Chapter 16

1105 Words
(Chapter 16) Patuloy lang sa paglalakad si Aileen, patungo sa itaas ng kanilang bahay. Nais man niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Tila ba kasi may nakatakip sa bunganga niya na nagpipigil upang siya ay humiyaw. Hindi rin niya alam kung bakit kusang naglalakad ang kanyang mga paa. Kusang gumagalaw ang buo niyang katawan na tila ba may kumokontrol sa kanya. Sa loob loob ni Aileen ay natatakot na siya. Habang patuloy sa paglalakad ay biglang sumalubong ang malakas na hangin na lalong nag pangatog sa buo niyang katawan. "Tulungan nyo ko! Tulungan nyo ako!" Pilit na humihiyaw si Aileen, ngunit sa isip niya lang kayang sumigaw dahil sadyang ayaw bumuka ng kanyang bibig. Nang huminto siya sa loob ng isang kwarto nila sa itaas ay isang kakila kilabot na inaagnas na babae ang kanyang biglang nakita. Bigla siya nitong sinampal. Tumalsik ang konting dugo na nag mula sa kanyang bibig. Nagulat si Aileen, ng paglapag ng dugo sa sahig ay kumorte yun na number. 09:59 ang nakalagay. "Oras mo narin, Aileen!" Wika ng babaeng inaagnas ang mukha na nagpataas ng balahibo lalo ni Aileen.. "M-maawa ka!" Pilit na pilit sa pagsasalita si Aileen. "Lalo na namang lalakas ang kapangyarihan ko sa oras na mamatay ka. Ito pala ang lihim ng aming lahi. Sa lahat ng mangkukulam sa buong mundo ay kami ang pinaka makapangyarihan!" "Maawa ka. Ayoko pang mamatay..." Sa wakas ay nakapagsalita narin ng maayos Si Aileen. "Pasensya ka na. Damay lang kayo dito. Anak nila ang pinaslang nila saakin, kaya anak din ang kabayaran. Sa totoo lang, hindi naman ako masamang tao. Mabait ako. Sila lang ang naglabas ng pagkadimonyo ko. Sila ang dahilan kung bakit naging malakas akong mangkukulam. Iba ako sa lahat ng mangkukulam. Malas nila, ako pa ang kinalaban nila. Kung dati ako ang inaapi api nila. Ngayon, ako naman. Kaya, Aileen. Paalam!" Bago pa makasigaw si Aileen ay nagulat nalang siya ng biglang tumusok ang mahahabang kuko ng babaeng inaagnas sa dibdib niya. Bumaon ang kuko sa puso niya, kaya naman halos sumuka ng maraming dugo si Aileen. Nang malagutan ng hininga si Aileen ay pinalutang niya ang bangkay nito. Binuksan niya ang pinto ng kwarto ng pinagpatayan niya kay Aileen. Sa may hagdan ay agad niyang nilaglag ang katawan ni Aileen. Nagulat sila Lyndrez, Lanie at Maricris sa biglang nagpagulong gulong sa hagdan na katawan ni Aileen. Nang makita ni Lyndrez na duguan ang anak ay nag sisigaw na siya! "AILEEN!!!!!!" KINABUKASAN, maagang nakalapag ang eroplanong sinakyan nila Rose at Marie. Excited umuwi si Marie sa pilipinas dahil gustong gusto na niyang makita ang iniidolong si Neth. "Kumain muna tayo. Nagugutom ako," aya ni Rose sa anak niya. Matapos kumain nang umagahan ang mag ina ay nag taxi na sila para umuwi sa bahay nila. Ang kapatid ni Rose ang bumungad sa gate ng dumating sila sa harap ng bahay nila. "Naku, andyan na pala kayo," wika ng kapatid niya. Agad niyang pinagbuksan ang dalawa at tinulungan na sa m Pagbubuhat sa mga gamit na dala nila. "Kamusta ka dito, ate?" Tanong ni Rose. "Okay naman. Kayo ba, bakit napauwi kayo sa pilipinas?" "Gusto ko po kasing makita ang idol kong si Neth," singit na wika ni Marie. "Naku, idol na idol mo talaga siya ah!" Nakangiting sabi ng tita niya. Sumiryoso ang mukha ni Rose. "Ate may bumabagabag saakin," biglang sabi ni Rose. "Bakit?" Naguguluhang tanong ng kapatid niya. Naupo muna sila bago tuluyang mag usap. "Nagkakamatayan po kasi ang mga anak ng kaklase ko. Nababagabag ako. Sunod sunod yung nangyari. Kaya ako umuwi ay makikibalita ako kung bakit nagkakaganun sila. Saka isa pa, piling ko ay may hindi nangyayaring maganda sa mga kaklase ko." "Ganun ba? Naku bakit kaya?" "Malalaman ko yan, mamaya kapag dumalaw ako sa burol ng mga anak nila." "Tignan mo kung paano umiyak si Lyndrez. Nakakatuwa talaga pagnakikita kong umiiyak ang mga dati kong kaklase..." Tuwang tuwang wika ni Cindy habang pinapanuod sa tubig ng planggana ang nagaganap sa bahay nila Lyndrez. "Aling Cindy, dalawa nalang po. Sino po kay Marie at Neth ang isusunod mo?" Tanong ng lalaki niyang alalay. "Masyado ka atang atat, Onyong?" Nakangisi niyang wika sa lalaki. Nangiti nalang sa kanya ang lalaki. "Habang tumatagal nagiging galamay nyo na ang pag gamit sa kapangyarihan nyo. Sana balang araw, matutunan ko rin ang mga kakayahan nyo," seryosong wika ni Onyong. "H'wag kang mag alala, Onyong. Bago ako mawala sa mundong ito ay ituturo ko sayo ang lahat na nalalaman ko. Anak na ang turing ko sayo kaya dapat lang na ngayon pa lang ay aralin mo na ang mga dasal at orasyon na aking ginagawa." "Maraming salamat po aling Cindy. Hindi po talaga ako nagkamali ng nilapitan. Saka 'wag po kayong mag alala, tinatandaan ko po ang lahat ng ginagawa at dinadasal nyo. Ang totoo po niyan ay may ilan ilan na akong natutunan." "Nanay na ang itawag mo saakin, Onyong. Mabuti naman kung ganun. Pagbutihan mo at wala naman ibang magmamana na kakayahan ko kundi ikaw nalang." "Seryoso po kayo? Okay lang po na nanay ang itawag ko sainyo?" Masayang tanong ni Onyong. "Oo naman. At anak narin ang itatawag ko sayo simula ngayon. Matagal na tayong magkasama Onyong, kaya dapat lang ng pamilya na ang turingan natin." "Opo, nanay Cindy. Masaya ako na may magulang na ako." Nagyakapan ang dalawa at sabay nang nanuod sa mga nangyayari sa bahay nila Lyndrez. "Tama na yan, Lyndrez. Kagabi kapa umiiyak. Tumahan kana. Manghihina ka niyan," nag aalalang wika ni Maricris sa kaibigan. "Lanie!, Maricris, sabihin nyong nananaginip lang ako! Hindi pa patay ang anak ko. Hindi totoo ang kabaong ito," nag iiyak na wika ni Lyndrez habang yakap yakap ang kabaong ng anak. Kahit pinagtitinginan na siya ng mga taong nakikiramay sa kanila ay wala siyang pakielam. Nauunawaan naman siya ng mga tao dahil alam nilang mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay. "Lanie, uuwi muna ako. Matutulog lang ako ng konti at mamaya ay dadalaw ako kina Carmelita at kay Sharmaine. Pag tapos sa gabi ay dito ako tutuloy. Grabe na. Tatlo-tatlo na ang patay. Sino kayang dimonyo ang gumagawa nito?! Hayop siya sa lahat ng hayop! Ang brutal niya!"galit na wika ni Maricris. "Malalaman din natin yan, Maricris. May naisip na ako. Siguradong kay aling Arsenia ay malalaman natin kung sino siya. Magaling siya." "Sino si Aling Arsenia, Lyndrez?" Tanong bigla ni Lanie. Bago sumagot ay pinunasan muna ni Lyndrez ang luha sa mga mata. Tumingin siya ng seryoso kina Lanie at saka nagsalita. "Si Aling Arsenia ang lola ni Cindy. Magaling daw ng mangungulam yun. Kung mangkukulam ang kalaban, pwes mangkukulam din ang ipanglalaban natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD