MATAPOS malalag nila Beth, Lanie at Maricris sa kulungan na ginawa ni Cindy ay maghalong kaba at panginginig ang naramdaman nila. Pero gumaan din naman agad 'yun ng makita nilang buo ang magkakaibigan na buhay pa doon, lalo ng makita pa nila si Rose na kauna-unahang kinuha ni Cindy na inakala nilang patay na. Matapos ng mga kababalaghan na naganap sa loob ng itim na butas ay tumatak sa tenga nila Lanie at Maricris ang huling salita na sinambit ni Beth, bago sila tuluyang lamunin ng itim na butas. Kaya naman nang maging kalmado na sila ay nakapagtanong na rin si Maricris. "Totoo bang si Neth ang tunay na anak ni Cindy?" Napatingin ng may halong lungkot si Beth sa nagtanong na si Maricris. Nagulat naman ang iba pa nilang kaibigan sa nadinig nila. Waring lahat sila ay nag aabang sa kung an

