CLAIRE'S POV Nag stretching ako pagkatapos ko mag linis ng kitchen, wala si Rose dahil may photoshoot daw kaya wala akong makausap usap habang may ginagawa. Ang masungit ko naman na boss wala rin for sure nag ta-trabaho iyon. Hindi naman laging nasa bahay 'yon minsan nga gabi na dumadating, lakwatsero rin siguro. Saan kaya pumupunta 'yon? 'di niya ba alam na delikado sa labas pag gabi? "Claire ito ang bibilhin mo sa grocery, siguraduhin mo na mabibili mo iyan at kailangan ko pa magluto para sa hapunan ni sir Dame, nasabihan kasi ako na uuwi siya ngayong hapon." Napatango naman ako at kinuha kay manang Bel ang listahan, napanganga ako dahil may kahabaan ang listahan. Iba talaga pag mayaman, puro grocery pero nasasayang naman ang ibang pagkain. Katulad na lang ni sir Dame, nag hain na

