Ava's POV Isang linggo na ang nakakalipas ngunit sariwa parin ang pagkawala ng nanay ni Evan. 'Alam kong kahit gaano ka kagalit sa magulang mo, iiyak at iiyak ka parin kapag nawala ito.' "Coffee po." Ngumiti ako sa nagdala ng kape. Kasalukuyan akong nasa board room ng opisina ni Evan. Mula nang namatay ang nanay niya mas lalo niyang ginugol sa pagtatrabaho ang sarili. Dalawang beses lang ito dumalaw sa mga bata ngayong linggo. Actually hindi niya alam na pupunta ako dito. Galing ako sa opisina ko, nagpasa ako ng resignation letter. Bukas babalik ako dun para magpaalam kay William at sa mga katrabaho ko. "What are you doing here?" Napatingin ako sa may pinto. Umupo si Evan sa tabi ko. "Kamusta ka?" Nahihiyang tanong ko. "Kung yan lang ang sasabihin mo babalik na ako sa trabaho." A

