CHAPTER 2: MS. KNIGHT IN SHINING ARMOR

2034 Words
  Jade’s Pov So here we go, pagbaba ko sa jeepney, patakbo na akong pumasok sa loob ng "FG University" pero sa gate palang ay hinarang na ako ng guard. "Bawal kang pumasok iha." pagbungad niya sa akin. "Hah bakit naman po? Dito po ako nag-aaral, kung hindi niyo po alam! Sige na po ohh papasukin niyo na po ako!" pagmamakaawa ko dahil ano pa nga ba, late na naman ako as usual. "Nasaan ang ID mo?" tanong ng guard na nagpakabog ng dibdib ko. Ohh myy! Nakalimutan ko pala ‘yung pinaka importanteng bagay na kailangan ko para makapasok. Huhuhu! Kaiyak naman! "Hindi ko po nadala ihh." Naiiyak kong tugon. "Oh, siya ‘di ka makakapasok sa loob. NO ID NO ENTRY!" "Ouchh! Paano po ‘yan sayang naman ang ipinunta ko?" "Pasensiya na iha… ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko. Alam mo namang may mga patakaran tayo. Para rin ito sa safety  ng lahat. Mahalaga na mayroon tayong katapatan sa tungkulin." Sagot ni Kuya guard na nauunawaan ko naman. A rule is a rule, pero kasi sayang talaga kung hindi ako makakapasok. "Huhu! Naiiyak na po ako!" paghihimutok ko bago ako umupo sa lapag. Baka sakaling maawa naman sa akin si kuya. "Huwag kang maupo riyan! Baka marumihan ang uniporme mo. Papuntahin mo nalang dito ‘yung parents mo." "Ihhh busy po sila ih." Pagdadahilan ko but the truth is, wala na akong balita sa kanila. "Paano mo nasabi? Ano bang work nila?" tanong ng guard. Kuya guard naman eh, male-late na nga ako may time ka pang makipagchikahan sa ‘kin. "Hindi ko po alam." "Eh paano mo nga nasabi na busy sila?"  "E kasi kung ako nga po, hindi nila mabisita sa apartment ko edi mas lalong hindi sila makakapunta rito sa university!" explain ko. Hays, ang drama ng buhay ko noh? Dito ko pa yata balak na ilabas ang mga hugot ko sa buhay.   Medyo nasa-sad na ako nang biglang may lumapit na babaeng matangkad. Nakaupo ako kaya mas una kong napansin ang mahaba niyang biyas. Nang tiningala ko siya, all I can say is wow! Ang ganda niya at lakas pa ng dating pero sa totoo lang kilala ko siya at super close talaga kami. Siya lang naman si Aleff Louise Ahomiro. Binansagan ko siyang si Ms. Knight in Shining Armor. Why? Malalaman niyo rin later. Actually anak siya ng principal kaya very powerful! Isa lang naman siya sa daan-daang connections na mayroon ako. "It’s okay kuya guard, papasukin mo na siya." Seryosong sabi ni Aleff. Shocks ang lamig ng voice niya kinikilig ako! Hihi Jade ang landi mo talagang bata. Tandaan mo 16 ka palang self kaya umayos ka! Oh my God! Siya talaga ang hero ng buhay ko, palagi nalang niya akong nire-rescue. "Ah kayo po pala Ma'am Aleff, ikaw naman iha ‘di mo sinabi na close kayo ni Ma'am Aleff edi sana nabigyan kita ng special treatment." Sipsip na sambit nung guard. Yehey! Napatalon ako sa tuwa, makakapasok na ako finally. Makikita ko na rin si Ate Amara a.k.a Ms. Gorgeous.  "Thank you Kuya guard. By the way, ano nga ulit 'yung sinasabi mo kaninang may kinalaman sa katapatan sa tungkulin? Ano nga ulit 'yon?" tanong ko sa kanya na hindi naman niya nasagot, instead napakamot na lang siya sa ulo. Ganiyan 'yung mga tipo ng tao na magaling lang sa salita. Anyway, sabay kaming pumasok ni Ms. Knight in Shining Armor sa campus. But siyempre, I don't forget na belatan ‘yung guard nung nakatalikod si Ate Aleff. "Thank you Ate Aleff!" Masaya kong sambit sabay hawak ko sa bisig niya. "Wala ‘yon... alam mo namang malakas ka sa ‘kin, Jade!" Ang serious talaga ng voice niya buti nalang at palagi siyang naka-smile, cute niya ihhh! "Na-late ka yata ngayon?" sambit niya na para bang hindi siya aware na palagi naman akong late hahaha. Wala namang bago, maganda pa rin ako, oh I mean, late pa rin ako. "Oo nga ihh... bagal ko po kasi kumilos ayyy." "So next time, you must try to moves faster!" payo niya sa ‘kin. "Okay poooo!" pa-sweet kong sagot. "Good!" She answered back then she taps my shoulder na feeling ko napalakas yata haha. "Buti nalang at lumabas ka kaya nakita mo ako." Sambit ko. "Oo buti nga naisipan kong mamasyal sa campus kahit may klase ako, by the way where's your classroom? Gusto mong ihatid na kita?" tanong ni Ate Aleff. Gosh nakakahiya na, masyado siyang mabait sa akin. ‘Di ko na deserve ang kagaya niya. Kinikilig tuloy ako. I mean, si Ms. Gorgeous kasi talaga 'yung crush ko, pero kasi nakakaturn-on talaga 'yung kabaitan ni Ms. Knight in Shining Armor eh. "Ahmm... ‘wag na sa 3rd floor pa ‘yun e. Ayaw ko namang mapagod ka. Thank you ulit Ate Aleff!" "You're always welcome sweetheart!" Nakangiti niyang sagot tapos pinagpagan niya ‘yung uniform ko na nagkadumi dahil sa paglupagi ko sa ground kanina. Sweet naman talaga niya ihh! Tapos later on naghiwalay na kami ni Ate Aleff. Iba talaga kapag anak ng principal, suwerte kong nakilala ko siya.   Nagmamadali na akong pumasok sa classroom ko at kagaya ng dati ay ‘di ko na naman inabutan ang prof namin sa first subject. Seriously, ang ingay sa classroom namin. Nangunguna na sa kaingayan ‘yung mukhang mongoloid kong classmate na si Kristoff. May mga nagbabatuhan din ng kung anu-ano. Mapa babae man o lalaki ay nakiki-join sa gulo! Pumasok ako sa room nang nakangiti pero nawala ito nang may isang makapal na libro ang tumama sa ulo ko. Literal na natumba talaga ako sa sobrang lakas ng pagtama. "Boom! Knockdown!" rinig kong sigaw pa ni Kristoff na para bang sobrang proud pa siyang natamaan niya ako. "Arayyy!" Late kong reaction kasabay ng paghawak ko sa parte ng ulo kong masakit. Naalog pa yata ang mga braincells ko gosh! Bwiset talaga ‘yang si Kristoff palagi nalang niya akong ginaganito! Well what's new pa ba? Tuta kasi ‘yon ni Faye a.k.a Ms. Attitude! Haha as you noticed mahilig talaga akong magbigay ng nickname sa mga kakilala ko, mas natatandaan ko kasi sila in that way.  So ayun na nga, after akong matamaan ng lumilipad na libro, buti nalang to the rescue ang dalawa kong friends na si Jam at Trix. Si Jam ‘yung medyo boyish tapos si Trix naman ‘yung kikay and jolly like me. They are both my classmates. Nilapitan nila ako agad, hetong si Jam balak pa atang sugurin si Kristoff pero pinigilan ko siya then naupo na lang kami. Buti nalang magkakatabi kaming tatlo sa seating arrangement. Malapit din kami sa may bintana kaya mahangin. You know na, I have plenty of connections. Minsan kasi ginagamit ko ‘yung charm ko para makapang-uto at makuha ‘yung mga gusto ko. Haha I'm just kidding! Good girl kaya ako, I swear! So after the incident na nagpaalog sa utak ko ay komportable na akong naupo nang biglang out of nowhere, binulabog na lang ako ni Trix.  “Uy bes! Galing siya rito kanina. Hinahanap ka yata!" Aligagang sabi ni Trix na may kasama pang hampas sa likod ko. "Hah? Sino?" Atat kong tanong kay Trix. "Hey dude! Sino pa ba edi si Amara!" Biglang sabat ni Jam na abala sa pagtitirintas ng buhok ni Trix. "Hihi talaga ba? Nagpunta rito si Ms. Gorgeous?" Excited at halos mapatayo kong tanong. "Sabing oo nga bes! Unli lang ang peg?" Sagot ni Trix. "Ayiiee! Bakit daw niya ako hinahanap?" Tanong ko sa dalawa kong friend. Shocks, seryoso maiihi na yata ako sa kilig! Like duh, si Ms. Gorgeous ‘yun eh, ‘yung ultimate crush ko. Siya 'yung kanina ko pa binabanggit kanina. "Hindi namin alam dude! Hindi naman namin nakausap ‘yung Ms. Gorgeous mo." Pa chill lang na response ni Jam. "Bakit ‘di niyo itinanong?" Napapadyak pa ako sa inis. "Bakit ka close ba namin ‘yon? Eh famous ‘yun e. Hindi nga niya kami kilala!" Explain ni Trix sabay tampal sa kamay ni Jam na kung anu-ano na ang ginagawa sa buhok niya. "So paano niyo nalaman na hinahanap niya ako kanina?" tanong ko. "Sumilip siya rito sa classroom natin, nakatingin siya diretso diyan sa upuan mong wala namang nakaupo kasi nga wala ka pa kanina dahil LATE ka na naman!"  Wow ipinagdiinan talaga ni Trix na late ako e. Bigla tuloy akong nanghinayang eh kasi naman alam ko kung gaano ka-busy si Ate Amara (Ms. Gorgeous) yet nag-abala siyang bisitahin ako kanina, tapos ako naman itong wala. Imagine, 'yung ultimate crush ko na 'yung lumalapit sa akin. "Hey dude don't be sad! Magkikita naman kayo mamaya ah!"  "Ayy oo nga pla hihi! Buti pinaalala mo Jam! I can't wait na matapos na 'tong class natin"  Naka-smile kong sambit at sinamaan naman ako ng tingin nung dalawa. "Jade naman! Kararating mo palang uwian na agad ang nasa isip mo!" Naputol ang usapan namin nang dumating na ang isa sa mga prof naming si Teacher Klea Vista. Siya lang naman 'yung pinaka hot na teacher sa buong campus. Marami pa siyang handle na section aside sa magulo naming section nina Jam at Trix. Mayroon din siyang handle na higher year. Hot at sexy nga siyang maituturing pero may chismis na kumakalat tungkol sa kanya. DIUMANO ay isa siyang bisexual at pumapatol daw siya sa kahit na kanino, kahit nga daw estudyante niya ay pinapatos niya! But I don't believe kasi mukha naman siyang disente at malinis na babae, maybe marami lang ang naiinggit sa kanya kaya sinisiraan siya. What's wrong sa pagiging bisexual? Hindi ko sila pinandidirian because I don't have any reason to be. Another thing is, I think that I myself is one of them. "Good morning class!" Masiglang bati ni Ms. Vista.   "Good morning Ma'am Vista!" greet namin sa kanya and I just notice lang na kakaiba talaga 'yung tingin sa kaniya ng mga classmates kong boys. Hays, mga lalaki nga naman talaga oh. "Kumusta ang weekend niyo?" tanong ni Teacher Klea Vista. Kung idedescribe ko siya, I can say na she's one of the coolest teacher that I ever had. Hindi rin siya ganoon kataray and kahigpit. Well, siguro kasi hindi pa naman siya ganoon katanda, I still considered her as a millenial kaya medyo nakaka-relate siya sa mga trip namin. "Okay na okay ma'am!" Sigaw nung pabibo kong classmate na si Roi. Pero to be fair, mabait sa akin 'yang si Roi. Actually, umamin siya na crush niya ako. Nag confess siya 2 months ago pa. Natawa nalang ako kasi ang dami niyang kaagaw sa akin! Like hindi naman sa para magyabang ha, pero pinipilahan kasi talaga 'yung beauty ko e. Pero sa dami ng mga lalaking manliligaw ko, wala pa akong sinasagot dahil bukod sa masyado pa akong bata, bihira akong ma-attract sa boys dahil babae rin kasi talaga ang gusto ko eh at isa na nga sa mga crush ko ay si Ate Amara (Ms. Gorgeous) na nasa higher grade ngayon. "Well, Roi! It's good to hear that from you. So now let's start the discussion."   Klea's Pov (Teacher Klea Vista) After ng kaunting discussion ay may ipinagawa akong activity sa students ko. Suddenly napukaw nung batang maputi na may kulay asul na mga mata ang atensiyon ko. Sa gilid siya nakapuwesto malapit sa may bintana. She's pretty and cute, no doubt! Kilala ko siya, of course she's one of my students. Siya si Limuel Jade Wintermelon. Hindi ko siya trip na jowain or what ha, just to be clear! Medyo malaki kasi 'yung age gap namin but I know how to appreciate beauty. By the way I'm Klea Vista, 25 and I am a bisexual pero mas lamang 'yung attraction ko sa mga girls. And speaking of girls, everytime na nakikita ko si Jade, para bang nakakakita ako ng anghel. Sobrang maamo lang kasi talaga ang features niya. So now I see na nakikinig pala siya ng music instead na sa 'kin siya makinig! Sige lang, itago mo lang 'yang earphones mo! Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Wala lang, nakakaalis lang kasi ng stress kapag nakikita ko siya. Until she noticed na nakatitig ako sa kanya the whole time pero nag smile lang siya sa 'kin then bumalik na ang tingin niya sa isinusulat niya. Natutuwa ako sa kanya dahil hindi siya suplada hindi kagaya ng ibang magagandang students sa campus. Very natural lang at walang arte sa katawan na bihira mo lang makikita rito sa "FG University" dahil karamihan sa mga naka-enrolled dito ay mayayaman at spoiled brats. Idagdag mo pa na, Jade is famous pero very friendly and down to Earth pa rin. So as her teacher, hinahangaan ko 'yun sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD