EPISODE 35 “Love you, love!” “I love you, too!” Bumaba na ako ng sasakyan ni Primo at kumaway sa kaniya. Tuluyan na rin akong pumasok ng hospital at napansin kong umalis na rin siya kaagad. Ilang linggo na lang at matatapos na ang duty ko kaya malapit na rin ang Clinical Graduation namin. Sana nga ay nandito na si Primo sa mga pagkakataon na ‘yon dahil wala naman akong pamilya para sumama sa akin doon—as if namang pupuntahan ako ni Tita Mae. Dahil hindi ko naman kasama rito sina Dos at Trixie, hindi na ako nagtagal pa sa loob ng station at deritso na kaagad ako sa post ko. Wala pang masyadong mga gagawin kaya naghintay na lang muna ako rito kasama ng ilang mga third year nusing students sa ward para sa mga emergency. “Hey, Sam!” Napatingala na ako nang mayroong tumawag sa akin. Ngu

