SIMULA ng malaman nila Beth, na si Prince Jairo ang ama din ng dinadala ni Cindy, ay lalong naging mainit ang tingin at pakikitungo nila kay Cindy. Sa bawat araw na tumatakbo kay Cindy ay walang araw na hindi siya nakakatanggap ng sampal, sabunot o di kaya naman ay panunulak. Mabuti nalang at malakas ang kapit ng bata na dinadala niya at hindi naapektuhan ito sa mga pasakit na binibigay nila Sharmaine kay Cindy. "Beth, si Prince Jairo, nasa labas, gusto ka daw makausap," wika sa kanya ni Lyndrez. "Wala akong panahong makipag usap sa taong manloloko!" Sagot niya sabay punas sa luhang biglang kumawala. "H'wag muna ngang kinakausap yung lalaking 'yun, Lyndrez!" Nakairap na sambit ni Sharmaine. Naupo nalang tuloy si Lyndrez at hindi muling binalikan si Jairo sa labas ng room. "Oo nga, sab

