KABANATA 19

2060 Words

EPISODE 19 Nangunot na lang ang noo ko nang bigla akong hatakin ng mga lalaking armado papasok sa isang itim na van. Ginamit ko na lahat ng lakas ko para makawala sa kanila dahil hindi pa talaga ako ready na pumunta sa kabilang buhay kapag nagkataon. “Ah! Kidnapper!” Abot lungs ang pagbuhos ko ng sigaw ko para lang may makarinig sa akin at matulungan ako. Wala na akong pakealam kahit na mapaos ako basta ay makawala lang talaga ako sa mga loko na ‘to. “Bitawan n’yo ako!” sigaw ko pa. “Isakay n’yo na ‘yan dito!” Kahit na malalaki ‘tong mga lalaking ‘to ay hindi ko pa rin hinahayaang maipasok nila ako sa loob ng kanilang van. Nananakit na ‘yung braso ko pero hindi pa rin ako tumitigil hangga’t sa hindi ako makawala sa kanila. “H’wag n’yo siyang sasaktan, yari tayo kay boss mamaya.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD