"Drake wala pa bang update sa asawa ko?!"-kainis talaga,wala pa rin si Gaia at Ann. "Sinong Asawa?"- "Putcha!e di ang kapatid mo!"- Panay naman ang ungot ni baby Gavin na kalong kalong ko ito. "Wala pa,huwag ka mag alala,makakauwi ng buhay iyon"-kampanteng kampante ito.Hindi man lang nag alala sa kapatid niya! Umakyat muna kami ni baby Gavin sa taas. Papaliguan ko muna si baby at aalis ako, Kailangan ko pumunta ng hospital. Nilagay ko muna si baby Gavin sa Kuna,inihanda ko ang maligamgam na tubig sa baby bath tub niya. Marunong na ako mag paligo dahil kahapon ako rin ang nag paligo kay baby.Ayoko ko rin na iasa kay manang Easter dahil magaan na trabaho ito at gusto ko hands on ako pagdating sa baby namin ni Gaia. Pagkatapos kong paliguan at bihisan, tinimplahan ko muna ng gatas

