Chapter 5

1883 Words
(Chapter 5) Hanggang sa pag uwi ni Caren sa Bayan nila ay isip-isip parin niya ang sinabi ng manghuhula. Sumasagi minu-minuto sa isip niya ang imahe ng reaksyon ng matandang naghula sa kanya. Hanggang sa makasalubong narin niya sa daan ang matalik niyang kaibigan na si Melanie. Nakita niyang parang ang putla nito ngayon at ngi-ngiwi ngiwi ito habang naglalakad. "Melanie, ayos ka lang?" Nagulat nalang agad si Melanie ng magsalita si Caren. "Ikaw pala Besty. Hindi nga eh. Ang sama ng pakiramdam ko simula pa kaninang umaga. Saka ang sakit din ng bewang ko." "Pansin ko nga na ang putla mo ngayon. Teka, saan kaba pupunta? Kung may sakit ka, dapat nagpapahinga ka nalang sa bahay nyo." "Eh kailangan kong mamili ng tanghalian namin at wala narin naman aasahan pa saamin kundi ako nalang. Maliit pa si Rico, para gawin ito. Isa pa, umalis si nanay at gagala daw ulit sa classmate niya na namatay ang anak." "Sabagay. Pero speaking of patay. Alam mo bang namatay na yung classmate ko nung grade 6 na si Maricar Navelgas. Nakita daw na wak-wak ang tiyan niya. Pupunta nga ako sa kanila mamaya eh." "Yan nga yung pinuntahan ni Nanay ngayon. Kinuwento nga saakin ni Nanay nangyari dun. Weird na daw yun bago mamatay. Saka may nagpakita daw na babaeng duguan sa kanya. Sabi ng nanay ko, baka sundo na niya yung nagpakita sa kanya. Ang creepy nun!Teka nga, Saan ka nga pala galing?." "Galing akong Quiapo. Nagsimba ako. Nakakaasar nga eh, tinakot pa ako nung isang matandang manghuhula dun. Sabihin ba naman saakin na mag iingat daw ako sa mga regalong tatanggapin ko. Tapos yung face niya, ang seryo-seryoso na tila ba binabalaan talaga ako." "Ay mag iingat ka talaga sa mga regalong tatanggapin mo. Ako nga may nadatnang kahon na may lamang sapatos kaninang umaga sa tapat ng pintuan namin eh. tuwang tuwa ako at ang ganda-ganda nun. Kaya lang sinugatan ang paa ko, matapos kong sukatin iyun. Sugat pa na may number na nakaukit. Tignan mo, may 09 at 40 itong paa ko." Pinakita niya ang dalawa niyang paa kay Caren. Natawa naman bigla si Caren na ang ganda-ganda pa ng pagkakaukit ng number sa paa ni Melanie. "Kakaibang sapatos naman yan!" "Kaya nga. Ayun nga't pinatapon ko na sa bakenteng lote sa may kanto. Kaasar! Sige na, mauna na ako at magluluto pa ako ng tanghalian namin ng kapatid ko." "Sige Besty. Ingat ka at magpagaling ka. Wag mo naring masyadong pwersahin ang katawan mo at baka kung mapaano ka pa. Pagkatapos mo magluto, pahinga ka kaagad. Sige, bye na!" Kumaway na siya kay Melanie saka tumuloy sa paglalakad. Nadatnan ni Lanie na nag-iiyakan sina Maricris at ang kamag anak nito. Kasabay ng pag iiyakan. Nagulat nalang sila ng biglang umiiyak ang isang batang lalaki na edad pitong gulang, matapos na padungawin ito sa kabaong ni Maricar. "Bakit Chester?" Gulat na tanong ng magulang niya. Iyak ito ng iyak at nagtatakip pa ng mata. "Y-yung nakahiga diyan sa ataol. Nakita ko po kanina sa may bintana sa taas ng bahay." Kwento ng bata habang iyak ng iyak. Halos magtaasan lahat ng balahibo nila sa sinabi ng bata. "Sino? Si ate Maricar mo ba?" Pagtatanong pa ulit nung mama niya. "O-opo." "Chester, Diba sabi ko sayo, wag kang nagsisinungaling." "Pero mama, hindi po ako nagsisinungaling. Nakita ko po talaga siya dun." Nakaturo pa yung bata sa itaas, sa may bintana. "Chelsea, Hindi nagsisinungaling ang bata. Siguro nga nagpakita ang anak ko sa kanya. Buti pa sa kanya, nagpakita siya. Ako gustong gusto ko din siyang makita. Miss na miss ko na ang anak ko." Nagsimula na naman sa pag iyak si Maricris. Maya’tmaya kumikirot ang bewang ni Melanie. Tila ba may tumutusok dito, Kaya naman habang naglalakad siya papauwi ng bahay nila ay halos hindi maipinta ang mukha niya. Isa pa, sa kinaiirita niya ay maya't-maya din ay dighay siya ng dighay. Tila ba kinakabagan siya. Pag uwi niya sa bahay ay nagulat siya. Pag pasok niya sa loob ay nakita nyang nakapatong sa lamesa ang sapatos na tinapon na niya kanina sa bakanteng lote. "Rico! Rico!" Sigaw niya. Agad na sumulpot ang batang si Rico. "Bakit ate?" "Kinuha mo ba ito sa bakenteng lote?" Nakaturo si Melanie sa sapatos. "Yang sapatos? Hindi ah. Saka kanina pa nandiyan iyan." "Wag kang sinungaling Rico! Uumbagin kita diyan!" "Promise Ate, hindi ko yan kinuha dun. Saka talaga pong kanina pa talaga yan nandiyan!" "Sino kayang gago ang nanti-trip saakin? Malaman ko lang kung sino siya, Tatapyasin ko ang ulo niya!" Dinampot niya ulit ang sapatos at saka niya binalibag sa labas ng bahay nila. Kahit nanlalata at wala sa mood si Melanie ay nakuha niya parin magluto ng maayos. Bandang hapon. Habang natutulog si Melanie sa kwarto ng nanay niya. Nagising nalang siya bigla, nang biglang may bumulong sa kanya. "Mamamatay karin, Melanie." Nung una, kala ni Melanie ay guni-guni lang ang lahat. Kaya lang pag ka pigit niya ulit ay bigla namang nag ring ang cellphone niya. Sinagot naman niya yun agad-agad. "Hello?" "Hello, Melanie. Malapit ka ng mag game over. Konting oras nalang." Halos magulat at mag taasan ang balahibo ni melanie sa boses ng babaeng sumagot sa kanya. "Sino ito? Wag naman kayong nanti-trip!" Asar na sambit ni Melanie. Hindi na muling sumagot pa ang kausap nya. "Letche! Masama na nga pakiramdam, Ang dami pang siraulong nantitrip!" Sambit ni Melanie matapos na ilapag ang cellphone sa kama. Habang Kumakain ng hapunan sina Diana at ang mama niyang si Liezel ay naging topic nila bigla si Joan. "Mama, Bakit nagkaganun si ate Joan? Pwede bang wag nyo na siyang sungitan. Baka kasi sa pagiging malupit nyo sa kanya ay kaya siya nagiging ganun." Sambit ni Diana. "Wala akong pakelam sa hilaw mong pinsan! Pinatay niya ang ate mo kaya dapat lang na iganti ko siya." "Mama, Hanggang ngayon ba naman? Tama na po!" "Eh basta, Hinding hindi ko siya mapapatawad." "Wala naman akong magagawa kung hindi mo ako mapatawad tita, liezel. Ang sakin lang, sana wag naman kayong masyadong pahalata sa mga tao na galit na galit kayo saakin. Nakakahiya kasi, na pati sila pinagbibintangan akong pumatay kay Acelle. Saka pwede din po bang wag nyo akong pinapahiya sa labas ng bahay!" Nagulat sila sa sumulpot na si Joan. Matapos nitong magsalita ay agad-agad itong lumabas ng bahay. Sinundan naman siya, bigla ni Diana. "Teka, Ate joan, Saan ka pupunta? Kumain ka muna." "Wala akong gana. Sige na pumasok ka na sa loob." "Eh saan ka pupunta?" "May kliyente ako sa sapatos na pinahiram ko. Kailangan ko ng bawiin yun at ipapasa ko naman sa isa ko namang target." "Ha? A-ano bang trabaho mo, Ate Joan?" Gulong-gulo si Diana sa mga sinasabi ni Joan. "Wag mo na ngang alamin! Pumasok ka na sa loob." Binigyan lang ni Joan ng masamang tingin si Diana kaya pumasok na ito sa loob. Bandang 9pm ng gabi, nang lalong sumama ang pakiramdam ni Melanie. Pinuntahan siya ng kapatid niyang si Rico sa loob ng kwarto kung saan nakahiga ito. "Ate, Alas nuwebe na ng gabi. nagugutom na ako. Anong kakainin natin?" "M-masama pakiramdam ko, rico. Nag saing naman na ako. Initin mo nalang ang ulam na niluto ko kaninang tanghali." "Eh paano po, hindi pa ako sana'y mag bukas ng kalan." "Rico naman, malaki kana. Kaya mo na yan, Hindi lang ako makatayo at ang sama-sama na talaga ng pakiramdam ko." "Ba't hindi mo kaya tawagan si Mama ng matignan ka. Maputla ka na nga Ate. Baka masama na yang lagay mo." "Wala akong load. Hayaan mo, uuwi rin yun maya-maya. Sige na Rico, initin mo nalang ang ulam kung gutom kana. Pasensya kana kung hindi ka maasikaso ng ate ngayon. Masama lang talaga pakiramdam ko." "Na touch ako sa mahinahon mong sinabi, Pero p-pwede ba ate na yakapin kita?" Nagulat si Melanie ng yakapin siya ni Rico. Hindi rin alam ni Melanie kung bakit bigla nalang tumulo luha nya. Ngayon lang sila naging sweet nitong kapatid nya. "Rico, tama na. Di ako sanay ng ganito." "Sorry ate kung minsan, matigas ulo ko." "Rico, tama na sabi. Naiiyak na ako." Lumabas narin si Rico ng kwarto. Naiiyak rin ito dahil naawa siya bigla sa ate niyang may sakit. Di kasi sanay si Rico na nakikita niyang matamlay ang ate niya. Habang tumutulo ang luha ni Rico ay hawak hawak nito ang ulam na niluto kanina ng ate niya. Binuksan na niya ang kalan na ngayon lang niya nagawa. Pagkatapos na initin ang ulam ay mas inuna pa niyang dalan ng pagkain ang kapatid niya. Tuwang-tuwa naman si Melanie na ang akala niyang kapatid niyang si rico na asurot lagi sa buhay niya ay ito pa ngayon ang mag aalaga sa kanya ngayon may sakit siya. Sinabayan ni Rico, sa pagkain ang ate niya. " Ate ang sarap pala sa pakiramdam na magkasundo tayo." "Ikaw naman kasi ang tigas ng ulo mo minsan. Saka ang dal-dal mo din kasi." "hehehehe! ang sarap mo kasing asarin eh." Nagulat parehas sina Rico at Melanie ng bumukas ang tv na nasa harap nila. Imbis na palabas ang tumumbad sa kanila ay oras ang lumitaw dun. Malaking 09:40 ang nakalagay sa screen ng t.v. "A-ano yan? Bakit bumukas kusa?." Tanong ni Rico. "Napatingin naman si Melanie sa number na nakalagay sa t.v, Natandaan niya yung number na nakaukit sa paa niya. Bigla naman silang nakaamoy ng usok na pumasok sa loob ng kwarto nila. Naubo na sila parehas dahil patindi na ng patindi ang usok. "B-bakit ang usok? May sunog ba?" Tanong ni Melanie. Lumabas naman ng kwarto si Rico. at laking gulat nito ng pagbukas niya ng pinto ng kwarto ay nakakita siya ng apoy sa may kusina ng bahay nila. Papalapit narin ito sa kwarto na pinaggalingan niya. "Ate! Ate, may sunog dito saatin?" "Ano?! Lumabas ka na bilis!" Sambit ni Melanie. "Eh ikaw. Halika kana. Sabay na tayo." Nakita na ni Melanie na may apoy na sa likuran ni Rico. "Rico takbo na bilis! Susunod din ako." Agad naman na Sinunod ni Rico ang sinabi ni Melanie. Tumayo narin siya at tatakbo na sana ng may isang babaeng nakabistida ang biglang nagpakita sa kanya. "Ahhhhhhhhhhhh!! S-sino ka?" "Oras mo na Melanie. Paalam ka na sa Mundo!" Sambit nung babaeng inaagnas ang mukha. Tatakbo na sana ulit si Melanie ng yakapin siya bigla nung babae. "Saan ka pupunta. Dito ka lang. Samahan mo akong mag pa init. Sandali nalang at maluluray kana." "Ate, lumabas kana diyan. Marami ng apoy." Sigaw ng sigaw sa labas si Rico. Iyak na rin ito ng iyak dahil sa tingin nito ay hindi na makakalbas ang ate niya. Hindi narin naman siya makapasok dahil puro apoy na ang pintuan na papasukin niya. "Maawa ka saakin? Pakawalan mo ako." Pagmamakaawa ni Melanie. "Hindi pwede. Pero isa lang ang dapat mong sisihin kung bakit ka mamamatay!" "Sino?" "Ang nanay mo!" "Bakit? Anong kasalan ni Mama sayo?" "Kung ano ang gagawin ko sayo, ganun ang ginawa nila noon." "Ha?" "Wag ng maraming tanong. Oras na para mamatay ka!"Sumigaw na ng malakas si Melanie ng higpitan pa lalo nung babae ang yakap sa kanya. Maya-maya pa ay bigla nalang sumabog ang tangke ng kalan nila. Halos magkaluray-luray ang katawan ni melanie sa sobrang lakas ng pagsabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD