'' kuya bakit ka nagsalita? alam mo namang hindi makakabuti sakanya kung ipipilit natin ipaalala ang mga nakalimutan nyang alaala" "i'm sorry okay? alam ko naman... nadala lang ako kasi nagtanong sya.. you know what i feel for her" " i know kuya alam ko at kita ko iyon... ako din nalulungkot dahil hindi nya tayo maalala " "iwasan mo muna sya kuya at hayaan nating sya mismo ang maka alala" narinig ko ang pagsarado ng pinto.. at dahan dahan kong binuksan ang aking mata, kita ko si dame pero nakatalikod ito saakin... "t-tubig" bulong ko kaya napa harap sya saakin, agad naman syang kumuha sa mini ref nya ng tubig at inalalayan akong maka upo at uminom "o-okay ka lang? may naalala ka ba? masakit parin ba ang ulo mo?" nag aalala sya yun ang kita ko sa mata nya "teka ano bang nangyari?"

