CLAIRE's POV Isang linggo na ang nakalipas at laging wala si Dame sa mansyon, ako naman magaling na buti na lang hindi nagkaroon ng peklat ang mukha ko, dahil kong nagkaroon man ng peklat 'to, babalikan ko 'yong tatlong ugok na 'yon at hindi ko lulubayan hangga't walang peklat sa katawan nila. Nandito ako sa 2nd floor at kakatapos ko lang maglinis ng mga kwarto, hindi ko alam kong bakit dumadami ang mga bantay sa mansyon, na dagdagan ata ng bente na bodyguards. Tapos bawal pa ako lumabas, gusto ko pa naman ang mga gawin na pag-go-grocery. Hindi ko alam kong bakit napakahigpit na rito. "Claire! tapos ka na maglinis?" nginitian ko naman si Rose nang makalapit ito at tiyaka tumango para tumugon sa tanong nito. "Oo tapos na bakit may ipapagawa ka ba?" nakangiti kong tanong sa kaniya, i

