
I still don't know what to say
What to say
Nadadala na ata ako sa kanta. May papikit pikit pa kasi aknong nalalaman. Tumaas na din ang bosses ko. Hay bahala na nga.
Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by I could fly
Binalingan ko muli si Kai. Nakatunganga lamang siyang tumitig sa akin. Naramdamn ko naman ang pagiinit ng ang aking mga pisngi. Ganun ba talaga ka pangit ang boses ko. Nakakahiya naman kung ganun. Kaya lang hindi ko maiwasang matawa sa expresision na pinapakita niya.
I chuckled at his reaction. Bumaling nalamang ako sa bintana ng sasakyan niya. Kanina pa kami nakalabas ng villa patungo na kami sa aming destinasyon. Ipinakita ko na din sa kanya ang text ni Dom ng makapasok na kami ng sasakyan.
"Eyes on the road please." Marahan kong sabi. Ngumuso naman siya. Parang hindi galit kanina ah. Mukhang masaya naman. Hawig pa niya ang babaeng may regla kung makaasta.
"Ba't nga ba ang sungit mo kanina sa hapag?" Interroga ko sa kanya. Narinig ko na man and dahan dahan niyang pag buntong hininga bago sumulyap sa daan.
"Hindi ko alam." Mahina niyang bulong na nakuha ko naman.
" 'hindi ko alam ka' ka diyan. Ang sungit sungit mo kanina kay Pat nag tanong lang naman iyong tao."
"So you're on first name basis already." Maanghang na sabi niya.
"Huh?" Naguguluhan kong tanong.
"Naiinis lang ako. He's allowed to call you by your nickname. Habang ako ginigisngahan mo kapag tinawag kita sa nickname mo." Pagtatangol niya.
Saglit akong natigilan sa sinabi niya.
"Jusko po! Kay raming problema sa mundo! Iyan lang naman pala ang problema mo!" Pag histerya ko.
He glanced at me then glared at what I said. Nangungunot naman ang nuong bumaling sa daan.
"Ang OA mo rin pala. Para kang si Dom."
"Who's Dom?" Kung kunot ang noo niya kanina mas lalong nangunot ito ngayon. Gayumpaman hindi nabawasan ang kagwapuhan niya. Mas lalo pangata siya nagging kaakit akit.
Lord ang lakas naman yata ng tama nitong haliparot na ito sa inyo!
"Ah, bestfriend ko."
"Since when?'' Ba't ang dami niyang tanong.
"Why are you asking?" tanong ko pabalik.
''Just answer the question Amara, damn."
"Ang sungit naman! Since childhood."
"Boy or girl?" Tanong niya ulit.
"Ba't ba ang dami mong tanong?" Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Natawa naman ako.
"Alright, alright, lalaki siya."
"Anong relasyon niyo?"
"Oh my God Kairo! We're friends for goodness sake."
"Really?" hindi pa ata naniniwala.
"Really, and stop it please. You're sounding like a jealous boyfriend."
"Maybe I am."
"What?"
"Nandito na tayo." Sabi niya. Pinarke niya ang sasakyan sa isang bakanteng parking space. Nang tumigil na iyon ay bumaling ako sa kanya.
"Thanks for the ride." Sabi ko nang makalabas na ng sasaaakyan. Lumabas din siya. Tumango naman siya at naglakad na ako patungo sa entrance ng mall ng mapansin ko siya sa gilid ko.
"Where are you going?"
"Mag shoshoping din ako."
"Huh?" gulantang sabi ko. Sinusundan na yata ako nitong haliparot na ito. May sasabihin pa sana siya ng tumunog ang ringtone ng cellphone ko.
"Nasan ka na?" salubong ni Dominique sa telepono.
"Nasa entrance na ako. Papasok na." sagot ko.
"Awh, sige. Nandito ako sa food court kita na lang tayo dito." Binaba na niya ang telepono.
Bumaling muli ako sa kay Kai. his perfectly shaped brows are furrowed and his forehead is once again creased.
"Sasama ako." Deklarasyon niya.
"Wala kabbang gagawin ngayong araw?" Umiling naman siya.
"Uh, sige." I can feel the peoples stare while we're walking. Sumulyap ako sa katabi ko. Nakakunot lang ang noo nito habang nakatuon ang atensyon sa daan. Ang manhid talaga! Walan man lang nararamdaman sa paninitig sa kanya ng mga tao. May nakita pa akong naglalaway habang nakatunganga sa kanya sa gilid. Tss.
Lumapit ako sa kanya. Nang tuluyan ng makalapit ay bumulong ako sa kanya. Sapat lang para marinig niya habang naglalakad.
"Ang daming nakatitig sa'yo." Sumilip siya sa akin. Walang pag alanganing bumaling siya sa mga taong nakapaligid. Ngayon lang ata naunawaan ang malagkit na paninitig sa kanya ng mga babae.
"Tignan mo may naglalaway na don." Itunoro ko yung babaeng kumakain ng ice cream sa gilid. Nakabuka ang kanyang mga labi. May kaunting ice cream na lumandas sa kanyang mga labi.
"Ang dami nga ding lalaking nakatitig sa'yo manhid ka lang talaga." Anito sa isang naiinis na tono. Nangunot ang noo kong bumaling sa mga tao.
"Don't stare back at them! Tss." Naiirita niyang sabi. At hinablot ang kaliwang kamay ko para mahawakan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kasama siya. Hindi ko naman maiwasan ang kaunting kiliting nararamdamn ko sa tiyan ko.
"Wala naman eh."
"Tss, tara na nga." Naiinis niyang sagot.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad habang magkahawak ang kamay. Mainit ang kanyang mga palad. Ang laki ng kamay niya, even so it fits perfectly with mine. His calloused hands brushed against my soft palms. Marahan ang pagkahawak niya sa aking kamay na para bang isa itong diyamente na anong oras ay mababasag. Umiling na lamang ako sa mga naiisip at ngumiti.
Ng makapasok na sa elevator ay pinidot na niya ang numero patungong food court. Ginawa niya iyon ng hindi kinakalas an gaming mga kamay.
"Ba't ang tagal mo?" Salubong sa akin ni Dom nag magtagpo ang aming mga landas. Bumaba ang tingin niya sa mga kamay namin ni Kai na hanggang ngayon ay hindi parin nagbibitaw.
"Kung nag restaurant ka nalang sana. Ang dami pa naamang tao dito." Sambit ko sa kanya. Nakatuon parin ang mapanuri niyang tingin sa mga kamay namin ni Kai. Hinigopan niya muna ang iniinom niyang milktea at naningkit ang mga matang tumitig sa akin.
"Nag arcade pa kasi ako, nakakainip naman kasing maghintay sa resto."
Umupo ako sa tabing silya niya. HInila ko narin si Kairo para makaupo sa katabing silya ko. Tumitig lamang si Dom sa amin habang ngumunguya. Kinalas ko naman ang pagkahawak ni Kairo a kamay ko. Mukhang na offend pa yata ang haliparot.
"Amara Yuniss Plourde, nanlalandi ka na!" pabulong niya sigaw. Umirap na lamang ako sa kanya. Maingat niyang binagsak sa lamesa iyong milktea niya at naglahad ng kamay kay Kairo. Ang daming pakulo talaga nitong kumag.
"Dominique Marcello Tan. But I prefer to be called Nik or Dom." Aniya habang nakipag kamay. Kailan pa naging 'Nik' ang pangalan niya?
"Kairo Gabriel Cantellano." Saad naman ni Kai sa isang na pakapormal na boses. Sumilay naman sa mga labi ng kaibigan ko ang isang napaka malisyosong ngiti. Mukhang may balak namang kababalaghan ang isang to.
"What do you prefer to be called?"
"Just call me Kairo Mr. Tan." Mas lumawak pa ata ang ngiti sa mga labi ni Dom sa sinabi ni Kai.
"No nicknames or whatsoever?" pagpapatuloy niya. minsan nakakainis na talaga ang pag dadal-dal ng isang to.
"None."
"Alright, but please skip the formalities Kairo. And just call me Dom." Dagdag pa niya na itinango na lamang ni Kai. Bakas sa gwapong pagmumukha nito ang pagkakairita sa kaibigan ko habang nakaupo sa silya. Tahimik na naman ito habang nakatitig sa malayo.
"Naiinis si lover boy. Patay ka diyan." Bulong niya ulit nang makaupo na rin. Kunot noong bumaling ako sa kanya.
"Huh? Bat naman siya magseselos? May pa lover boy, lover boy ka pang nalalaman, eh kung suntukin nalang kita diyan."
"Ang manhid mo talaga!"
"Aanhid ka diyan! Hindi ako manhid noh!" Inis kong bulong sa kanya. Tumawa naman ang loko. Sasagot pa sana ako ng maramdaman ko ang mainit na paghinga ni Kai na kumilkilita sa ibaba ng tenga ko.
"What are you two whispering about?" He whispered huskily
Naramadaman ko ang konting kirot sa aking dibdib ng mahimigan ko ang lungkot sa kanyang boses. Namumungay ang kanyang mga mata at panay ang pag igting ng kanyang panga nang tumingin ako sa kanya. Jusko po! Ang gwapo naman!
"Wala naman." Mahinang sabi ko.
"Talaga? ba't parang nag e-enjoy ka pa sa bulong bulongan niyo ng best friend mo." He said. Giving emphasis to the word 'best friend'.
"No I'm not! Tsaka naiinis na din ako sa mongoloid nato noh! Napaka daldal! Ka lalaking tao!" Tumidig ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang kanyang tawa. Napaka sensual non sa pandinig ko.
"Ehem-ehem, respeto naman po sa mga single." Pagpaparinig ni Dom.
"Tumahimik ka nga diyan! Ang ingay ingay mo talaga!"
"Ano? may balak ka pa bang mambili ng mga gamit? O makiki third wheel lang ako buong magdamag?" anito.
"Tss, ang dami mo talagang alam. Tayo na nga!"
Kung ano anong stores na lang ang pinasukan namin sa mall na ito. Nakakapagod na din. Halos mapasukan narin namin lahat ng stores dito para lang makahanap ng magagandang mga gamit. Namumula na nga ata ang paa ko. Buti na lang hindi ako nag heels. Strapped sandals lang. kaya kahit papano ay na kakaya pa.
Kami na naman ni Kairo ang magkasama, nag paalam kasi si Dom na may titinganan lang daw siya. Ayon iniwanan kami. Di ko alam kung sinadya ba talaga ng loko or seryoso siya sa sinasabi.
Tulak ni Kai yung cart na punong puno ng pinambibili namin. Ako na sana ang mag dadala nun kaso di paawat ang haliparot, sabi niya siya na raw at dalhin ko na lang daw yung mga magaan lang na mga shopping bags. Kanina pa kami paikot ikot, kaya nang makahanap ako ng bakanteng uuan agad ko na siyang hinila patungo don.
"Dito tayo." Tumango naman siya. Hindi kami mag isa don sa upuan. May mga babae ding nakaupo don. Humgikhik na tumitingin sa kasama ko na deadma lang at tumitig narin sa paa ko. Namumula na kasi. Kinalas ko ang mga straps nun ng maginhawaan naman ang mga ito.
"Are you tired?"
Mahinay akong ngumiti sa kanya at banayad na tumango.
"Ikaw? Pagod ka na?" Tanong ko rin. Ngumiti naman siya at umiling. Pinagmasdan niya ang namumula kong mga paa. Tinaas niya yung kanang paa ko at inilagay sa binti niya.
"What are you doing."
"I'm not tired, but you are. Marunong akong mag masahe. I'll massage your feet." Anito. Sisimulan na sana niya nang pinigilan ko.
"Wag na I can manage." Umiling muli siya.
"No, I insist. Dapat maagapan agad ito, you might not be able to walk if this won't be treated immediately." Pananakot pa niya.
"You're overreacting. I can manage." He shook his head, at sinimulan na nga ang pagmamasahe sa mga paa ko. Tumigil ang hagikhikan ng mga babaae nang madatnatan nila ang ginawa ni Kai.
"Kai, you don't have to do this."
"I want to do it. Please let me." pagmamakaawa niya. napabuntong hininga nalang ako nang maramdaman ko ang maamo niyang mga haplos sa mga paa ko.
"Alright." Sabi ko. Tumango naman siya at tinuon na ang atesyon sa pagmamasahe sa paa ko. Pinag masdan ko lang siya habang ginagawa niya iyon sa akin. Illang oras na siguro ang lumipas na ganoon ang posisyon namin. Gumaan naman ang pakiramdam ko sa ginagawa niyang iyon. Napakasarap sa pakiramdam. Mag papa spa na lang siguro ako kapag lumuwag luwag ang schedule ko.
Illang minuto pa ang lumipas nang tumigil na siya sa ginagawa.
"Done, do you feel better now?" Agad na salubong niya nang matapos.
"Much, thank you." Pinulot niya yung sandals ko at sinuot sa isang paa ko.
"Wag na! ako na!"
"let me do it." Sagot naman niya. napabuntong hininga nalamang ako. Di talaga mananalo sa isang to.
"There." Aniya. tumayo na ako mula sa pag kaupo. Nag inat inat pa ako habang nakatayo. Naninigas kasi yung katawan ko sa ginawa niya. Hayyyyst.
Kinuha ko ang mga shopping bags na nilatag ko lang sa sahig. Nakatayo na rin siya sa tabi ko.
"Let's go?" Tumango naman ako at nagsimula ng maglakad kasama siya.
I can feel the swift movements of his hand getting close to mine. Ang bilis na naman ng pag t***k ng puso ko. He slowly went for my hand. Intertwining my fingers with his. Nakanguso lamang siya habang tinutulak ng isang kamay niya iyong shopping cart. Parang walang ginawang kalokohan ah. Ikakalas ko sana ang kamay ko sa kanya. Lalo lang ata humigpit ang hawak niya sa ginawa ko. Wala kaming imikan habang naglalakad.
I wonder if his heart is beating as loudly as mine.
Tulog ako ng may naramdaman akong tumatapik sa mag kanbilang pisngi ko. Tumagilid na ako sa nang pagkaupo. Para hindi na iyon maramdaman pa. I heard a chuckle.
"Amara, nandito na tayo." Pabulong na istorbo nito. Iminulat ko ang mga mata ko at kinusot ang mga iyon.
"Hmm?" Inaantok kong salita. I want to sleep some more. Nginuso naman ni Kai ang bintana sa likuran ko. Nandito na pala kami sa harap ng mansiyon. Bukas pa iyong mga ilaw sa bahay.
"Nandito na tayo." Ang bigat ng mga tuklap ng mata ko.
"Kumain ka ba?" Tanong ko. With pursed lips, tumango siya.
"Nag drive thru ako kanina ng pagakin. Hindi na kita ginising dahil mukhang napasarap ang tulog mo." Tumango na lamang ako. Walang pumapasok sa isipan ko. My mind is blocked with this haze of sleepiness.
"Ow, okay." Patango tango ko pa naparang may naintindihan.
"Kinuha na ng mga kasambahay ang mga gamit. Kumain ka nalang pagkapasok mo sa bahay niyo, okay?" Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Wala paring naiintindihan. Slowly I went near him. Dulot na siguro ng antok ay di ko na namalayan ang ginawa ko.
I pressed my lips onto his cheek. It was only a soft peck on the cheek that lasted about three seconds. At wala akong malay habang ginagawa iyon.
"Thank you for today." Mahina kong sabi sa kanya at lumabas na ng kotse para makapasok na ng bahay.