Ava's POV "Anak." Boses ni Mommy nang makita akong lumabas sa kwarto ko. "Mom i can explain." Napalunok ako. "You don't need to explain." Nakangiting sabi niya. "Nagkabalikan na ba kayo ni Evan?" Napakagat ako sa labi at tumango. "I'm so happy for you. Sabi ko na nga ba magkakaayos din kayo." "Biglaan Mommy." Yumakap ito sakin. "It's okay anak. Tawagan mo si Totie." "Po? Bakit Mom, may ipapaayos ka ba sa bahay?" Nalilitong tanong ko. Si Totie ang anak ng kaibigan ni Mom, siya ang business partner ng architect namin dito sa bahay. "Ang ingay niyo kagabi. Dapat soundproof na ang kwarto niyo. Nabubulabog ang mga tulog dito sa bahay." Napatakip ako sa mukha, sobrang nahihiya ako ngayon. Hindi naman ako masyadong maingay kagabi kasi alam kung hindi soundproof ang kwarto ko, si Evan

