Chapter 3

1917 Words
(Chapter 3) Agad na tumakbo ang Mama ni Maricar, papasok sa kwarto niya ng madinig niyang mag sisigaw ang anak. "Bakit? Napano ka anak?" Nakita niya ang anak niya na nakatakip ang mukha at nakaturo sa kama nito. "Magsalita ka anak? Ano ba yun!? Anong meron sa kama mo?" Lumapit na siya sa anak niya at niyakap niya ito. "May nakita akong babaeng sunog at punong-puno ng dugo na nakahiga sa kama ko!" Takot na takot si Maricar, kaya naman agad itong yumakap ng mahigpit sa Mama niya. "Wala naman ah! Baka naman namamalik-mata ka lang." Tinanggal na ni Maricar ang takip sa mukha niya at tinignan ang kama niya. Laking gulat niya na wala na ang nakita niyang babae kanina. "Kitang-kita ko siya kanina, Mama. Nakakatakot yung mukha niya." Kahit ala na ang babaeng nakita niya kanina ay todo parin ang kunyapit niya sa mama niya. Tila ba natakot na si Maricar na lumapit sa kama niya. "Kelan pa nagkamulto dito sa kwarto mo? Alam mo anak, Baka gutom lang yan. Halika kana sa labas at lalamig na ang pagkain. Habang naglalakad si Joan patungo sa palengke. Hindi maiwasan ng mga tao ang pagbulungan siya. "Balita ko nabaliw yan ng makita niyang patay ang pinsan niya na katabi pa niyang matulog." "Oo nga daw. Saka napagbintangan pa nga yan na siya ang pumatay dun eh." "Paano nga kaya kung siya nga ang pumatay? Napaka walangya niyang pinsan!" "Pero sabi naman nila, Minsan matino yan, minsan parang lusaw ang utak. Dati namang normal na bata yan. Ano kayang nangyari at nagkaganyan siya?" Tuloy-tuloy lang si Joan sa paglalakad na para bang walang naririnig. Sa Oras na ito ay para bang wala siya sa sarili. Maya-maya, nakasalubong nalang niya bigla ang isang matalik niyang kaibigan sa school nila. "Joan? Ikaw ba yan? Oo nga, ikaw nga! Hoy nabalitaan ko ang nangyari sa pinsan mong si ACelle. Condolence nga pala. Pasensya na kung hindi ako nakapunta. Marami kasi akong ginagawa noong nakaraang linggo. Anyway, kamusta kana? Bakit ba tila wala ka sa sarili?" "Hindi kita kilala! Umalis ka sa dinadaanan ko." Walang emosyon niyang sagot dito. "Hello, Joan! Okay kalang? Ako ito si Melanie Pagador, Bestfriend mo. Omg! Mukang totoo nga yung sabi-sabi na tila wala ka nga sa sarili." "Pagador? Pagador ang apilido mo?" "Oo, joan. Ano naalala mo na ba ako?" "Oo. Mag iingat ka. Mag iingat ka dahil may bisita kang dadating sa mga susunod na araw." "Ha? Ano bang sinasabi mo?" Hindi na siya sinagot ni Joan at nilayasan na siya nito at naglakad na ulit. Simula nang may nakita si Maricar sa kwarto niya na babaeng inaagnas, hindi na niya nakuha pang pumasok sa kwartong yun. Nagpaalam pa ito sa Mama niya, na doon daw sa kwarto niya tatabi mamayang gabi, dahil natakot daw siya ng husto sa babaeng nagpakita sa kanya kanina. "Saan mo nga pala nilagay yung sapatos, Mama?" "Nasa kwarto mo. Dun ko nilagay sa ilalim ng kama mo." Nakaramdam naman bigla si Maricar ng pagsakit ng tiyan, kaya naman napahawak ito sa tiyan at nalukot pa ang mukha sa sobrang kirot nun. Nakita ni maricris na parang hindi maipinta ang mukha ng anak. "Ayos ka lang anak?" "Ang sakit po ng tiyan ko? Tila po may kumikibot na kung ano dito sa loob. Sobrang sakit talaga!" Hindi na kinaya ni Maricar. Nagtatakbo na siya patungo sa C.r. Inisip niya na baka madudumi lang siya kaya nagtatakbo dun. Agad na umupo si Maricar sa inidoro. Bigla namang tumunog ang cellphone niya. Nakuha niya pang pindutin yun kahit na masakit na masakit ang tiyan niya. Nagtaka lang siya na, alarm lang pala yun. Naka set yun sa Oras na 02:30 ng hapon. At isa pa sa kinagulat niya. May message pa na nakalagay sa alarm niya. 'Oras mo na, Maricar. Paalam!' Habang hawak hawak ang cellphone niya ay nagulat nalang bigla si Maricar ng may dugong tumulo sa mukha niya na galing sa itaas. Unti-unti siyang tumingin sa itaas at laking gulat niya ng makita niya ulit ang babaeng nagpakita sa kanya kanina. Hindi na niya nakuha pang sumigaw dahil agad siyang tinurukan ng host ng gripo sa lalamunan niya. Rumagasa ang tubig sa loob ng katawan ni Maricar. Halos Mabiluukan siya sa mabilis na pagpasok ng tubig sa lalamunan niya. Hindi siya makapalag dahil tila ba may kung anong mabigat na nakadikit sa katawan niya. Namula at halos lumuwa ang mata ni Maricar. Ilan pang sandali ay sumabog ba ang tiyan ni Maricar sa dami ng tubig na pumasok sa loob ng katawan niya. Nag mistulang kulay red ang loob ng Banyo nila. Nag si talsikan din ang mga lamang loob niya sa ding-ding ng banyo. Alalang-alala ang mama ni Maricar sa nangyayari sa anak niya. Susundan na sana niya sa banyo ang anak ng bigla namang may mag Doorbell sa kanila. Tumungo siya sa pinto upang tignan kung sino ang nasa labas. Pag bukas niya ng pinto ay laking gulat niya ng makita niya ang dating classmate nung highschool, na ngayon lang ulit niya nakita. "Lanie Pagador?" Gulat na sambit ng Maricar. "Oo, ako nga ito Mrs. Maricris Navelgas. Long time no see. Kamusta na?" Masayang masaya ang dalawa sa muling pagkikita. Pinapasok naman agad ni Maricris ang classmate niya sa loob. "May asawa at anak ka naba Maricris? Wala kasi akong kabali-balita sayo mula pa nung highschool tayo." Wika ni Lanie pag upo sa sofa nila Maricris. "Oo meron na. Ito nga't hindi ako masyadong okay. Nag aalala kasi ako sa anak ko. Kung ano ano kasi nangyayari sa kanya ngayon araw. Kanina nahimatay, ngayon naman sumakit ang tiyan. Sabi naman ng doctor ala naman siyang sakit." "Ganun ba. Pero teka. kaya nga pala ako napunta dito. Nabalitaan ko kasi yung nangyari sa anak ni Liezel Cristobal. Classmate din natin. Nakita daw yung anak niya na patay sa isang abandunadong bahay. Wasak na wasak daw ang bungo at nalaglagan daw ng chandlier sa ulo. Hindi nga ako nakadalaw dahil nito nito ko lang nabalitaan." "Talaga ba? Kawawa naman. Ang hirap kaya mawalan ng anak. Ako nga iniisip ko pa lang parang hindi ko kakayanin kapag nawala sa buhay ko ang anak kong si Maricar. Lalo pa't hindi ko parin makalimutan ang ginawa nating kasalanan noon. Naawa ako sa ginawa natin sa kanya." "Pwede ba, maricris, 'Wag munang ungkitin yun. Matagal nayun. Saka pinagsisihan naman na natin yun, kaya baka napatawag narin tayo nun. Sandali, asan naba yung Asawa at anak mo? Gusto ko silang makita." "Yung asawa ko nasa probinsya nila ngayon. Ang anak ko naman nasa banyo. Sandali nga't kamustahin ko siya at baka kung ano na nangyari at kanina pa siya dun. Maiwan muna kita diyan, Lanie." "Sige lang." Naglakad na patungo sa banyo si Maricris. Kumatok siya bago nagsalita. "Anak Maricar, okay ka na ba?" Walang sagot na natanggap si Maricris sa kanya kaya inulit niya ang sinabi niya. "Maricar, anak? Okay ka lang ba? Bakit ayaw mong sumagot?" Medyo tinubuan na ng kaba si Maricris ng ayaw parin sumagot ang anak niya. "Anak! Anak bakit ayaw mong sumagot?!!" Nag panic na si Maricris. Tumakbo na siya papunta sa kwarto niya para kunin ang susi ng banyo. Nakita siyang nakangiwi ni Lanie kaya napatanong na siya kay Maricris. "Anong nangyari ,Classmate? Ayos lang ba ang anak mo?" Hindi na siya pinansin ni Maricris at agad itong pumunta ulit ng banyo. Sumunod nalang si Lanie sa kanya, dahil sa tingin niya ay hindi na maganda ang nangyayari. Agad-agad na sinusok ni Maticris ang susi. Nanginginig pa ang kamay nito sa sobrang kaba na nararamdaman. Wala pang ilang segundo ay nabuksan narin niya ang pinto ng banyo. Napasigaw nalang si Maricris at Lanie sa nakita nila. "Maricar!!!! anak ko!?" Napaupo sa sahig si Maricris. "Ay Jusko po! Anong nangyari sa kanya?" Halos mabaligtad ang sikmura ni Lanie sa nakita niya. Nakita nilang sabog ang tiyan ni Maricar at nakalaylay pa ang ilang lamang loob nito. Nagulat din sila sa nakita nilang nakasalusok na host ng gripo sa bibig nito. Simula ng mamatay ang anak niyang si Acelle. Hindi na mawala ang galit ni Liezel kay Joan. Ang dating mabait na Liezel ay nagbago. Binibintang kasi nito kay Joan ang pagkamatay ng anak niya. Lalo pa't ampon lang ito ng kapatid niyang si Mylene. Nasa ibang bansa ito kaya sa kanya muna ito pinagbilin. Pinagbilin na alagaan. "Saan ka na naman galing, kriminal na Joan?" Galit na tanong ni Liezel ng makita niyang papasok ng bahay si Joan. "May inasikaso lang po ako." Walang gana nitong sagot. "May pinatay ka na naman?!" "Tita, hanggang kelan nyo po ako gaganituhin? Ilang beses ko naman na pong sinabi sainyo na wala akong kinalaman sa pagkamatay ng anak nyo! Hindi ko pinatay si Acelle! Hindi ko yun magagawa dahil kahit alam kong hindi kami tunay na magkadugo ay mahal na mahal ko yun." Sa isang iglap ay nag-iba na naman ang awra ni Joan. Yumuko ito sandali at saka Tumingin ng masama kay Liezel at saka ito naglakad patungo sa kwarto niya. "Tignan mo, Ayan na naman yang pagkabaliw mo! Kakaiba ka talagang bata ka! Konting konti nalang, ipapadala na kita sa mental!" Galit na galit si Liezel sa mga taong nilalayasan siya kapag kinakausap pa niya ito. Piling niya ay nababastos siya sa ganun. "Ang tagal naman ni Mama! Saan na naman kaya nagpunta yun?" Asar na wika ni Melanie habang nakapamewang na nag aabang sa pinto ng bahay nila. "Ate melanie, tawagan mo na kaya. Gutom na gutom nadin ako eh." Wika ng bunso niyang kapatid na si Rico. "Mabuti pa nga. Ang Tanda-tanda na kasi, lakwachera payang Nanay mo!" Pinindot na ni Melanie ang cellphone at tinawagan na nya ang ina niya. Bendeng segundo ang tinagal bago sumagot ito. "Oh bakit?" bungad na sambit nito sa kabilang linya. "Nasan ka na naman ba Mrs, lanie Pagador? Gutom na po ang mga anak nyo! Wala pang ulam dito sa bahay!" Nakairap pa si Melanie habang kausap sa phone ang ina niya. "Mangutang ka nalang muna sa tindahan diyan sa labas. Andito kasi ako sa puneralya." "Puneralya? Bakit sino pong namatay?" "Yung anak ng dati kong classmate. Saka ko nalang ik-kwento sayo ang lahat kapag nakauwi na ako. Sige na, Bye!" Binaba na ni Lanie ang phone. Habang naglalakad patungo sa labas si Melanie para mangutang ng ulam sa tindahan, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni Joan sa kanya kanina. "Oo. Mag-iingat ka. Mag-iingat ka dahil may bisita kang dadating sa mga susunod na araw." "Oo. Mag-iingat ka. Mag-iingat ka dahil may bisita kang dadating sa mga susunod na araw." "Oo. Mag-iingat ka. Mag-iingat ka dahil may bisita kang dadating sa mga susunod na araw." "Oo. Mag-iingat ka. Mag-iingat ka dahil may bisita kang dadating sa mga susunod na araw." Pumaulit-ulit sa isipan ni Melanie ang sinabing ni Joan sa kanya. "Ano kayang ang ibig niyang sabihin? Anong bisitang dadating?" Gulong gulo ang isip ni Melanie sa sinabing ni Joan. Medyo nakaramdam din kasi siya ng takot habang kausap niya kanina si Joan. Lalo pa't bali-balita na ito ang pumatay kay Acelle. "Hindi kaya, totoo ang bali-balita na siya ang pumatay kay Acelle at ako naman ang isusunod niya, Kaya sinabi niyang may bisita akong dadating sa mga susunod na araw? Wag na naman sana. Sana mali ang iniisip ko. Sana baliw lang talaga yung Joan, nayun kaya nasabi niya yun." Kung ano-anong ang mga hinalang tumakbo sa isip ni melanie. Hinalang baka siya na ang isunod ni Joan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD