Episode 3| The Punishment

1461 Words
Nagising na lamang ako sa pag-anunsyo ng professor namin na tapos na ang klase. Ahh.. Nakaidlip ako. Tinatamad na nag-inat ako ng likod at leeg habang nakatingin sa harapan. "Ahh… Sarap matulog." anas ko habang nangingiting pinagmamasdan ang buong klase. Dali-dali akong tumayo at lumabas ng room nang mag-ring na ang bell. Kailangan ko magmadali, paniguradong naghihintay na ang tropa. Arthur texted me after lunch na may inuman ulit mamayang gabi. For sure nandoon na sila sa bar, waiting for me. Habang nagmamadaling maglakad pababa ng hagdan ay may naaninagan akong pigura na nakatayo sa may gilid ng hallway. Wari mo'y hinihintay ako. Naningkit ang mata ko at dahan-dahang naglakad upang mapagsino iyon. Teka? Si Anna ata 'to. Hindi! Si Averie? Ahmm?? Hindi rin eh. Nakalimutan ko na ngunit pamilyar sa akin ang mukha. Napakamot na lang ako sa batok ko. Hindi talaga ako magaling sa pagkakabisa ng pangalan ng tao. Maliban na lang kung importante siya sa buhay ko. Basta isa lang ang sigurado, isa siya sa mga babaeng nakalandian ko. Tumingin ito sa kinatatayuan ko at ngumiti. Ngiting makahulugan na may kasama pang pagkagat ng labi na siyang biglang nagpabuhay sa sistema ng katawan ko. Oh no... Hinihintay na ako nila Arthur sa bar. Pagbaba ko sa huling baitang ng hagdan ay dali-dali niya akong hinatak papuntang restroom. Wala na akong nagawa pa. Hindi na ako kumontra. Nagpatangay na lang ako sa panghihila niya sa akin. Quickie na lang. Pagpasok sa loob ng cubicle ay agresibong tinulak niya ako sa pader sabay hawak sa dalawang kamay ko. Itinaas niya iyon sa ibabaw ng aking ulo na ikinabigla ko. Nagulat man sa pagiging agresibo niya ay agad iyong napalitan ng ngiti. Wild. We kiss while searching every inch of our skin then after a minute, shoot! Na-reach na niya ang heaven. She rested her head sa kanang balikat ko. Ramdam ko pa ang panginginig ng tuhod niya indicating she had a good released. I immediately held her waist for support. We stay for a minute sa ganong pwesto. Nang masiguro kong ayos na siya, ginawaran ko ito ng isang halik sa labi bago siya lubayan. Naglinis muna ako ng kamay sa may sink at tuluyan na ngang lumabas ng restroom. May pagmamadaling tinahak ko ang lugar patungong parking lot. Baka kasi mamaya ay sumunod sa akin 'yung babae. Magiging panira siya sa gabi ko kung sakali at isa pa, kanina pa sina Arthur naghihintay sa akin. Pagpasok ko sa loob ng sasakyan ay biglang nag-ring ang phone ko. I fish out my phone in my jeans’ pocket at sinipat iyon. "Mommy?" I whispered while looking at the caller id. Napatingin tuloy ako sa upper-right corner ng screen to see kung anong oras na. It's already six in the evening. Napakunot noo ako. It's unusual. Hindi tumatawag ng ganitong oras si Mommy sa akin. Is there any problem? Naguguluhan man sa biglaang pagtawag ni Mommy ay sinagot ko na ito. " Hello Mommy? " panimula ko habang nagsusuot ng seatbelt. "Honey nasaan ka na? Please come early sa bahay. Your cousin told me na maaga ang uwian niyo ngayon." Dang! Napapikit ako nang mariin sa narinig. 'Yung walang-hiya kong pinsan. Naiinis man ay ikinalma ko ang sarili at muling iminulat ang aking mga mata. "Pauwi na po ako. May dinaanan lang ako saglit na libro kanina kaya hindi agad ako nakauwi." pagpapalusot ko. Napatampal na lamang ako sa aking noo nang may maalala. 'Yung gala. "Okay honey. Dumiretso ka ng uwi. May pag-uusapan tayo." tugon ni Mommy. "Tungkol saan Mommy?" kapagkuwa'y tanong ko. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba. Ano kaya iyon? Wala naman akong ginawang hindi maganda sa araw na 'to maliban sa…kanina. "You will find out pagka-uwi mo. Drive safely honey. I love you." wika niya na ikinabuntong hininga ko. "I love you too." I answered back. Maya maya pa'y pinutol na ni Mommy ang tawag. "Hay..." I sighed. Napatingin ako sa cellphone na hawak ko at muling kinalikot iyon. I compose a text message kay Arthur saying na hindi ako makakapunta sa hang out namin ngayon. After sending ay sinimulan ko ng pasibadin ang sasakyan patungo sa aming bahay. — "I'm home!" sigaw ko pagkababa ng kotse. Pagpasok sa loob ay bumungad sa akin si Mommy na nakaupo sa may sofa habang sa kabilang upuan naman ay si... Miggy??? Teka, anong ginagawa niya dito? "Mommy." bati ko at hinalikan siya sa pisngi bago siya yakapin nang mahigpit. My mother hug me too and rub my back. "My baby cousin Alexander, wala ba 'kong hug and kiss gaya ni Tita?" Miggy teased then chuckled. Napakalas tuloy ako ng yakap kay Mommy at napaharap sa unggoy na 'to. I glared at him. I really wanted to raise my middle finger at him kaso nasa harapan namin si Mommy. Pasalamat siya! Sa tanong niya'y hindi na lamang ako umimik. Naupo na lamang ako sa sofa katapat kung saan nakaupo si Miggy. Ngumiti lamang nang nakakaasar si pinsan nang hindi ako nakasagot and I know, lalaki pa iyang ngiti niya kapag inaway ko siya sa harap ni Mommy. "Hmm... " himig ni Mommy dahilan para maputol ang titigan naming magpinsan. "Honey, gusto ko sanang sabihin sayo na..." she paused at tumingin sa pinsan ko. "...sasama ka kay Miggy magbakasyon sa probinsya nila Manang Leti." pagtatapos ni Mommy. Gulat na napatingin ako nang diretso kay Mommy dahil sa narinig. Totoo ba itong naririnig ko??? "But Mommy?!" angal ko. Sinulyapan ko ang pinsan kong tahimik na tumatawa sa kinauupuan niya dahil sa nangyayari. Tiningnan ko siya ng masama na para bang sinasabing humanda ka sa akin mamaya look, ngunit hindi man lang siya natinag. Nag-tongue out ang gag* sa akin. Kainis! "Alexander, stop glaring at your cousin!" sermon ni Mommy. Wala tuloy akong nagawa kundi magbawi ng tingin at manahimik na lang sa isang tabi. Ano pa nga ba? Para akong basang kuting na sumisiksik sa upuan. Ay, sisiw pala. Huminga muna ako nang malalim para pakalmahin ang sarili bago tumingin nang diretso kay Mom. " Mom, I don't like the idea—" hindi ko pa natatapos ang nais kong sabihin ng ikinumpas niya ang kanyang kanang kamay. Tanda na pinapatigil niya ako sa pagsasalita. "No buts Alexander Pavel Joerge Samonte! Sasama ka sa ayaw at sa gusto mo! I think it's a good idea. If ayaw mo ng kasal, bakasyon na lang sa probinsya ng matigil ka kahit isang buwan lang sa kalokohan mo rito at malayo sa mga kaibigan mong bad influence sayo. Isa pa, ang dami ko ng natatanggap na reklamo over the phone kahit nasa office ako and you knew kung ano ang mga iyon because you're the one who created it!" mahabang litanya ni Mommy at pagod na napahawak sa kanyang sentido. I became uneasy dahil sa narinig. Galit na talaga si Mommy. Binanggit na niya ng buo ang pangalan ko. Sinubukan ko ulit magprotesta. "Mom, wala lang p—" "Stop talking Alexander! Tomorrow morning sasama ka na kay Miggy. I'm sure na may matututunan ka roon sa probinsya dahil kilala ko ang pamilya nila Letty. Huwag kang magbibigay ng sakit ng ulo sa pamilya nila once na naroon ka na." Bumagsak ang balikat ko sa narinig. Hindi bukal sa loob kong tumango na lang kay Mommy bilang pagsang-ayon sa gusto niya. Wala rin naman akong magagawa pa. Nagdesisyon na si Madam CEO. Ganyan ang tawag ko kay Mommy 'pag lumalabas ang paka-bossy niya. Napagpasyahan ko nang tumayo sa aking kinauupuan at nagpaalam na magpapahinga. Wala na akong ganang kumain pa dahil sa mga nangyayari. Hindi na ako nag-aksaya pang tumingin kay pinsan. Baka mabatukan ko lang. Pagkapasok ko sa kwarto, nakita kong nakalabas na ang maleta ko. Nakalagay siya sa may gilid ng higaan. Lumapit ako roon at sinipat iyon. What the—? Hindi naman halatang pinaghandaan nila ang pag-alis ko? Paano naman kasi may mga damit na ko dito at mga personal needs. Mukhang pinaayos na ni Mommy sa kasambahay namin. I sighed once again. Mukhang matitigang ako nito. Sh*t! My s*x life! Nabu-bwisit na dumiretso na ako sa bathroom para makapaglinis ng katawan and hoping na mawala ang inis na nararamdaman ko para sa pinsan ko after magbath. Pagkatapos magbihis at magpatuyo ng buhok ay nahiga na ko para matulog. Bago pa man lumalim ang tulog ko, narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Baby cousin Alexander! Agahan mo bukas ha? Hihihi." tatawa-tawa niyang tugon. Aba't nagawa pang tumawa ng gag*. Agad na dumampot ako ng unan at ibinato sa direksyon niya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon upang tingnan kung tinamaan ba o hindi dahil inaantok na talaga ako. Nakarinig na lamang ako nang mahinang hagikgik at pagsara ng pinto.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD