Halos isang oras din bago kami nakaratig sa Hospital. "Ready?"-tanong niya na pinisil pa ang kamay ko. "Yeah"-nakangiti na sagot ko dito. Hawak kamay kaming pumasok sa loob ng hospital. "Hello po Doctora"-bati sa akin ng Nurse. Ngumiti lang ako dito. "Kilala ka nila dito?"- "Yeah"- Isa rin akong Doctor sa mismong hospital na ito at stock holder. Sumakay kami ng elevator patungong 9th floor, Pagdating naminsa 9th floor pumasok kami sa room 125. Kanina bago kami umalis ng bahay nag email si Z na nasa hospital na siya. Huminga ako ng malalim bago pinihit ni Roice ang pinto. Nagulat ako kasi nandidito sila Jenny at Bea.Si Z at Selene nandito rin.Masama rin ang tingin ni Ann sa akin. Nandito rin ang ibang kaibigan ni Roice,ang asawa ni Senator ngumiti ito sa akin, habang si Sena

