W.A*b2-10 (P.1)
Elsa
Nagpalinga linga ako, nasaan na si Alice? Tinawagan niya ako kanina para sabihing magkikita daw kami sa lugar na ito, tapos wala naman pala siya. “Elsa?” boses ni Belle, nakasuot pa siya ng long white gown at parang galing pa siya sa photo shoot sa pustura niya. “What happened? sabi emergency daw? Kaya hindi na ako nakapagpalit ng damit.” Tiningnan nito ang sarili at napakagat labi.
“Belle?” balik tanong ko, nasa isang bakanteng lupain kami. Dahil doon kami pinapapunta ni Alice. “Tinawagan karin ba ni Alice?”
“Yes.” Sagot niya, maya maya pa’y dumating naman si Celen. May dala pa itong libro, galing pa ito sa school niya dahil naka uniform pa ito habang nakaponytail na kulay pula, pula din ang dala nitong shoulder bag. Kaagad na nagyakapan sina Celen at Belle at sunod ako naman ang niyakap nila. Kinuha ko ang cellphone and dial Alice’s number.
Ring lang iyon ng ring, pero maya maya pa’y may sumagot. “Where are you? Nandito na kami.” Sabi ko, and then she ended the call. “Hello? Alice? Hello?” wala na ito sa kabilang linya.
“May nangyari ba kay Alice?” si Celen, bago pa ako makasagot ay may nagsidatingan ng itim na sasakyan at maya maya pa’y may nakatarak na sa mga katawan namin at ang unti-unting pagdilim ng aking paningin.
-
“Kulang sila ng isa!” naririnig kong sabi nila. Unti unti akong nagmulat ng mata at nakita ko sina Belle at Celen na nakahiga sa ibang higaan, at paglingon ko naman sa kabila ay nakita ko si Alice na nakahiga rin pero may malay na siya at nakatingin siya sa akin.
“Alice? anong nangyayari dito?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko rin alam.” Sagot niya. “Si Delly, nakuha ba nila?”
Umiling ako. “Malamang hindi, dahil busy iyon sa pagbabantay kay Baby-“
“BITIWAN NIYO AKO! ANO BA! Sino kayo? Nasaan na ang kaibigan ko? Anong ginawa niyo sa kanila?” boses iyon ni Delly. Hindi ako makagalaw dahil puno ng tali ang katawan ko.
“Delly!” sigaw ko.
“Elsa?” sabi niya, bumukas ang pinto at iniluwa doon si Delly na nakapiring ang mga mata. “Elsa? Is that you?!” muling sambit niya. Tinanggalan ito ng piring, at nanlaki ang mga mata nito ng makita kaming apat. Itinulak ito ng isang may tabing ang mukha papasok sa loob at pagkatapos ikinulong na kami sa silid na iyon.
“My God! Belle, Celen!” mabilis na nilapitan nito ang dalawang wala paring malay. “Anong ginawa nila sa inyo? Anong kasalanan natin at bakit tayo pinapahirapan ng ganito!” sigaw niya. Tahimik lamang si Alice sa tabi ko. May tatlong pumasok at hinawakan sa magkabilang pulsuhan si Delly na nagpupumiglas naman, may itinarak sa kanya dahilan para mawalan siya ng malay at ipinasok ang isang higaan, doon inihiga nila si Delly at gaya naming apat ay itinali din siya sa higaan.
“Who the hell are you? What do you want from us? Money? How much?!” tanong ko.
Hindi siya nagsasalita at ng masigurong ayos na si Delly ay muli na itong lumabas sa silid. Kahit anong pilit kong tumakas ay hindi ko magawa. “Shits!”
Nagkakamalay na sina Belle at Celen dahil umuungol na ang mga ito. “Celen? Belle?” tawag ni Alice. “Are you okey girls?”
“Yes we are fine.” Sagot ni Belle. “Where were we?”
“Nasa Wolf Gang tayo.” Sagot ni Alice.
“Do you know them?” tanong ko.
“Before yes, pero ngayon hindi na.” malungkot na sagot niya.
“Hey Alice, what kind of tricked is this?” si Belle. “Tinawagan mo kami para dito?”
“It wasn’t me Belle. Sorry if nadamay pa kayo dito girls.”
“OMG! May exam pa ako bukas!” si Celen. “Alice stop this okey? Hindi kana nakakatuwa!”
“Celen, hindi mo ba nakikitang anytime pwede tayong mamatay dito?” tanong ko sa kanya.
“Seriously?! It means seryoso to? Teka, Alice nakatali karin bang katulad namin?” sigaw ni Celen.
“Oo.” Sagot ni Alice.
“No way! Hello? May tao ba diyan?” sigaw ni Celen. “Palabasin niyo kami! Anong kailangan niyo sa amin!”
“Uhmm..” si Delly. Nagkakamalay narin ito at gaya ni Celen ay nag iingay din ito. “Delly, nasaan si Baby Marie?” tanong ko sa kanya.
“Nasa bahay, sa yaya niya pero nandoon naman si Winston.” Umiyak siya. “Miss ko na si Baby Winsley Marie ko. PALABASIN NIYO NA KAMI DITO! ANO BA!”
“Shut up!” ganting sigaw ng nasa labas.
Delly began to cry. “I am worried about my baby..” aniya.
“Bakit ka napunta dito?” tanong ko sa kanya.
“Tumawag kanina sa akin si Alice, ang sabi niya may masamang nangyari daw sa inyo kaya hindi na ako nakapagpaalam pa kay Winston dahil sa pagmamadali kong makapunta sa lugar na sinabi niya, tapos ang naabutan ko lang doon ay isang sasakyan tapos dito na nga ako dinala.”
“Boses ko ba talaga?” tanong ni Alice.
“Yes.” Sagot ni Delly. “Ano bang nangyayari dito at ano ang kailangan nila sa atin!”
At biglang may pumasok na usok sa loob ng silid at ang pagkawala muli ng aming mga malay. Haist lage nalang.
============================================================================
Alice
“Who are you? Bakit mo ba kami tinnutulungan?” tanong ko sa isang may takip ang mukha, siya din ang nagbigay sa akin ng susi. Tapos ngayon ay sinisimulan niya namang kalasan ako ng tali sa aking higaan. Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang niya ang ginagawa, ng makaalis na ako sa higaan senenyasan niya ako para kalasin naman ang mga tali kina Elsa, Delly, Belle at Celen.
Mula sa ilalim ng wheeled folding bed ko ay inilabas niya ang limang wolf uniforms? Ng kagaya sa suot niya at ang pantakip sa mukha at tinarakan niya ng kung ano man ang apat para magkamalay, akmang susugurin ni Elsa ito ng magising ito mabuti nalang at napigilan ko kaagad ang kamay niya.
“Kaibigan siya, tinulungan niya tayo.” Sabi ko.
Lumapit ito sa pinto at inilabas ang isang maliit na salamin at mabilis na bumalik sa amin, at muli kaming pinahiga sa higaan namin, kailangan naming magtiwala sa kanya dahil wala na kaming ibang choice. Kaagad niya kami tinakpan ng puting tela hanggang sa leeg, at mabilis kaming pumikit.
“Are they ready?” tanong ng pumasok.
Wala kaming narinig na sagot pero nagpatuloy ang nagtanong. “Good job, sige simulan mo na.” wala ulit sagot pero narinig namin ang mga hakbang palabas ng silid. Muli niya kaming ginising at pinasuot ng damit na katulad sa kanya. Its all white, elastic, at may white bonnet na lahat ng mukha ay natatakpan pwera sa mata na may see through na tela para may makita kami, I can’t breath! Para akong nalulunod sa kailaliman ng dagat. Inayos ni Elsa ang weird bonnet sa mukha ko kaya nagkaroon ako ng konting hangin.
“Thank you, Elsa.” I told her.
“This is what I hate the most, ang walang maintindihan sa mga nangyayari.” Si Belle. “And are you a mute? Hindi ba uso sayo ang magsalita?” biglang lumapit sa kanya ang lalaki at walang sabi sabing hinalikan siya sa mga labi.” Kaagad na sinampal ito ni Belle.
“Tama na Belle, bilisan mo nalang ang pagpapalit.” Si Celen.
“Hindi mo ba nakita? Hinalikan lang naman niya ako!” reklamo ni Belle kay Celen.
“Ayaw mo nun? Maganda ka raw kasi.” Muling sagot ni Celen, at tinulungan na nito si Belle sa pagbibihis. Muling may inilabas na salamin ang guy sa labas ng pintoan, at binilangan kami ng lima sa pamamagitan ng mga kamay niya. Tumabi kami sa gilid, at nagsipasukan na ang limang nakatakip rin ang mukha, parang white ninja ang style, kaagad na kinarate nito ang limang pumasok at nakanganga lang kami habang pinapanuod siya. Tela balewala lang dito ang ginagawang pamamali ng buto sa limang biktima nito at senenyasan kaming isakay ang lima sa higaan at tinakpan ng puting tela.
Hinarap nito si Elsa at nakipag-usap sa pamamagitan ng senyas ng kamay, at naintindihan iyon ni Elsa. “Anong sabi?” si Delly.
“Ang sabi niya, huwag daw tayong magsasalita at laging tango lang, at huwag daw tayong titingin sa kanila sa oras na lumabas tayo sa silid, dahil lilipat daw tayo sa dark room.” Paliwanag ni Elsa.
“Ganun kahaba ang sinabi niya?” bulalas ni Belle.
“Hindi embento ko lang.” si Elsa.
Tig-isa kami ng tulak, at habang lumalabas kami sa silid na iyon ay lumikot ang aking mga mata, parang familiar sa akin ang lugar, hindi ko lang matukoy kung saan. Bago kami makarating sa dark room na sinasabi nito ay nakita ko si Wolf o si Jinky Collins at kasama nito walang iba kundi si Samantha Benidez, nakita ko ang pagtigil sandali ni Delly, napatingin sa gawi namin si Samantha Benidez kaya palihim na binunggo ko siya ng tulak tulak kong de gulong na higaan.
Pinahinto niya kami at nilapitan. Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng higaan, lalaban ako kung hinihinge ng pagkakataon. “Ang Wild Angels naba yan?” tanong nito. Tumango kami, gaya ng sinabi ng guy. Nakita ko ang pagngisi ni Samantha at akmang bubuksan ang puting tela pero kaagad iyong napigilan ni Wolf.
“Kailangan na nating magmadali, dahil hinahanap na sila ng mga kasamahan nila.” Anito, boses lalaki? Pero sigurado akong si Jinky Collins ang nasa loob ng mascara, ahh.. ginamit niya muli ang maskarang ginagamit ko noon tuwing may mga pagtitipon ang Gang. She’s quiet clever but don’t have originality, sheesh.
“Okey, alam niyo na ang gagawin niyo sa kanila.” Si Samantha at lumagpas na sa amin, tiningnan kami ni Wolf bago sumunod kay Samantha. Nagtuloy tuloy na kami sa sinasabi ng guy na Dark Room. At gaya ng tinawag nito ay Dark nga, sobra pa. Para kaming nasa operating room, dahil nagkalat ang gamit sa pag oopera, mula sa pinakamalaking gunting sa pinakamaliit, iba ibang hugis at laki rin ng mga kutsilyo, at marami ding nakasabit na mga skin masks, at may machine din sa gilid.
Mabilis na inihulog niya ang sakay sa higaan kaya ganun din ang ginawa namin, binuksan niya ang isang extension room at ganun nalang ang panlalaki ng mga mata namin ng makita ang aming mga sarili! Muli itong nagsenyas ng kung ano ano nalang, napakurap kami.
“Holy s**t! si Belle. “How dare you na gayahin ang pagmumukha namin? And look the boobs, hello? Geez I know Joshua wont believe that this is me, sa size palang ng boobs halatang fake na!”
Natauhan na si Elsa, “Girls, ihiga daw natin sila, c’mon.”
Pikit matang binuhat ko ang babaeng kamukha ko ganun din sila, at inihiga sa higaan at ang limang inihulog namin at ipinalit namin sa loob ng extension room.
At sinimulan ng lagyan ng mga hose ni guy ang limang babae, pinalapit niya kami at sinuotan niya kami isa isa ng parang headseat, na naka konektado sa mga kamukha naming katawan ng babae.
Hanggang sa parang kinombulsiyon sila, para silang sinasaniban ng masasamang espirito hanggang sa huminto at sa unti unting pagkakaroon ng buhay ang kanilang mga mata.. just like us.. just like me.
============================================================================
N/A: Please show me some love! Comment and Vote.