Kabanata 2

1442 Words
Phoebe POV " Awan ko ba d'yan kay Mr.Dragon ball na 'yan.Ang sungit sungit aba! kanina pinalabas ako gamit ang kamay niya.Kakaloka siya Girl!!" Wika ko kay Vivian na ngumunguya ng mani.Mukhang kakatapos lamang nitong kumain ng tanghalian.Ako naman ay nag pa deliver na lamang ng pagkain sa restaurant na inorder-an ko ng lunch ni Kenjie.Ginawa ko nang dalawang order,dahil alam kung hindi na naman lalabas sa lungga niya si Sir Oliver,Gaya ng dati.Sakto naman na kararating lamang ng inorder kung pagkain. "Ohh! Bakit dalawa na naman 'yan pagkain inorder mo? " Siniyasat pa ni Vivian ang paper bag na naglalaman ng pagkain namin ni Sir,Oliver.Sabay tingin nito sa akin. "Hmm!Alam mo ako nagtataka na ako sayo minsan e!.Bakit ba sa tuwing alam mong busy yang si Sir Dragonball,lagi mo na lamang idinadamay sa lunch mo.As if naman na kinakain niya ang mga binibigay mong pagkain noh." Tiningnan ko ng masama si Vivian.Syempre para sa akin. boss, ko si Dragonball kaya naman concern din ako sa kalusugan ng kalbong Dragon na 'yun.Kahit masungit 'yun palagi. Tao din 'yun na nagugutom. "Alam mo ikaw,wala kang ka concern concern sa boss natin.Syempre pag nagkasakit yang si Boss! Damay tayo noh!" Wika ko kay Vivian na ngumanga pa na akala mo'y nagulat sa sinabi ko.At ang bruha kung kaibigan bigla humalakhak nang tawa na naman.Bungisngis talaga ang isang ito. "Bakit naman tayo madadamay,kung magkasakit si Boss? Aber!!" Hindi talaga nag iisip ang babaeng ito.Hindi ba niya alam na pag nagkasakit si boss,apektado ang trabaho namin.Siya lang naman ang Ceo,ng kompanyang pinapasokan namin.Kaya naman inirapan ko na lamang si Vivian.Dahil mukhang lutang nanaman ang isang ito. "Alam mo ikaw! Ang sama ng ugali mo talaga! Sige pag nagkasakit si Boss,Matatambakan tayo ng trabaho.Tapos ang masaklap pa niyan baka ma delay ang sahod natin dahil walang pipirma sa payslip natin gusto mo ba 'yun Vivian? paano na ang mga pangangailangan mo niyan.Ha ha ha." Natawa naman ako sa naging reaction ng mukha nito. Napahawak ito sa kaniyang mukha,Ang dami kasi nitong mga beauty product na ginagamit sa kanyang mukha.Sa dami naman niyang boyfriend kailangan niya talagang magpaganda ng todo.May sugar Daddy pa itong boyfriend na hinuhuthutan pa niya. "Oo nga ano! Ang talino mo talaga Phoebe! paano na ang beautiful pes! ko! OMG!! baka iwan ako ng mga boylets ko pag naging mukhang lusyang ako.Sige Phoebe! Araw araw muna bigyan ng pagkain si Boss.Bawal siyang magkasakit noh!!" Napapailing na lang ako sa kabaliwan ng kaibigan kung ito.Inayos ko na ang pagkain ibibigay ko kay Sir,Oliver.Si Vivian naman ay umalis na sa table ko.Tinawagan ito ng isa naming katrabahong lalaki na balita ko ay nanliligaw din kay Vivian. Napailing na naman ako nang makitang kilig na kilig ito sa lalaking katrabaho namin. "Excuse me! Sir,Oliver May inorder po akong pagkain.Kain na po kayo." Bago ako pumasok kumatok muna ako at nang tumugon ito saka lamang ako pumasok.Nakita ko itong busy pa rin sa mga binabasa niyang papeles.Napakasipag din kasi talaga ng taong ito,parang si Kenjie ko na workaholic talaga.Kahit sa bahay nag tatrabaho ito.Kaya kung minsan nakakatulog na lamang ako nang hindi ito karatig sa kama.At magigising na lamang ako sa mga halik nito at haplos sa akin. "Sir,lalabas na po ako.Kain na po kayo.Masarap po 'yan." Gaya kanina tinaboy na naman ako nito gamit ang isa niyang kamay.Kaya naman lumabas na agad ako at pagdating ko sa lamesa ko kumain na ako ng inorder kong pagkain.Sigurado akong nakakain na rin si Kenjie. Nag sent pa ito ng picture,kasama ang mga ka meeting nito.May napansin din akong isang babae na sexy na nakatabi kay Kenjie.Masyado itong malapit sa asawa ko,mukhang ang babaeng 'yun pa ang mismo lumapit sa asawa ko.Nakaramdam ako ng inis.Kaya naman 'di ko nireplyan si Kenjie,maya maya pa nakita kung tumatawag na ito.Isa sa gusto ko kay Kenjie pag hindi agad ako nakasagot sa message nito tatawag ito kaagad sa akin. "Love,Bakit naman hindi mo ako nirereplayan.Sobrang busy ka ba?" Nagtatampong wika ni Kenjie,napangiti naman ako sa paglalambing ng asawa ko.Kinulit kulit pa ako nito kaya naman hindi na rin ako nakatiis na sabihin dito ang dahilan kung bakit ako nagtampo bigla. "Love,Ano ka ba Anak 'yun ng ka meeting ko kanina.Ikaw talaga masyado kang selosa! Humanda ka sa akin mamaya!" Natawa naman ako sa sinabi nitong pangbabanta sa akin.Mukha may binabalak na naman ito gawin.Lahat kasi ng sabihin nito na gawin ko ay ginagawa ko.Bilang isang asawa gusto kung maging masaya siya sa lahat ng bagay. "Ewan ko sayo! sige na love mamaya na lang tayo mag usap mukhang lalabas na si Boss sa lungga niya e.Baka mahuli na naman ako nitong nakikipag chismisan." Bumuntong hininga ito,Tulad ng dati naiinis ito sa boss ko sa tuwing kinukwento ko sa kanya ang pag susungit ni Sir,Oliver sa akin.Lagi nitong sinasabi na mag resign na daw ako,at sa bahay na lamang daw ako mag stay para daw sa tuwing uuwi siya ng bahay may nakahanda nang pagkain at syempre para daw mas naasikaso ko siya.Kaso lang talagang ayaw kong tumunganga lamang sa bahay namin. Hindi ako sanay nang walang ginagawa,Kahit na alam kong kayang kaya ako buhayin ni Kenjie dahil mayaman naman ang pamilya nito na sa katunayan.Siya na ang namamahala sa negosyo nila.Solong anak kasi si Kenjie, samantalang ako naman ay may kapatid na dalawang lalaki,ngunit nasa ibang bansa ang mga ito ako lamang ang nag iisang naiwan dito sa Pilipinas.Maging ang nga magulang namin ay nasa Ibang bansa na rin.Sa Japan naka base ang mga trabaho nila. "Love! Sabi ko I love you! Busy ka na ba talaga?" Nakalimutan kong nasa kabilang linya pa nga pala ang asawa ko.Bigla ko kasi naalala at na miss sila Mom and Dad,pati na rin ang dalawa kung kuya. "No, Love may kinuha lang ako sa drawer ko.Oh siya sige na Love.See you Late! I love you too!" Wika ko kay Kenjie agad naman nitong ibinaba ang tawag ko.Tinawagan ko ito muli dahil nakalimutan kong sabihin dito na ngayon nga pala ilalabas ang kotse ko sa pagawaan.Balak kung padaanan sa kanya ang kotse ko kung okey na talaga ito.Since Malapit lang sa building nila ang automotive shop na pinagdalhan ko ng sasakyan ko.Nag ri-ring lamang ang cellphone nito,maya maya pa sinagot na nito ang tawag. "Hello,Who is this?" Napakunot noo ako,Tiningnan ko saglit ang screen ng cellphone ko kung tama ba ang numero na tinatawagan ko.At tama naman iyon si Kenjie nga ang tinatawagan ko,pero bakit babae ang sumagot ng tawag ko. Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang boses ng asawa ko. "Halika ka nga dito! Buti umalis na sila,Hmmmm na miss kita babe! " Mga katagang galing mismo kay Kenjie.Alam kung si Kenjie 'yun hindi ako maaring magkamali sa boses ng asawa ko.Narinig ko pa nagsalita ang babae. "Wait lang babe! Ano ba nakikiliti ako!! Ha.ha.ha. Sandali lang Kenj!! Ha.ha. Ikaw talaga ang pilyo pilyo mo! Mamaya niyan may makakita sa atin na staff mo eh!" "Ano ka ba? Babe? sinigurado kung umalis na silang lahat.Kaya tayong dalawa na lamang ang nandito.Halika ka nga dito miss na miss na kita,lalo kang sumiksi ahh! ang sarap! sarap! naman ng Babe ko!" "Ahhh! Kenj!! Wait lang kasi may tuma-" Pinatay ko na kaagad ang cellphone ko nanginginig pa ang kamay ko habang ibinababa ang hawak kong cellphone.Hindi ako makapaniwala na may ibang babae hinahawakan at hinahalikan si Kenjie.Paano niya nagawa sa akin ang ganito,ang buong akala ko'y ako lamang ang babaeng mamahalin niya at ang babae sa buhay niya.Sinabi pa niyang ako lamang ang buhay niya.Pero ano itong natuklasan ko may babae siya.Gusto kung maiyak pero pinipigilan ko lamang dahil baka mahalata ako ng mga kasamahan ko.Alam ng lahat ng mga kasama ko sa trabaho lalo na si Vivian na happily married ako.Tapos ganito lamang pala ang ginagawa sa akin ni Kenjie. "Hindi ito maari!" Wika ko sa aking sarili.Kinuha ko muli ang aking cellphone at tinawagan ko muli si Kenjie.Pero nakakailang tawag na ako dito,pero hindi nito sinasagot ang tawag ko.Kahit nag message na ako dito nang emergency lamang wala pa rin itong reply manlang.Marahil sa mga oras na ito ay pinagtataksilan na ako ni Kenjie.Naihampas ko ang aking Cellphone.Nagsilingunan naman ang mga kasamahan ko. "Ano ba 'yan nagkabog ang Cellphone ko.He.He." Kunwaring nakangiti kung wika sa mga ito.Nagsibalikan naman agad ang mga ito sakanilang mga ginagawa.Napahigpit ang kapit ko sa aking suot na skirt.at sa sobrang piga ko sa aking skirt napunit na lamang ito. "Bakit? Bakit? Kenjie!!" Wika ko sa aking sarili,Hindi ko akalain na magagawa iyon sa akin ni Kenjie,pinagkatiwalaan ko ito ng lubos lubos.Ibinigay ko dito ang lahat.Naniwala ako sa mga sinabi niya sa akin pero bakit ganito.Bakit nagawa niya akong pagtaksilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD