Kurt Collen POV Ang cute niya pala pag nagagalit siya,gusto ko sanang kurutin yung pisngi niya kaso baka mas lalo siyang magalit sa akin.Naka ngiti lang ako habang nag lalakad papunta sa first subject ko,ang swerte ko lang kasi magkatabi kami sa upuan. Pag pasok ko sa classroom namin,nakita ko siyang nakayuko.Pag upo ko sa tabi niya tinignan niya ako ng sobrang sama,kinindatan ko lang siya kaya mas lalong namula yung mukha niya sa galit.Gusto ko sanang tumawa ng malakas pero sakto namang pumasok yung teacher namin.Mamaya ko na siya ulit kukulitin. Pagkatapos ng pang umaga naming klase,pumunta ako sa office ni mommy.May sasabihin daw kasi siya sa akin sabi niya sa txt. Pagpasok ko sa office ni mommy ay nakita kong nakaupo sa harap ng mesa niya si Jerwen at ang fiancee niyang si Madonna.

