Chapter 4

1067 Words
Ava POV "Napakaganda mo anak." Sabi ni Mommy, kasalukuyan akong nagsusukat ng gown para sa darating na kasal namin ni Evan. "Thanks Mom." Pilit akong ngumiti sa harapan niya. Kinausap ako ni Daddy na kailangan kong magpakasal kay Evan para mapatawad nila ako. Pumayag naman ako dahil mahal ko rin naman siya. Galit na galit si Evan nang malaman niya yun. Wala naman siyang nagawa kundi sumunod, tinakot ito ni Dad na kapag hindi ako pinakasalan makukulong ito at kakasuhan ng r**e. Nagpalit na ako ng damit. "Dadaan lang ako sa mall Mom. Mauna ka nang umuwi." "Okay, ingat ka." Ngumiti ako at kumaway kay Mommy. Niyaya akong kumain ni Evan sa labas, magkita nalang daw kami sa restaurant na malapit dito. Ngayon lang ito nagyaya kaya masaya ako. "Hi. Nagorder ka na?" Tanong ko dito. Umiling naman siya. Walang umimik samin habang kumakain, ayoko rin magsalita dahil baka magalit na naman ito. Pagkatapos naming kumain hinatid na ako nito pauwi. Para siyang robot, napilitan lang sa pagyaya sakin. "How are you anak? Nagdate daw kayo ni Evan." Tanong ni Dad, ngayon alam ko na kung bakit ako nito niyaya na lumabas dahil inutusan siya ni Dad. "Okay lang po. I'm happy."Sagot ko. "Good, magpahinga ka na." Akala ko pa naman gusto talaga ako nitong makasama magdinner, yun pala mali ako. Nagshower ako at nagpaantok na hanggang sa makatulog. ---------- Ring ring ring "Hello?" "Kayo po ba si Ms. Kylie? Lasing na lasing po dito ang boyfriend niyo." "Ano? Sige papunta na ako diyan." Nagaalalang sabi ko. Sinabi nito ang address, tinawagan ko si Liza para magpatulong sa pagdridrive. Nang makarating sa bar, nakita ko si Evan na natutulog sa couch. Humingi ako ng paumanhin sa mga naabala nito. Minabuti nalang namin na dalhin siya sa isang hotel. "Evan wake up." Hindi nito kayang tumayo kaya nagpatulong nalang kami sa staff ng hotel. Pinahiga ito sa kama. "Kylie, kylie." Paulit ulit niyang sabi Nahiya naman ako kay Liza kaya pinahintay ko nalang siya sa sala. "Pupunasan ko lang muna siya, then pwede na tayo umuwi." Tumango naman siya. Pinunasan ko ng towel ang mukha ni Evan. "Kylie." May luha ang kanyang mga mata. "I'm not Kylie. It's me Ava." Minulat nito ang kanyang mata. Dahan dahan itong tumayo. "Lasing ka, mahiga ka lang." "Ava. Tulungan mo ako, ayokong magpakasal sayo. Hindi kita mahal si Kylie ang mahal ko." Pagmamakaawa nito. Tumulo ang luha ko. "Evan matulog ka na, hindi mo alam ang sinasabi mo." "Alam ko Ava, please nagmamakaawa ako. Pigilan mo ang kasal natin, ayokong magpakasal sayo." Dahan dahan itong lumuhod sa harapan ko. "Sorry sa lahat ng nagawa ko, paninindigan ko ang bata. Hindi ako tatakas. Pigilan mo lang ang kasal Ava." Umiiyak na sabi nito. "Tumigil ka na Evan. Sa ayaw at gusto mo magpapakasal ka sakin." Sigaw ko pagkatapos pinunasan ang luha sa mata bago lumabas ng kwarto. Sa totoo lang kaya ko namang pigilan ang pagpapakasal namin, sadyang ayoko lang dahil mahal ko si Evan. Una palang naming pagkikita may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya. ---------- Tahimik lang ako habang nasa sasakyan, hinatid ako ni Liza pauwi ng bahay. "Okay ka lang? Wag ka ngang sumimangot. Bawal yan sa buntis, dapat happy lang." Pilit akong ngumiti. "Alam kong narinig mo ang paguusap namin ni Evan. Mali ba yung ginawa ko?" Tanong ko. "Mali na may nangyari sainyo. Mali na pinagpipilitan ng Daddy mo ipakasal kayo." Sagot niya naman. "Hindi mo ako naiintindihan eh. Mahal ko si Evan pero hindi niya ako mahal." "Mahal mo si Evan. Ano ka ba naman Ava? Alam mong may girlfriend yung tao. Ikaw ang sumisira sa relasyon nila." "Hindi yan totoo. Ilalaban ko si Evan. Sigurado akong kapag pinanganak ang baby namin matututunan niya akong mahalin." Desidido kong sabi, naniniwala ako na darating ang araw mamahalin niya rin ako. Nakaramdam naman ng awa si Liza dahil pumapatak na ang luha sa mata ko. "Wag kana umiyak. Oo na." "Salamat naiintindihan mo ako." Parang life saver narin si Liza sa buhay ko, lagi niya akong tinutulungan, pinagtatanggol at binibigyan ng motivation. Kapatid na ang turing ko sa kanya. ---------- Dumating ang araw ng kasal ko. "Ano wala pa ba yung groom?" Narinig ko ang paguusap nila sa labas ng sasakyan. Mahina lang ang paguusap nila para siguro hindi ko marinig. 'Where are you Evan?' Mahinang tanong sa sarili. Tumingin ako sa orasan, it's already 4:30PM. 30 minutes na itong late. Napayuko ako, sayang lahat ng effort ng pamilya ko kung hindi ito matutuloy. Ayokong madisappoint ulit ang parents ko, halos araw araw nila akong pinangangaralan. Nagagalit sila kay Evan, ako naman si tanga sobrang pagtatanggol dito. Hindi ko nga alam kung anong pinakain nito sakin, bakit minahal ko ito ng sobra. Kumatok si Liza sa bintana ng bridal car. "Andiyan na yung groom. Get ready." Nagulat ako sa sinabi nito, nakangiti akong lumabas ng sasakyan. Habang naglalakad palapit sa altar, nakatitig ako kay Evan. Seryoso lang ang mukha nito, wala akong nakikitang reaksyon. Pero masaya ako, masayang masaya kasi ako parin ang pinili niya pagkatapos ng araw na ito. Naluha ako. Pangarap ng lahat na maikasal sa taong mahal nila at yun ang ginawa ko. Mahal ko si Evan, yun ang sabi ng puso't isip ko. Nang makarating sa harap ni Evan. "Thank you." Pasasalamat ko. "No need to thank me. Hindi ito panghabang buhay." Seryoso nitong sabi. Ayokong ma bad mood kaya hindi ko pinansin ang sinabi niya. Natapos ang ceremonya ni Father. "Evan and Ava Lee you are now husband and wife. You may now kiss the bride." Unti unti nitong tinaas ang veil ko, akala ko hahalik ito sa labi ko ngunit sa gilid lang ng pisngi ko. Nagpalakpakan ang mga tao at naghagis ng petals. Humarap kami sa mga tao at ngumiti, humigpit ang hawak ni Evan sa kamay ko kaya napatingin ako dito. Malayo ang tingin nito, sinundan ko kung saan ito nakatingin. Nanlaki ang mata ko nang makitang umiiyak si Kylie, nakasuot ito ng puting damit. Kahit simple lang ang suot nito, hindi maipagkakaila ang angking kagandahan nito. Humawak ako ng mahigpit sa kamay ni Evan, alam kong kapag binitawan ko siya posibleng puntahan niya si Kylie. Nagsimula nang magtubig ang mata ko, ramdam ko ang sakit sa mga mata nila tila naguguilty ako sa nangyayari. ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and Comment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD