NAGISING kinaumagahan si Liezel na masama ang pakiramdam niya. Piling niya tinatrangkaso siya. Napakasakit kasi ng ulo niya. Lumabas siya ng kwarto niya para uminom ng tubig. Nauuhaw kasi siya dahil natuyot ang katawan niya. Dala din siguro ng hang over niya. Madami kasi siyang nainom na alak sa party kahapon. Nakasalubong siya ni Joan sa kusina. "Tita Liezel? Bakit ang putla niyo. May sakit po ba kayo?" Tanong niya. "W-wala lang 'to. 'Wag mo nalang akong pansinin." "Kapag kailangan n'yo po ng tulong, tawagin n'yo lang po ako sa kwarto ko. Sige po, pahinga po kayo mabuti." Sambit ni Joan sabay alis. Pagkainom ni Liezel ng tubig. Bumalik nadin siya sa kwarto niya. Nahiga ulit siya sa kama dahil napakasama talaga ng pakiramdam niya. Patulog na sana siya ng makaramdam siya ng pananakit

