Madeline POV Nagising na lang ako nang may tumatawag sa cellphone ko. Si mama Conor, ina ni Ranz. Kinabahan ako na baka nagsumbong si Ranz sa di ko pagbibigay sa kanya ng pansin at pambabalewala kaya sinagot ko agad ang tawag niya. "Hello, hija! Kamusta ka na at ang apo ko." "Mabuti naman po, napatawag ho kayo? Pasensya na kakagising ko lang." "Tumawag ako sa'yo upang ipaalala sa'yo na ok na ang asawa ko at si Gaspard." Natuwa naman ako at hindi ko namalayan na bumagsak na pala ang mga luha ko. Sa wakas ay pwede ko na ibalik sa dati ang pakikitungo ko kay Gaspard. "Mabuti naman po kung ganun. Kamusta na si Itay?" "Masaya siya at mino-monitor kung lumalala na ang pagiging ulyanin niya. Gusto ko magpasalamat sa'yo dahil kung wala ka ay hindi ko na alam ano gagawin ko sa mag ama ko. N

