EPISODE 22 Ilang araw na ang nakakalipas pagkatapos ng nangyari. Si Bryan ay nakakulong na rin at nalaman na nagti-take pala ito ng dr*gs at unti-unti nang nilalason ang kaniyang utak niyon. Kaya pala noong nakita ko siya ay ibang-iba na ang kaniyang mga mata. “Primo naman, hindi mo naman kailangang magpadala pa ng mga bodyguards dito at alam mong punong-puno ng guards ang buong hospital ninyo,” usal ko kay Primo nang makalabas na kami sa sasakyan niya. Marahan niyang pinisil ang mukha ko sabay halik sa akin nang mabilis. “I’m at work and I can’t you any guy near you so it’s okay to be safe. Sige na, good luck.” “Thank you…” Tumalikod na ako at nag-umpisang maglakad pero nagulat na lang ako nang biglang naglakad nang mabilis si Primo hanggang sa hinarahangan na ulit ako nito. “Where’

